Chapter 2: "Stomach, meet butterflies."

431 15 6
                                    

And I still get those stupid butterflies.

-----

"Bru, papasok ka na din diba?" rinig kong tanong ni Kris sa tabi ko. Sabay kaming nag lalakad ngayon papunta sa kanya kanyang class namin.


"Oo." Maiksi kong sagot habang hinahanap yung schedule ko sa bag ko. Di yata nahalata kung ano yung ginagawa ko.


"Kaso hindi tayo magkaklase eh." Pag mamaktol niya habang kumakapit sa braso ko. Para naman tuloy akong mawawala nito.


"So pupunta na ako sa room ko ah?" pahabol ko ng mahanap ko ang papel na kanina ko pa hinahanap. 


"Ihahatid na kita, namimiss kita eh!" Mapipigilan ko ba ang isang to? Sa tindi ng kapit sa braso ko ngayon.


Almost 30 minutes na ako nasa klase ngayon so more likely nasa gitnna na din kami ng lecture ng may narinig akong pumasok ng room.  I didn't bother to look kasi busy ako sa pag susulat.


Nakaramdam din ako ng presensya na tumabi sakin, pero tulad kanina. Hindi ko siya tiningnan kasi nga busy ako.


Nag cough siya then nagsalita "How's your life?"

O___O


Unti unting nag slowmo yung utak ko. That voice is so familiar!Napa angat yung tingin ko dun bigla ah!

Humingang malalim lang ako at pinilit na irelax ang sarili ko. Bakit ba to sumusulpot sulpot bigla? Sa lahat ng tao na magiging kaklase ko, eto ang hindi ko expect na biglang dadating na lang.

Tumingin ako sa kanya "Ayos lang." Ngiti ko sa kanya. "Ikaw, kamusta buhay mo?" sinubukan kong tumingin diretso sa mata niya para maramdaman niya na komportable ako, pero di ko magawa ng maayos!! TT____TT I just end up looking away at tumingin sa board.

Nag kunwariang nakikinig sa lecture. Jusko naman kasi!


Narinig ko yung pag hinga niya ng malalim. "Hmm. Eto kausap ko."


Dahil sa gulat ko, nabitawan ko yung ballpen na hawak ko. 


May girlfriend siya no! Tapos gaganito siya ngayon? Nasisiraan na ba talaga to? -____-


Hindi na ako kumibo nung naiabot niya yung ballpen ko! Nakakainis! Sapatusin ko kaya to!


Buong klase, I tried my best to listen as much as possible kahit buong prisensya niya nag papawala ng focus ko ngayon.


Ang tagal ng oras! Bakit ganun?


"Abot ang tingin mo sa relo mo." Sabi niya habang sumusulat din.


Hindi ko siya kinibo. Baka mag stutter lang ako ede mas nakakahiya naman kung ganun!


All For One PERSON [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon