Chapter 23 : Welcome to Siargao

75 4 6
                                    

"Are you ready?" salubong sakin ni Charles pag labas na paglabas ko ng cottage namin.

May sarili kaming cottage ni Charles, sabi niya its waaaaay better than staying in a hotel.

Hanggang ngayon, di ko pa din makalimutan... cottage? For real?


[FLASHBACK]

Alam naman niyang antok pa ako dahil ang aga niyang pumunta sa bahay, after nun, dumiretso na din kami sa airport, just to find out na sasakay kami sa private plane nila...

"Seriously?" Di yata maprocess ng utak ko yung sinabi niyang gagamitin namin yung private plane nila papunta. Nabibigla ako sa mga nakikita ko kay Charles... you wanna know why? Cuz he never mention anything to me, even once. 

Di ko tuloy maiwasang tingnan siya, baka di siya si Charles na kilala ko! TT____TT

Natauhan na lang ako ng pinitik ni Charles yung noo ko. 

"I will let you sleep, pero first, let's go." Hila niya sakin pero di pa din ako gumagalaw. "Don't make me carry you Sophie." I can tell that he's enjoying every single seconds of me looking lost.

Di ko maiwasang mapapout at itulak siya ng nakita kong papalapit siya sakin. "Hoy Charles!! Don't make a scene here!" Warning ko sa kanya na ikinatawa naman niya. Di ko maiwasang hindi din mapatawa dahil sa kapilyuhan niya.

Naramdaman ko naman na may humaplos sa mukha ko... pinilit kong alalahanin yung nangyari kanina simula umupo ako sa tabi niya, pero wala na akong maalala.

  "Wake up sleepy head... we are here." Sumalubong sakin ang matamis niyang ngiti na kahit naka suot siya ng sunglasses at naka summer hat, alam ko kung ganong nakasmile yung mata niya.  

How can he become so adorable wearing his open polo with a sando underneath, tapos naka boat shoes din siya and he look so manly while driving... Did I ever mention that we are here in his yacht right now? Nasa dock na kami ng cottage dito sa Siargao.

TInotoo nga nito ang sinabi niyang di niya ako iistorbohin sa buong tulog ko. 

Simula sa eroplano hanggang sa yacht wala man lang ako kamalay malay na nasa tubig na kami.

Kung masamang tao siguro kasama ko, baka nakidnap na ako.

"Hay Sophie... Sophie and her lutang moments lalo na pag bagong gising." Pang aasar niya habang lumuhod sa harap ko at inayos ang buhok ko. "I will go down first okay?" pag aassure niya.

Hindi ko alam if he's just in a rush or yung processing ng utak ko sobrang slow. 

Nakita ko na lang siya na nakataas ang kamay, asking me to jump.

I didn't think twice. Dahan dahan niya akong inalalayan at binuhat papunta sa shore. 

"Charles, I think you're forgetting that I have legs." Natatawang comment ko sa kanya. Feel na feel naman kasi yung pag buhat niya sakin habang nakahawak ako sa balikat niya at siya sa bewang ko. 

"I know, I just don't want to hassle you." Bago pa ako makapag salita, naramdaman ko an yung sand sa paa ko even if I'm wearing my beach sandals I can still feel how the fine sand tickle my toes. Kasabay nun ang mabilis niyang halik sa labi ko.

Inalalayan niya akong maglakad sa bahay sa di kalayuan at akala ko di kami dito mag sstay pero I was wrong ng i-guide niya ako towards the front porch.


Sa totoo lang, the first time I saw the exterior of the place... Napanganga ako... Di ko kasi alam kung cottage ba talaga yung nasa harap ko o bahay talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All For One PERSON [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon