SOPHIE'S POV
"So naka pag usap na kayo?" Andrew na sinasabayan ako sa apg lakad.
"Yeah. Kagabi."
"So... sa palagay ko, hindi maayos yung pag uusap niyo?" chismoso siya. Yeah I know. Namiss ko din to eh, wala si Chino, may inaasikaso sa Batangas. About their business. Namimiss ko kagwapuhan ng lalaking yun.
"Maayos naman eh, ewan ko lang sa kanya kung bakit hindi niya maintindihan." Kibit balikat ko.
Nag tataka ba kayo kung bakit ganun na lang ang desisyon ko? Eh kasi naman po diba, bakit kailangan mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo? May mga taong nasa paligid mo na nag hahangad ng atensyon mo pero dahil sa nag papakatanga ka, binabalewala mo sila at pilit na humahabol sa isang taong ayaw naman sa'yo. Ironic.
"Baka hindi maayos pag uusap niyo?" usisa niya.
"Ano hindi maayos dun? Hindi naman ako lasing nung sinabi ko yun." pag dadahilan ko.
"Pero nakainom ka." Natatawang komento niya.
"Kapag nakainom, malakas ang loob."
"Kapag nakainom, bangag."
"Ewan ko sa'yo Andrew. Tama lang naman yung ginawa ko, besides ayaw kong magulo sila nung girlfriend niya." Sabi ko habang kinukuha yung notebook ko sa bag.
"May girlfriend si Charles?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Don't worry. Hindi si Camille." Pag papaalala ko. Alam ko namang mahal niya pa si Camille. Kotongan ko to eh.
"Na-ah. Naka pag move on na ako." Pag tatama niya sa sinabi ko.
"Psssh." Inirapan ko lang siya. Buti pa siya nakapag move on na.
"So tell me, sino girlfriend ni Charles?"
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. "Si Neves."
O___O "N-neves?! Neves Navarro?"
>___> Navarro nga ba apelido nun? "Yung cute na mukhang mataray? Pero maganda?" tanong pa niya.
-___- "Yung totoo, pag dating sa babae ang bilis mo!" hampas ko sa kanya.
Pag tingin ko sa kanya nag pipigil siya ng tawa.
"Seryoso kang si Neves?" hindi makapaniwalang tanong niya. "You know what? mabuting mag usap nga kayo ni Charles." Payo niya habang tinatapik ang balikat ko.
"Hey! Ano ba alam mo at napaka confident mo? Nakakainis ka na po, you know?"
Natawa lang siya at tumayo sa upuan na katabi ko.
"Hoy! Wag mo nga akong layasan!" reklamo ko.
"You know what? Neves is Charles'—"
"OKAY! SITDOWN CLASS! Mr. Sebastian, long time no see. Umupo ka na." pag putol ng teacher naming sa sasabihin ni Andrew.
Teka ano ba yun?!
Tiningnan ko siya ng masama at kumindat lang. Malayo po ang Esguerra sa Sebastian. >_>
Mamaya sakin tong lalaking to.
BINABASA MO ANG
All For One PERSON [BOOK 2]
Dla nastolatków2nd Half of TWO IDENTITIES. The continuation of Sophie's life after her first heartbreak. "It sucks doesn't it? The feeling like you're a second choice." -Sophie A million feelings. A thousand thoughts. A hundred memories. ALL FOR ONE PERSON