Chapter 14 : Sophie's Evil side

246 9 2
                                    

You might hate Sophie after reading this chapter.


___


SOPHIA'S POV


Ilang minutes na kaming nag lalakad ngayon, hindi ko akalaing gubat pala yung pinag stay-an namin. Gubat nga ba o malapit ng maging gubat?


Ah ewan basta mapuno. Mukhang gubat eh.


Si Kris busy sa pag putol nung sukal na madadaanan namin, si Neves naka sunod sa kanya, ako naman nag hahanap ng palaka ay este nag hahanap ng clue o kung ano man.


Nakakapagod naman to! Ilang minutes na ba kaming nag hahanap. Medyo madilim na din. 6pm na eh.

Nag lakad lang kami hanggang may Makita kaming bato na pwedeng upuan.


"Pahinga muna tayo?" tanong ni Kris na kanina pa hinihingal.


Nag agree naman kaming 2 ni Neves dahil napagod din kami sa paglalakad, akyat baba ba naman kami sa dinadaanan eh. Nag slide nga ako kaya medyo masakit yung paa ko. Pero keri naman basta isa lang ang gusto ko, makahanp ng palaka dito.

Nakaupo na silang dalawa ako nakatayo lang dito.


SI Neves nag pupunas ng pawis, si Kris naman umiinom. Feel ko mag kasundo yung dalawa na yun. Pano nangyari yun?


Inirapan ko si Neves na hindi nakatingin sakin at doon ko nakita... ISANG MALIIT NA PALAKA!


^____^ okay na to, kesa sa malaki kasi kung malaki yan at scary? Ako unang tatakbo!

Pasimple akong lumapit sa palaka. Lagot ka sakin ngayon Neves. Hindi ka loyal kay Charles eh!

>.<


Tsaka kanina pa ako nag seselos!


Dahan dahan akong yumuko chaka ko kinuha yung palaka, medyo nandidiri ako pero keri lang.

Unti unti din akong lumapit kay Simsimi na busy sa pagtali ng sapatos niya.


"Neves." Tawag ko sa kanya, nakatutok na din kasi sa ulo niya yung palaka.

Kaya nung tumingin siya?


"KYAAAAAAAAAAAA!!! AAAAAAAAAAAAH!" tili niya na halos hindi na makatayo sa kinauupuan at umiyak siya agad! O____o bilis naman yata?


"VEN! SHIT!" agad naman tumakbo papunta kay Neves si Charles. "He-yhey. Nandito na ako. Ano nangyari huh?" alalang tanong ni Charles kay Neves parang binebaby. Sus parang palaka lang.


Tumingin siya sakin at nagulat siya nung nakita niya akong may hawak na palaka.


"SHIT! SOPHIE GET OUT OF HERE!!" sigaw sakin ni Charles habang yakap yung umiiyak na si Neves.


All For One PERSON [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon