Chapter 3: "Four Steps to Happiness"

410 10 5
                                    

"Don't wait for the perfect moment, take the moment and make it perfect."

---

"Princess, naka pack na yung mga gamit mo." Salubong sakin ni Kuya.


"Wow ah. Parang gustong gusto mo na talaga akong palayasin." Pag mamaktol ko pero todo naman yung ngiti ko sa kanya.


"Hindi ah. Ayoko lang na napapagod yung princess ko." tasaka ako inakbayan sabay kutos sa bunbunan ko.


"Kuya naman! Nakakabuwisit!" tulak ko sa kanya.


"Nabubuwisit pero todo ngiti. Mukha kang tanga Phil."


"Wow salamat talaga Gabriel ah, napaka bait mong kuya talaga." Pang asar ko.


"Oo naman. Ako pa!"


"Ewan ko sa'yo!." Lumakad na ako papunta sa hagdanan dahil nga ibababa ko na mga gamit ko.


"I can sense na may nangyaring maganda." Pag paparinig niya.


Humarap ako tsaka ko inirapan "Ayan ka nanaman sa maling akala mo. Tigilan mo ako Kuya madami akong gagawin." sabi ko habang hawak ang isang box galing sa kotse ko.


"Napaka malihim talaga kahit kelan. Oh siya tutulungan na kitang magbaba ng gamit mo. At sasamahan na kita sa condo mo."


Aangal pa ba ako? Eh libreng tulong lang yun!Minsan lang may time tong si Kuya, busy sa office eh. Pag sasamantalahan ko na lang, tutal siya naman may offer nun e!


---


"Yan na yung last box." Sabay baba ni Kuya nung box sa kitchen counter top.


"Oh. Thank you Kuya!" pag lalambing ko. "Grabe napagod ako!" di ko na napigilang sumalampak sa sofa.


"Oo nga eh! Napagod ka! Ang dami mo ngang binuhat na kahon eh! Sobrang nakaka proud ka, Phil." pag sarcastic na balik sakin ni Kuya.


"HAHAHA! Thanks Kuya!" Akala niya siya lang marunong mangasar ah?


"Mauna na ako Phil. Madami pa din akong aayusin na papeles. Sure ka bang okay ka na mag solo? Pwede mo pa naman gamitin na lang tong unit mo pag graduate mo eh." Paninigurado ni Kuya habang pinupunasan ang kamay niya sa nakasabit na towel sa fridge door.


This condo is an advance gift from my Daddy. I decided to take it already while its early... para na rin masanay na ako na walang kahit sinong kasama.


"Okay na ako kuya, pano akong masasanay mabuhay kung hindi ako magiging mag isa?"

All For One PERSON [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon