Chapter 10: Regrets

290 11 7
                                    

SOPHIA'S POV


"Princess, pasok na tayo." Aya sakin ni Chino. Nandito kasi siya sa unit ko.


"Kakapasok ko pa lang ng unit ko Chino, tsaka tinatamad ako." Tsaka pabagsak akong naupo sa sofa.


"Hmm. May nabalitaan ako." Akbay niya sakin tsaka pinatong yung ulo sa ulo ko.


"Ano nanaman? Napaka chismoso mo naman yata?"


"But before that, papasok din ako sa school niyo!" cheer niya


"De libre na ako pa gas?" pang aasar ko.


"Sino ba may sabing isasabay kita?" tsaka ako tiningnan ng masama.


Ginaya ko nga, siningkitan niya ako de sisingkitan ko din siya.


"Lika nga dito!" he pulled me tsaka ako niyakap.


"Wag ka ng mag tampo kay Kuya Nath. Pupuntahan pa natin siya, hinahanap ka sakin kaya akala ko kung ano na nangyari sa'yo."


Kumalas ako sa hug tsaka lumayo sa kanya. "Ayaw ko, mag sama sila nung sisiw na yun." tsaka ako tumayo at magkukulong ako sa kwarto.


"Hindi mo pa nga pinag eexplain yung Kuya mo eh." hinablot niya yung kamay ko tsaka ako niyakap nanaman "Sige na, may surprise sa'yo yun. Mag bihis ka na at doon tayo mag breakfast huh? Sige na." sabay tulak sakin papunta sa kwarto.


Wala akong nagawa kundi pumasok sa room ko at sumubsob na lang sa kama ko.


"I swear Sophie, pag hindi ka pa kumilos, ako pag papaligo sa'yo!" seryoso na siya. promise.


"Eto na nga eh! init ng ulo!" sigaw ko at dumiretso sa banyo.


--

"Sa café na lang tayo kumain." Pag mamaktol ko habang nasa kotse ko. OO KOTSE KO! Kadamutan nitong lalaking to pag dating sa gas at si Charles ang kinakawawa!


"No. Sa bahay tayo sa ayaw at sa ayaw mo. Andun si Chase. Hindi mo naabutan." Si Chase, yung aso ko, naaalala niyo? Nasa vet kasi siya, doon muna siya nag stay every check up, gusting gusto kasi ni Doc eh.


"Namimiss ko na siya." napabuntong hininga na lang ako. At tumingin sa bintana.


"Sino? Si Chase o yung isang Chase?"


Agad naman akong napatingin sa kanya, at ang loko naka ngiti lang na nang aasar.


"Tigilan mo ako Chino, sisipain kita palabas ng kotse ko." banta ko sa kanya.

All For One PERSON [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon