Chapter 11: Doodle

272 9 7
                                    

SORRY PO SA NATAGALANG UPDATE. May nag babasa pa ba? Hmm..

--------


SOPHIE'S POV


Ilang minutes na kaming nakaupo ni Chino dito sa classroom namin pero wala pa yung teacher naming.


After mga 2 minutes bumukas yung pintuan, nag si ayusan kami ng upo dahil akala namin yun yung teacher.


Yun pala sila Charles and si Simsimi pala.


Napansin yata ni Chino na natahimik ako kaya hinawakan niya kamay ko at agad akong napatingin sa kanya.


He just smiled at me, saying that everything will be alright.


Nag nod naman ako at gumanti ng ngiti sa kanya.


"Ang wala sa tamang upuan nila absent." Sigaw ng teacher namin.

Napa kurap kurap lang si Chino.


"Hindi nga pala to yung upuan ko... sino ba nakaupo dito?" tanong niya habang hawak yung kamay ko. pinipisil pisil pa.


Sino nga ba katabi ko dito?


O________O


Si Charles nga pala! Tumingala ako at nakita kong nasa likod ni Chino si Charles nakatayo habang nakatingin sa kamay naming na magkahawak.


Napansin yata ni Chino na nakatingin ako sa likod niya at tumingin din siya.


"Ay bro, ikaw ba nakaupo dito?" tanong niya habang tatayo na.


Labag sa kalooban ni Charles yung pag nod pano umiwas pa ng tingin. Nag nod na lang din si Chino.


"Later dahling." Pisil ni Chino sa kamay ko at kiniss yung noo ko.


Malulusaw ako ah!! Hindi sa sweetness kundi sa tingin ni Charles. >.<


Kumindat pa tong maharot na Chino sakin bago tumayo.


Tumingin siya sa paligid para humanap ng vacant chair pero hindi ko na alam kung saan siya nakaupo kasi naagaw yung atensyon ko sa lalaking umupo sa tabi ko.


Pagtingin ko sa mukha niya, masama lang siyang nakatingin sa whiteboard. Akala mong binubutas sa tingin niya.


Bago pa niya ako mahuling nakatingin sa kanya tumingin na ako sa harap kung saan nag salita yung teacher namin.


Nag check lang siya ng attendance at tinanong kung sino yung hindi natawag. Parehas nag taas ng kamay yung mag katabi. Si Chino... sino katabi niya? Si Simsimi? Psssh!

All For One PERSON [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon