Kabanata 16
Binuga ko ang usok mula sa aking sigarilyo habang tinatanaw ang payapang dagat sa gitna ng gabi. Bilog na bilog ang buwan ngayon, napakaganda niya sa aking mga mata. Maririnig ang tugtugan sa loob ng bar galing sa banda nila Thunder. Sila ang last act namin ngayong gabi pagkatapos ko kanina.
Sumulyap ako sa cellphone ko na kanina pa ilaw nang ilaw. Sa isang araw, halos minuto lang ang pagitan ng mga mensahe niya. Ngunit ni isa noon, wala akong binuksan. Bakit hindi na lang niya tutukan ang pinakamamahal niyang Mikee? I am just his fake boyfriend. Pahilumin na lang muna niya ang bigong puso ni Mikee, saka na lang niya ako librehen kapag sila na.
I clicked my tongue sabay inis na tinapon ang aking sigarilyo. Naba-badtrip na naman ako.
"Umiiyak ka na naman mahal. Lagi na lang ika'y nasasaktan."
Kaagad na umangat ang sulok ng aking labi nang may pares ng mga bota na lumitaw sa aking tabi. Nakakapresko ang may hindi katapangan niya na pabango. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakandarapa sa bata na ito.
"Ano na naman, Thunder? Kung dito ka lang din para inisin ako kagaya ng mga bakla sa loob, lumayas ka na. Wala ako sa mood."
Ngunit imbes na makinig, pinatuloy niya ang marahang pagkaskas sa gitarang dala. Napakaganda lang talaga ng boses nitong drummer ng Checkmate Band. It was deep and cold. Kaya lagi akong nagtataka bakit hindi siya ang vocals. Magaling din siya sa gitara. Somehow, naging malapit na lang sa akin ang batang 'to.
Sila ang banda na ni-hire ni Mama rito sa Vizcara. Pagkakaalam ko ay pamangkin ni Mama si Kei, ang babaeng vocalist nila. Kahit mga highschool pa lang, litaw na ang kanilang mga talento. Hindi na ako magugulat kung malayo ang marating nila in the future.
"Kung pwede lang naman, sa akin ka na lang."
He smirked at me at mas kinaskas ang gitara para sa chorus ng Hindi Kita Iiwan by Sam Milby. Shuta, pwede ba pumatol sa bata? Pero siyempre, keme lang. Hindi ko tipo ang mga mas bata sa akin.
Napansin kong napapatingin na ang ibang dumaraan sa gawi namin kung kaya pinatigil ko na siya. Natatawa niyang binaba ang gitara na sa tingin ko ay kay Riley; ang lead guitarist nila. Kuminang ang hikaw niyang silver na cross sa isang tenga. Pinadaanan niya ng kaniyang mga daliring puno ng tattoo ang buhok niyang kabalikat ang haba. Infairness, bagsak pa kaysa sa buhok ko ang kaniya. Anong salon kaya siya?
Nakangisi siyang tumitig sa akin. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. Ganiyang-ganiyan ang mga tinginan niya kung gusto niya akong buryohin. This kid also got an extreme attitude just like me. Kaya siguro mabilis kaming nagkasundo.
"Ano?" may bahid ng inis kong tanong.
"Problema?"
"Pakialam mo ba?"
Umiling siya sa akin habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"Sa lalim kasi ng iniisip mo kanina, akala ko malulunod ka na," aniya.
Napairap ako sabay tawa. Kaya siguro walang girlfriend 'to, eh. Ang corny bumanat.
"Alam mo? Wala kang mapapasagot na babae kung ganiyan ka. Mas mabuti pa iyong kagaya kanina, kumanta ka na lang."
"Tss. Hindi ako ang tipo na naghahabol, Wayo. Ako ang hinahabol." Tumaas-baba pa ang mga kilay niya nang sinabi iyon.
Ngumiwi ako sa kaniya. Hindi ko talaga tinago ang disgusto. Jusko, super typhoon! Ang lakas naman!
"Kabahan ka nga sa mga pinagsasabi mong bata ka. Wit ko kinakaya!"
Natawa siya. "Pero huwag mong iniiba ang usapan. Ano nga problema?"
Muli akong umirap at umiwas ng tingin. Dahil pinaalala niya na naman, bumalik na naman ang sama ng loob ko. Feeling ko sila JM at Maki ang dalawang malalantod na iyon sa may dalampasigan. Samantalang ako ang nagngangalit na alon. Sa galit ko, bigla akong lumaki tapos sila lang ang naabot ko. Nilunod ko sila, gano'n. Pero siyempre, keme lang.
"Wala. Masama lang loob ko kasi fake na nga laruan ko, naagaw pa," makabuluhan kong saad.
"Hmm... iyong lalaki ba?"
Napatingin ako kay Thunder, sunggab ang mga kilay.
"Sinong lalaki?"
"Iyong hinila ka no'ng hinalikan mo ako."
Inalala ko kung ano ang sinasabi niya. Naalala ko iyong eksena na kasama ko rin si Thunder kagaya ngayon tapos biglang dumating si JM na may dalang plastic ng mga beer. Dahil gusto ko siyang subukan that time, hinila ko na lamang si Thunder bigla at hinalikan. That was the time that me and JM made our second kiss after our kiss to seal our deal.
Tae ka Mikee, pasalamat ka kiss pa lang nagawa ko. Kung hindi lang mawiwindang kaluluwa ni JM, ginapang ko na 'yan at nilafang. Pero siyempre, ayaw ko namang kasuklaman ni JM ganda ko.
"Ah 'yun? Wala lang 'yun. Fling-fling lang," pagsisinungaling ko, pero parang true naman ang fling part.
"Asus! Fling daw. Kita ko kaya selos sa mga mata niya no'ng makita tayo," natatawa niyang saad na kinabigla ko naman.
Tumingin ako kay Thunder na para bang tinubuan siya ng itlog sa kaniyang noo.
"Anong selos? Alam mo fakenews ka. "
Selos? Si JM? Sa amin ni Thunder? Naku, si Mikee lang nasa puso at kaluluwa no'n. Imposible.
"Lalaki ako, Wayo. Alam ko ang nakita ko."
"Paano ako maniniwala sa'yo, virgin ka lang naman."
"Hindi mo sure."
"Ano?"
Tumawa siya kung kaya ay natawa na rin ako. Nagsimula kaming magkulitan at mag-insultuhan. Kung may isa lang akong ikapapasalamat sa virgin na ito, iyon ay hindi niya ako tinuring na iba kahit bakla ako. Siya lang ang straight na kaibigan ko, bukod sa kaniya, puro bakla na. Kaya kahit mas bata siya sa akin, mas matured naman siyang mag-isip. Ang mga kabanda niya, okay naman. Mas malapit lang talaga si Thunder sa akin mula pa noon.
"Wayo."
Natigil kami ni Thunder sa aming asaran nang marinig ko ang seryosong boses na iyon. Halos mabali ang leeg ko sa bilis ng aking pagbaling. Doon ay nakita ko sa harap namin ang seryosong si JM. Hawak niya sa isa niyang kamay ang kaniyang cellphone.
"J-JM?"
Napatayo ako bigla at inayos ang suot kong pekpek shorts na porma ko pa mula pa kanina noong makikipagkita sana sa kaniya. Well, hindi naman pala sayang. Nakita niya pa rin awra ko. Pero bakit siya naandito? Nasaan ang Mikee niya?
Mula kay Thunder ay nalipat ang seryoso niyang paningin sa akin.
"I've been calling you all this time. Naghintay ako, may usapan tayo, hindi ba?" Natigilan ako kasi nang-aakusa ang boses niya.
Wait! Bakit parang siya pa ang inis? Oo, may usapan nga kami. Pero siya ang una kong nakita na may iba nang ginagawa ano! Pasalamat nga siya hindi ko sinira moment nila ng Mikee niya kanina!
"Wayo." Naramdaman ko ang pagtapik ni Thunder sa aking balikat. "Sa loob lang ako."
Tumango lang ako sa kaniya at sinalubong ang seryosong tingin ni JM ng seryoso ko rin na paningin. Hindi ko alam kung bakit naiinis siya, pero mali ang timing niya. Harapin niya ang lupit ng baklang nireregla!
Charot. Masama lang ang loob.
BINABASA MO ANG
🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔
General FictionVizcara Series 1: Juancho & Wayo [COMPLETED] "No matter how you break free, no use, it's where the tides reside." **** He's wild. He loves adventures. He can't be tamed. He can't be dominated. He's fo...