Kabanata 23
I must be really drunk. Pupungas-pungas na ang mga mata ko at sobra na akong hilo. Ramdam ko ang hirap ng taong umaalalay sa akin dahil pasuray-suray na rin ako. Nanatili akong nakatitig sa kamukha ni JM sa aking harap.
"Alam mo ba?" wala sa sarili kong ani sabay sinok. "Kamukha mo iyong kakilala ko na bwiset ngayon sa buhay ko."
Tumawa pa ako na parang wala sa sarili. Napapikit ako nang madama ko ang lamig ng gabi. Hindi ko alam kung saan na kami o kung ano na ang nangyari sa afam na kasama ko kanina, ngunit nasisiguro ko na malayo pa kami sa Vizcara. All I could hear was the waves and the smell of beer lacing with this man's perfume was making me weaker.
"Uh-huh?" narinig ko ang patuya niyang sagot kaya napamulat ulit ako ng mga mata.
"Oo! Bwiset siya!" Napapadyak pa ako ng mga paa. "Akala niya naman ang gwapo-gwapo niya!"
The man holding me chuckled kaya kinunotan ko siya ng noo. I hate how he really resembled JM. Mas dumaragdag iyon sa init ng ulo ko, at the same time, sa kabog ng dibdib ko. I wanted to think he really was JM even for the mean time.
"Pinagtatawanan mo ba akong gago ka?" Suminok ulit ako. "Pare-pareho lang kayong lahat."
"Wayo, c'mon. We're almost there. You need to sobber up."
Dahil sa inis, tinulak ko siya nang malakas. Muntik pa akong matumba noong mabitawan niya ako, ngunit hindi ako nagpatumpik-tumpik at kaagad na tumakbo. Nakataas ang dalawa kong kamay at nakapikit habang dinarama ang hangin. The sound of crashing waves was getting nearer. Nang makadama ako ng tubig sa mabuhangin ko nang mga paa, alam kong nakarating na ako sa aking patutunguhan.
"Mga putangina niyong lahat! Putangina rin ang buhay ko!" sigaw ko sa gilid ng dagat.
Nanlabo muli ang paningin ko at hindi na iyon dala ng kalasingan. Fresh tears streamed down my face. Ang bigat sa aking dibdib ay hindi ko na napigilan at tila gripo nang nag-uumapaw. I felt so horrible. Mula noon, hanggang ngayon. I felt so unwanted. Pakiramdam ko ay walang may gusto sa akin.
"Wayo!" The man who looked like JM once again came nearer at me.
"Mahirap ba akong mahalin?" umiiyak kong saad habang nakaharap pa rin sa dagat. "Iyong pamilya ko, iyong lalaking minahal ko, iyong... ngayon. Hindi ko alam kung ano ang problema sa akin, pero bakit nila ako sinasaktan ng ganito?"
Napatingin ako sa mga palad ko at doon ay hinayaang tumulo ang aking mga luha. It was as cold as the waves that was touching my feet. Hindi ko alam kung kailan ang huling pagkakataon na naramdaman ko ito, pero pakiramdam ko ay kaya ko ulit ibuhos ang lahat ng hinanakit ko ngayon. And once again, this island was the witness... also, the man beside me.
"There's nothing wrong with you," the man beside me gently said. "And you're definitely not hard to like."
Natawa ako at sinubukan siyang tignan. Nabawasan na ang hilo ko at ang kaninang dagundong sa dibdib ko ay nahaluan na ng kaba. Pinaniniwala ko pa rin ang aking sarili na halucination lang ang lahat ng ito... lalo na siya.
"Hindi mo sure. Pinanganak lang yata ako rito sa mundo para masaktan, eh."
Tinaas niya ang isa niyang kamay at napapikit ako nang humaplos ang hinlalaki niya sa aking pisngi. He wiped my tears away, gently. So gently that it made my heart ache for more.
"I like you," tila hirap niyang sambit. "I like you, Wayo."
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. I got tongue-tied. Bahagya akong natawa sabay yuko.
"Pati iyong kamukha niya, sinungaling din."
I heard him sighed. Hinawakan niya ang kamay ko nang marahan. I lifted my head and the shining moon caught my stares.
"Let's get you home."
Tahimik at walang ingay akong sumunod sa kaniya. Nakayuko lang ako habang tinitignan ang mga paa kong mabuhangin. Mapait akong napangiti.
Like. Gusto. Hindi ko alam pero nang marinig ko iyon kanina, mas lalo akong nasaktan. Para na rin niyang kinumpirma na hanggang doon lang ako. Gusto niya lang ako, pero hindi mahal. At kahit kailan, hindi na iyon mangyayari... dahil alam ko kung sino talaga ang kaniyang mahal.
Kinaumagahan ay nagising akong may kaunting sakit sa ulo. Tulala ako habang nakatingin sa labas ng maliit kong bintana. Hindi ko limot ang mga nangyari kagabi. Klaro iyon lahat pati ang sakit sa aking dibdib.
Nawala lang ako sa pag-iisip nang may marahang mga katok na pumukaw sa aking atensiyon. Tinignan ko ang pinto sa aking kwarto at nakita ang nakadungaw na ulo ni Teyang.
"Bakla, gising ka na?" wala sa sarili niyang tanong.
"Hindi, tulog po ako, girl. As you can see." Tumawa ako ngunit nagtaka ako dahil mukha siyang natatae na ewan. "Anong meron? May problema ba?"
Nag-aalala na umalis ako sa aking higaan. Nagsimula na rin akong mag-alala. Minsan ko lang kasi makita sila Teyang na ganito at kung ganoon, may hindi magandang nangyari.
"K-Kasi bakla, may bisita na dumating sa labas. Ikaw ang hanap," kabado niyang ani.
Agad na kumunot ang noo ko. Bisita? Kung si JM o sino man, tutuksuhin nila ako panigurado. But Teyang looked nervous and serious at the same time.
"Sino?"
"M-Mabuti pa, ikaw na ang lumabas at tumingin."
My lips went into a grim line. Kinakabahan na rin ako! Ano ba 'to? Kung prank talaga 'to dahil umuwi akong lasing kagabi, malilintikan talaga 'tong dalawang bakla sa akin.
Pagkababa ko, nagsimula na ring humarentado ang aking puso. Si Teyang tahimik lang na nakasunod sa akin. Nang makita ko na ang kabuoan ng bar sa baba, sila Tenten ang Mama ang una kong nakita. Nakatago si Tenten sa likod ni Mama na noo'y mukhang hindi natutuwa at inis sa kung ano o sino na tinitignan.
"Ma?" tawag ko sa atensiyon niya.
Seryoso ang mga mata ni Mama nang tumama sa akin. Minuwestra niya ang kaniyang ulo sa tinitignan kanina. Dahan-dahan akong tumingin doon at nang makita ang sinasabi nilang bisita ko ay muntik na akong matumba. Kaagad akong hinawakan ni Teyang.
My body trembled and my rising anger slowly went up to my head. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na narito ako? Alam na rin kaya nila?
"Warren."
Tumayo ang tao na iyon at tila nangangapa rin habang tinitignan ako. Mabilis na ang aking paghinga noong makababa ako. Kaagad akong sumugod sa kaniya, pero naging mabilis sila Tenten at Teyang na pigilan ako.
"Bakit ka nandito! Bakit nagpakita ka pa sa akin!" sigaw ko.
Hindi nakakatulong ang masakit kong ulo sa aking galit. Makita pa lang siya. Ang mukha niyang hawig sa akin. Gusto kong masuka. Bumabalik ang sakit ng nakaraan na gustong-gusto ko nang pakawalan. Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa halong sakit at inis.
"Warren let's -"
"Umalis ka na! Kung kasama mo rin sila umalis na kayo! Hindi ko na kayo kailangan! Masaya na ako sa buhay ko ngayon!"
Halos lumabas ang mga litid ko sa aking sigaw. Halatang nainis din siya, pero sinusubukan pa rin akong lapitan. Kung hindi lang ako hawak nila Teyang, sa malamang ay nasugod ko na siya ng tuluyan. Tumingin ako sa labas ng Vizcara dahil baka kasama niya rin sila, pero mukhang siya lang.
Bakit? Bakit narito ngayon ang isa sa mga taong dahilan ng kamiserablehan ko? Ang dati ay tinatawag kong pamilya. Ang dati ay tinatawag kong kuya.
BINABASA MO ANG
🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔
Ficción GeneralVizcara Series 1: Juancho & Wayo [COMPLETED] "No matter how you break free, no use, it's where the tides reside." **** He's wild. He loves adventures. He can't be tamed. He can't be dominated. He's fo...