KABANATA 26

750 50 3
                                    

Kabanata 26

"Haa! Haa!"

Humahangos akong tumatakbo pabalik ng Vizcara. Hawak ko ang pisngi kong nanhahapdi pa rin sa pagsampal ni Mikee. My eyes blurred with the unshed tears. The trauma of my past was slowly creeping back. Ang mga matang hinuhusgahan ako na tila ba may nagawa akong isang napakalaking kasalanan. Ang pagtalikod at pagktakbo ko paalis sa sitwasiyong nagbigay sa akin ng labis na takot.

"It was all your fault!" sigaw ulit ni Mikee sa harap ko pagkatapos niya akong sampalin.

Napipi ako. Tulala akong nakatitig lang sa galit niyang mukha na noo'y sabog na rin sa luha. Hindi ko ikaiila na kinabahan ako. Nang makita kong nakatingin na sa amin lahat ay unti-unti akong nakabawi.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Ikaw lang ang may alam sa nararamdaman sa akin ni Maxence, right? Pinagkalat mo! Huwag kang magsinungaling! Alam kong gusto mo si Maxence at naiinggit ka talaga sa akin kaya ipinagkalat mo para masira kami! Para masira si Maxence!"

My jaw dropped.

Ako nagkalat? Kailan ko ginawa iyon? Tsaka nagpunta pa sila ni JM kahapon sa Vizcara, right? So I conclude na ngayon-ngayon lang itong balita. They saw how problematic and miserable I am yesterday. Sa tingin niya may oras pa akong sirain sila? At ano? Nagkaaminan na pala sila? Ha! Ang kapal ng mukha ng Mikee na ito!

"You're too full of yourself," mariin kong sambit kahit na nanginginig. "Oo, tama ka. May nararamdaman nga ako para kay JM, pero hindi ako ganoon ka-cheap para maglaro ng ganito kadumi. Kung naiinggit lang din ako sa iyo, sana inagaw ko na si JM noon pa para wala nang matira sa'yo!"

"How dare you!"

Bago pa siya makalapit sa akin ay tumakbo na ako paalis doon. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, inis, sakit. Problema sa pamilya, ngayon heto naman? Give me a break!

Tumigil ako sa pagtakbo para habulin ang aking hininga. Hawak ang magkabilang tuhod, kinalma ko ang aking sarili. Pakiramdam ko ay tinitignan pa rin ako ng mga tao sa paligid kahit nag-e-enjoy at naliligo lang naman sila sa isla.

"I-I need to talk to JM..." nanginginig kong bulong.

Sinubukan kong umayos sa pagkatatayo at nanginginig ang kamay na kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa. Hinanap ko ang numero ni JM para tawagan siya ngunit paglapat pa lamang ng cellphone sa aking tenga ay rinig ko na ang signal for out of coverage area.

Where's he right now?

Hindi na ako nag-isip pa nang matagal at muling tumakbo pabalik ng Vizcara. Pagkarating ko roon ay tahimik ang paligid. Ang mangilan-ngilan naming costumer ay nakatutok lahat sa telebisyon namin doon at nagbubulong-bulungan. Nang aking malingunan, naroon din pala sila Tenten, Teyang at Mama Jessie. Halatang gulat din sila sa balitang nakikita.

"Wayo!" si Tenten na kaagad akong nakita.

Hapo akong lumapit sa pwesto nila at tinignan ang balita na kanina ko pa gustong malaman. JM was there, pinapalibutan ng mga reporter. Sinusubukan silang harangan ng mga bodyguard niya habang papasok siya sa isang magarang bahay na tingin ko ay sa pamilya niya. He's not in the island anymore!

'Juancho Maxence Verde Grande, the most successful son of the Verde Grande empire was caught kissing another man! Stay tune for more details!'

Sa ilalim noong headline ay may larawan ni JM na nakahalik sa isang blurry na lalaki na alam na alam kong si Mikee. Gabi iyon at nasa terasa sila ng hotel kung saan sila tumutuloy. I guess it was last night. How careless! Tapos ako ang sisisihin nila na kumuha ng larawan? Hindi na nga ako magkandaugaga sa problema ko kahapon magagawa ko pa iyon?

Was JM blaming me, too?

"Ayos ka lang ba?" Mama Jessie immediately came to me.

Mapait akong ngumiti sa kanilang tatlo na kaagad akong giniya para makaupo. Kaagad akong kinuhaan ni Tenten ng tubig dahil halatang mula ako sa pagtakbo. I almost knew I looked pale right now. Nakatunghay sila sa akin na para bang kaawa-awa talaga ang lagay ko ngayon.

"Nagkaharap kami ni Mikee kanina. He... he was crying and he was a mess." Bahagya akong tumigil para bumuntong-hininga. "S-Sinabi niya na ako raw ang may kasalanan na nasira si JM. He was blaming me."

"Ano?" sigaw ni Teyang na halatang kaagad na nainis.

"Did you hear JM blaming you, Warren?" kalmadong tanong ni Mama.

Tumingin ako sa kaniya at umiling.

"Tinawagan ko siya, out of coverage. Hindi pa rin din siya nagre-reply sa mga text ko," ani ko. 

"Ang kapal naman no'ng Mikee na 'yun! Bakit hindi rin niya sisihin sarili niya? Sino ba kasama ni JM sa picture? Ayan, oh! Naku, inggrata na 'yan! Buti wala kami roon kanina, magkakagulo talaga kami," si Tenten.

Napayuko ako at tinignang muli ang aking cellphone. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi pa siya nakare-reply. Baka kasama niya ngayon ang pamilya niya. But recalling that image earlier, ang larawan na naghahalikan sila ni Mikee, ramdam kong doon ako mas nasaktan.

What? Nag-aminan na ba sila? Sinabi na ba ni JM na hindi naman talaga kami totoo? Good for him kung ganoon nga. Sana mabasa na lamang niya ang mensahe ko. This would be the end for me and my feelings for him. Sana maayos nila ang problema na ito. After that, I would have nothing to do with him anymore. I've done my part of helping him.

Masakit. Mahal ko siya. Pero ganoon na talaga siguro kapag nagmamahal. Masasaktan at masasaktan ka talaga. Lalo na at mas nagmahal ako ngayon kaysa sa dati.

Hindi pa rin siguro para sa akin ang isang Juancho Maxence Verde Grande.

"Ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Teyang sabay hagod sa likod ko.

I looked at the three of them. Tenten and Teyang worriedly looking at me. Si Mama Jessie na seryoso lang na nakatingin sa akin. Alam kong nag-aalala rin siya sa akin kagaya nila Teyang, but as expected with Mama, he's always calm and rational kahit sa mga sitwasiyong ganito.

Tinignan ko ang buong Vizcara. Ang naging tahanan ko. Ang naging buhay ko. Ang isla Montalban na kumupkop sa akin noong pagtabuyan ako ng pamilya ko. This island was one of the witness of my sufferings and happiness. This island knew all of my secrets. Mahal na mahal ko ang islang ito, ang Vizcara, at ang tatlong ito na nasa harap ko.

Ngumiti ako at tumayo. I felt helpless yesterday and I felt miserable earlier, ngunit ngayon ay nakapagdesisyon na ako. There's no point in being weak once again. Tapos na ako sa phase na iyon. That was Warren, but I became Wayo. The strong and most talented performer of Vizcara.

"Napadala ko na rin naman kay JM ang mga nais kong sabihin sa kaniya, sa kaniya na iyon kung maniniwala siya sa akin o hindi. Kung makahaharap ko man siya ulit, sasabihin ko pa rin ulit iyon lahat sa kaniya. I'm done with my deal with him. Nakuha na niya ang gusto niya at kung inaayos niya ang gusot nila para tuluyan nang maging masaya, ganoon din ang gagawin ko." Tinignan ko sila Mama Jessie at sinerso silang nginitian. "Masakit ang sukuan siya, ngunit wala na akong magagawa. Kailangan ko na rin sigurong ayusin ang gusot sa buhay ko para lubusan nang maging masaya."

I'll be away for a while my dear island, but I promise I would come back. Nandito ang buhay ko, naandito ang pamilya ko, naandito ang tahanan ko. I'm not that weak Warren anymore, I am Wayo of Vizcara.

And here's where my tides reside.

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon