SIMULA

1.7K 66 3
                                    

SIMULA

"Kahihiyan."

"Disgusting."

"Walang kwenta."

"Makasalanan."

"Layas."

Ilan lang iyon sa mga salitang narinig ko mismo sa bibig ng aking pamilya. Oo. Nang aking pamilya. Ang aking kadugo. Ang aking kalahi. Masakit? Oo. Masakit na masakit.

Matatanggap ko pa sana kung mula sa iba o sa mga taong makikitid ang utak at hindi naman ako kilala nagmula ang mga salitang iyon, kaso hindi eh. It'll hurt less if it is only the society, but no. Sobrang sakit na pati pamilya mo ay itatakwil ka at pandidirihan dahil lamang isa kang bakla.

But I am brave. Atleast that's what I put in my mind.

Bilang anak ng isang Mayor sa aming siyudad, kinailangan kong itago ang tunay kong kasarian, ang tunay na ako. I am a closet gay. Tinuruan at pinalaki kami na hindi dapat magdala ng kahihiyan sa aming pamilya. So I accepted it, I accepted my fate.

Pero pilit iyong kumakawala.

Bilang bunso sa magkakapatid, sinasabi nila na easy lang daw ang buhay ko, no pressure. Pero roon sila nagkakamali. I'm so pressured. Lalo na at grabe ang mga narating nila Ate at Kuya, so expected rin nila na ganoon din ako.

Si Ate, Doctor na. Si Kuya, Lawyer na. Dad wants me to be a Police Officer, kung kaya kumuha ako ng Criminology. But heck, first year pa lamang ako nahirapan na ako. Bakit? Ikaw ba naman na bakla, palibutan ng mga yummy na papable, 'di ba?

Doon pumasok ang kahihiyan. I ruined our family, nagdala ako ng kahihiyan sa imahe ni Dad, nadungisan ko ang marangal naming apleyido. I was caught kissing with a guy sa aming paaralan and news flew like a flash. Sobrang kalat sa buong syudad na ang anak ni Mayor ay isang bakla na walang kasing dumi.

Marumi? Parang pakipaghahalikan lamang, marumi na? Kung ganoon, lahat pala ng mag-asawa, marumi? Mas marumi ang mga bunganga nila na walang ibang alam kung hindi husgahan ako, ang pagkatao ko. Anak ba nila ako? Magulang ko ba sila?

But I was wrong.

Even my own family judged me. Marumi na rin pala ang tingin nila sa akin pagkatapos ng eskandalo na iyon. Doon ko na-realize, wala pala talaga sa pagiging magkadugo o hindi ang panghuhusga. Nasa maruming utak na pala talaga iyan ng isang tao. Kung ikaw na tao may malawak na pag-iisip, then you know how to understand people.

Hindi ko malilimutan ang malakas na sampal ni Dad noon sa akin. Ang paghingi ko ng tulong kay Mom gamit ang isang tingin, pero buong puso siyang tumalikod sa akin. Ang irap ni Ate. Ang disappointment sa mukha ni Kuya. Ha! At matatawag ko pa ba silang pamilya pagkatapos noon?

No. Never again.

"Okay," matapang kong sabi. "Kung iyan ang desisyon at gusto niyo, lalayas ako. At asahan niyo, wala nang bakla na mamamahiya sa apelyido ninyo."

Ni hindi ako umiyak n'on. Mag-isa at tahimik akong nag-impake. Matapang ko silang tinignan isa-isa bago ko sila tinalikuran. Dire-diretso, walang lingon. Wala rin naman na akong intensiyon na bumalik kahit pa humingi sila ng despensa at pabalikin ako.

Pero ano pa nga ba at ma-pride ako? Nasa dugo na siguro namin iyon.

Noong nakalayo na ako, noong mag-isa na lamang ako, roon ako nakaramdam ng pagod. Kahit nakahinga na ako nang maluwag sa natamong kalayaan, nandoon talaga ang sakit at bigat sa aking dibdib. Noong wala nang nakakikita sa akin, doon lang ako umiyak. Hagulhol ko lamang ang maririnig sa tahimik na gabi.

I am brave, because I know how to cry. Who said crying makes you weak?

Hindi ko alam kung saan ako tutungo ng gabing iyon. Kanino ako tatakbo? May takbuhan ba ako?

Doon ko na-realize na walang-wala pala ako. Everyone left me. No one's there when I need them. Pero noong mga panahong hindi ko pa nabahiran ng sinasabi nilang kahihiyan ang apelyido namin, sila ang kusang lumalapit sa akin kahit hindi ko naman sila kailangan.

Mga walang kwenta.

Magpakalalayo-layo ako. Sa lugar kung saan walang nakakikilala sa akin. Walang nakakikilala sa apelyidong ini-ingat-ingatan ng pamilya namin. Doon sa lugar na iyon ay magsisimula ako. Ang sarili ko na lamang ang meron ako ngayon. There's nothing left for me. May magmamahal pa kaya sa akin? Iyong tanggap kung ano o sino ako?

"Ayos ka lamang ba?"

Sa gitna ng aking pagdedeliryo ay nakarinig ako ng boses. Pagod na pagod na ako. Nasaan na nga ba ako? Hindi ko alam. Ilang araw na nga ba akong palaboy-laboy? Hindi ko rin alam. Gusto ko na lamang ipikit ang aking mga mata at magpahinga.

Sa muling pagmulat ng aking mga mata ay nasa isang silid na ako na hindi pamilyar sa akin. May naririnig akong mga ingay na hindi ko alam kung ano o saan nanggagaling. May naririnig din akong pamilyar na agos. Kapag ipikit ko ang aking mga mata ay natitiyak kong ang kalmadong alon iyon sa dalampasigan.

"Oh, gising ka na?"

Napabangon ako mula sa pagkahihiga at nakita sa hamba ng pinto ang isang lalaki. Lalaki? Lalaki na... nakasuot ng damit pambabae?

"Mukhang gulat na gulat ka sa nakikita mo, darling. Oo, lalaki ako." Ngumiti siya ng palakaibigan sa akin.

"But I am a drag queen." He grinned.

Drag queen. Hindi ako nagulat sa narinig, bagkus ay namangha. Tinignan ko siya na puno ng pag-asa. Pakiramdam ko ay natagpuan ko na ang isa sa mga tao na matatanggap ako.

"T-teka, bakit ka biglang umiyak? Gano'n na ba kasakit tignan ang kagaya ko? Medyo masakit, ha?" sinubukan niyang magbiro, pero mas naiyak lamang ako.

Kahit kailan, hindi ako nagpakita ng kahinaan sa iba. Kahit kailan, hindi ako umiyak ng ganito sa harap nino man. Ngayon lang.

Hindi ko namalayan na napakapit na pala ako sa laylayan ng suot niyang pulang night gown. Tiningala ko siya, sabog sa luha ang mga mata. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha.

"P-parang awa niyo na, patuluyin niyo ako sa inyong tahanan. Gagawin ko lahat. Gusto ko lang magkaroon ng tahanan na tanggap kung sino o ano ako."

Mula sa gulat ay napalitan ng kaseryosohan ang mga mata na nakatingin sa akin. Naupo siya sa tabi ko at marahan akong inakay. Tumila ang mga luha ko, nakaramdam ako ng labis na kaginhawaan.

"Bukas na bukas ang aking tahanan para sa iyo. Dito, malaya ka na maging ikaw. Dito, hindi ka kailanman mag-iisa." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. "Ikinagagalak kitang papasukin sa pintuan ng Vizcara."

Doon nag-umpisa ang buhay ko sa Isla Montalban. Sa isang gay bar na makikita sa dulong bahagi ng isla. Sa pagsapit ng dilim, malaya kong pinapakita sa lahat ang tunay kong sarili. Ang tunay na ako. Walang nanghuhusga, walang pandidiri sa kanilang mga mata. Sa Vizcara namayagpag ang pangalang Warren Yoriel Esmeralda o mas kilala bilang Wayo.

I am Vizcara's most knowned night performer.

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon