KABANATA 9

759 48 2
                                    

Kabanata 9

"Ah!"

Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking kama sabay hawak ko sa aking labi. So weird. I knew for sure I felt a hot lips kissed me. Was it a dream... or...

"Oh my god, bakla..." mahina kong bulong sa aking sarili.

Hindi panaginip iyon! Hinalikan talaga ako ni JM! Naaalala ko na! I remember him giving me a kiss to re-write mine and Thunder's kiss. Iyong para bang gusto niyang tapatan o alisin ang halik na binigay ng iba sa syota niya. I won't lie, that was an effective move.

"Jusko, kinikilig yata ako. Hindi tama ito."

Mabilis akong napabangon paalis sa higaan ako. I need a cold shower para naman mahimasmasan ang utak ko sa kung ano-anong iniisip ko. I don't want to be the loser at the end. Remember he's not your type, Wayo. Remember na ayaw mong masaktan muli ng straight na lalaki. Remember na ang lahat ng ito ay peke lamang.

"Alright, my heart is calm," ani ko pagkatapos kong magbabad sa malamig na malamig na shower. "Nabigla lang siguro ako sa halik ni JM, jusko."

"Oh buti at gising ka na."

"Ay Mama!" gulat kong sigaw nang mabungaran si Mama Jessie sa labas ng kwarto ko.

Nakasandal siya malapit sa pinto, crossed arms, at seryosong-seryoso. His long hair is on messy bun at wala pa siyang kamake-up-make-up. Kapag ganoon, alam kong bad news. Mukhang may misa akong pupuntahan ngayong umaga, ah. Why naman kaya?

Mama, seryoso ka, because? Char.

"Ma naman, nanggugulat ka." Napahimas ako sa dibdib ko. "Anong meron?"

"Tara sa office ko."

Patay. Heto na nga, Wayo.

Tahimik akong sumunod kay Mama sa opisina niyang nakasasakal minsan. Bukod kasi sa tahimik, kayo lang dalawa ang magkaharap. Tapos mimisahan ka pa niyan. Kainis naman, kaliligo ko lang, umagang-umaga tapos ganito.

"Ano po ba iyon, Ma?" agaran kong tanong pagkaupo ko sa harap niya.

Nakita kong may kinuha siyang papel sa drawer ng desk niya sabay lapag sa harap ko. Taka akong tumingin sa kaniya na sumenyas lang na basahin ko kung ano ang naroon.

Last will and testament na ba niya 'to? Mukhang heto na ang pamana ni Mama sa mga ampon niya rito.

"Ano 'to, Ma? Dying wish?" diretso kong tanong kung kaya ay nakatanggap ako ng sapok. "Biro lang, Ma. 'To naman."

"Eh kung i-wish ko kaya na ikaw agad ang ma-die? Baklang 'to. Basahin mo 'yan, bilis!"

Dagli akong sumunod sa utos niya dahil lumalabas na ang mga ugat sa leeg niya simbolo na galit na talaga. Mukhang seryosong usapan 'to, ah. Hindi ako ready.

Upon opening the paper, nakita ko ang kulay green na tatak sa labas at may parang vines na logo. Nakasulat ang isang pangalan in calligraphy. Ang pangalan na iyon ay 'Verde Grande'.

Verde Grande? Familiar, ah? Saan ko nga nabasa o narinig ito noon?

"Juancho Maxence Verde Grande or JM for short. One of the unico ijo's of the Verde Grande family. The heir of the Verde Grande chain of malls and one of the known young achiever of his time. Siya lang naman ang lalaking kasama mong maglaro sa apoy ngayon, Wayo," Mama stated.

Bahagya akong natulala sa papel na aking hawak kung saan ang impormasiyon tungkol kay JM. Verde Grande, how stupid of me not to remember. Sila ang isa sa mga bantog na pamilya sa lipunan sa larangan ng business. They are a family of achievers and professionals.

Oh my god, Wayo. Balyena pala ang nasungkit mo na ito, bakla. Hindi lang basta isa sa mga isda sa dagat.

"Shit, Ma. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot," exaggerated kong singhal. "Bakit naisipan mo naman kasing mag-investigate, wala na sana akong alam, eh."

Mabilis niya akong nabatukan.

"Eh kung sa huli pa magkabukingan at nagawan mo ng hindi maganda ang tao, sa tingin mo ba hindi ka pababagsakin ng pamilya niyan? I am just worried for you, Wayo. Hindi basta-basta ang lalaking tinutulungan mo. As much as I am shock of Mr. Verde Grande's confusion on his orientation, mas na-shock ako sa mga na-discover ko. Kaya ang sinasabi ko sa iyo, itigil mo na."

Pakiramdam ko ay naririnig ko pa rin sa utak ko ang boses ni Mama. Buong araw yatang nagpabalik-balik iyon sa utak ko. Kailangan ko nang itigil, iyon ang naiisip ko sa ngayon. Pero paano si JM? Ititigil ko dahil lang nalaman ko ang pagkatao niya? Ano ang mararamdaman niya? Pero paano rin ako?

"Jusko, ano ba 'tong napasok ko. Need ko muna yatang sumisid sa dagat para makapag-isip ng klaro."

Alas-kwatro ng hapon, katamtaman na ang init. Napagdesisyunan kong maligo muna sa dagat. Busy naman siguro si JM at kaninang tanghali lang ang last naming usap sa text. Kain ng mabuti ng lunch, gano'n.

I really love deeping myself on the crystal clear water of the island whenever I want to unwind and distress. Kapag nasa ilalim kasi ako ng tubig, gumagaan ang mabigat. Ganito talaga siguro kapag isa kang tunay na sirena.

Char.

"Juancho Maxence. Nice name," bulong ko habang nagfo-floating at payapang pinagmamasdan ang malinaw na kalangitan.

"Hey, Wayo, right? You alone?"

Napaayos ako ng pwesto sa tubig nang makarinig ako ng American accent somewhere at binanggit pa ang napakaganda kong palayaw. Pagharap ko ay nakita ko ang isang makisig na tisoy. Shock, napahigop kaagad ako ng tumulo kong laway. Pack na pack ang Dakota na itey.

Hinawi ko ang aking imaginary long hair.

"Yeah, how about you? Are you a costumer of our bar? You know me."

"Yeah. I was there last, last, night. I saw you perform and you are amazing, " papuri niya at lumaki naman kaagad ang mga tenga ko. "By the way, I'm Andrew."

Tinanggap ko kaagad ang nakalahad niyang kamay. Oh yes, big and rough. Me likey.

"Nice to meet you, Andrew."

"Why are you alone anyway?"

Akmang bubuka ang bibig ko para sumagot nang may mabigat na braso ang umakbay sa akin at nanuot kaagad sa ilong ko ang pamilyar na pabango. Sa amoy pa lamang niya na iyon ay alam ko na kung sino.

"He's not alone, he's with me. By the way, I'm his boyfriend," dire-diretso niyang sambit.

Sumulyap ako sa gilid ko kung nasaan siya. Sikreto akong napasinghap nang makita ang hubad baro niyang pang-itaas. The lucky droplets of water dripped from his now messy black hair until his chest to his well-packed abs. Napalunok ako. The formal Juancho Maxence is on my side with his wild and unformal side!

He's so hot!

"O-Oh..." Halatang natigilan ang tisoy na si Andrew. "I didn't know. I'm sorry. I'll go then."

Sayang.

"I left you alone and you're with another man again? Is this some kind of test again, Wayo? You kept on breaking our rules."

Narinig ko ang iritasiyon sa boses niya at hindi ko alam kung bakit imbes na mainis ay gusto kong mangiti.

Pinaikot ko ang mga braso ko sa leeg niya. We seems like we're hugging from this position. Kung totoo lang kami, we might look the sweetest right now here in the middle of the island.

"Don't sound so jealous, baby. My loyalty is still on you," biro ko.

Matagal siyang tumitig sa mga mata ko bago nailing. Natawa ako nang kumalas siya sa posisyon namin sabay sumisid papunta sa laot. Kaagad rin akong sumunod.

Staring at his broad back, I can't help but be serious this time. I need to open the matter up to him.

"So... you're a Verde Grande?"

I saw him stiffened before he seriously looked back at me.

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon