KABANATA 27

742 47 3
                                    

Kabanata 27

Tinignan ko ang mga damit kong pilit kong pinagsiksik sa maliit kong travel bag. How nostalgic. It seemed like yesterday noong gawin ko ito para talikuran ang mundong kinalakihan ko. Akala ko hinding-hindi ko ito magagawa sa mundong tinanggap ako, but I needed to — for now.

If I wouldn't lower my pride now, I wouldn't be able to be happy.

"Okay, I'm done."

Pinunasan ko ang iilang butil ng mga pawis na namuo sa aking noo. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang alas-dose na ng hatinggabi. Still no replies from JM. Gano'n na ba siya ka-busy at kahit mag-reply lang ng simpleng 'K' or 'Brb' hindi na niya magawa? Hiling ko sana nabasa na lamang niya ang mensahe ko and I hope, he believed me.

Sinukbit ko ang aking travel bag at sa huling pagkakataon ay nilibot ko ang paningin sa naging silid ko sa Vizcara ng ilang taon. I'll surely miss it here. Hindi ko man alam kung kailan, pero babalik ako. Sinisiguro ko iyan.

Suot ang aking hoodie at fitted jeans, tumulak na ako. Tahimik ang buong bar at bawat mwebles ay marahan kong dinaanan ng aking mga daliri. Nakangiti akong pumikit at doon ay nakita ko ang usual scenario na aking minahal. Ang ingay, ang amoy ng alak at sigarilyo, si Tenten na nagse-serve, si Teyang na nasa bartending area, Mama Jessie drinking in there, the crowd shouting my name, at ako na nagniningning sa itaas ng entablado. Sa pagmulat ko ay dama ko ang pamamasa ng aking mga mata.

I wouldn't trade that moment for anything.

Mula sa kinatatayuan ko ay nilingon ko ang entablado sa aking harap. Naroon ang pole na nagpaangat sa akin mula sa pagkasasadlak. Ang pole na nagbigay karapatan sa aking maging malaya at dahilan ng lubusan kong pagtanggap sa aking sarili. I saw myself there, gliding at the top. Then my gaze landed somewhere. Sinundan ko ng tingin ang aking tinitignan at doon ay nakita ko ang mainit na mga paningin na nakatutok sa akin. Isang lalaki ang nakaupo sa counter at hindi inaalis ang paningin sa akin. Para akong tinutupok ng mga titig niya na para bang buong puso kong ibibigay ang lahat-lahat ko sa kaniya.

That's how I met JM. That's how I fell inlove.

I wonder, mauulit pa kaya iyon? Makaaapak kaya ulit ako sa entablado dito at magpe-perform habang hindi mo inaalis sa akin ang mga paningin mo? Na para bang ikaw at ako lamang ang narito?

"I wish..." mapait ang ngiti kong sambit.

"Aalis ka?"

Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses ni Mama Jessie sa aking likod. Kaagad na naglaho na parang bula ang eksena na nakikita ko kanina sa harap. I small smile escaped my lips bago ko hinarap si Mama. He was lethal-looking on his white night gown which hugged his body perfectly. Wala na siyang make-up, pero litaw pa rin ang kagandahan ng Number one Drag Queen ng Vizcara.

"For now, Ma," tipid kong sambit.

Tumayo siya sa tabi ko hawak ang isang baso ng wine. Pampatulog niya iyan, eh. Kaya hindi na rin ako nagulat na maabutan ni Mama Jessie. He would sleep late at night as always.

"You know, Warren. Una pa lang kitang nakita, nakuha mo na kaagad ang loob ko," Mama opened-up na bahagya kong kinatigil. "You were so much like me noong kabataan ko. So messed up, so broken..."

Ngayon ko lang narinig na sabihin iyan sa akin ni Mama Jessie. Hindi rin naman kasi ako nagtatanong, unless willing nang sabihin sa akin. I stared at him at may halo-halong emosiyon akong nakita sa kaniyang mga mata. It was as if kagaya ko kanina, he's recalling a distant scene.

Nasaktan din si Mama Jessie ng ganito kagaya ko?

"Sobrang nagpapasalamat ako sa'yo, Ma." Kinagat ko ang ibaba ng aking labi nang manginig ang aking boses. "Mas naging magulang ka pa sa akin kaysa sa tunay kong mga magulang."

"At para sa akin, tunay kitang anak." Mama Jessie cupped my face at tinitigan niya ako nang matagal na para bang sinasaulo ang mukha ko. "Always remember, bukas lagi ang pinto ng Vizcara para sa iyo, Warren Yoriel. You gave light to this home afterall."

Babalik ako, Ma. Pangako ko iyan.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang Vizcara bago ako tuluyang umalis. The cold midnight air crept on my body dahilan para yakapin ko ang aking sarili. Nakatayo pa rin si Mama sa may pinto ng Vizcara, tinatanaw akong papaalis. Ngumiti ako at bago pa pumatak ang aking mga luha ay linihis ko na ang aking paningin sa direksiyon niya. Alam kong magtatampo sila Tenten at Teyang sa pag-alis ko nang walang paalam, pero alam kong maiintindihan nila ako.

Ilang beses kong pinalis ang mga luhang lumabas sa aking mga mata. Hindi ganito kabigat ang bawat hakbang ko palayo noong ang pamilya ko ang aking tinalikuran, ngunit ngayon, parang gusto ko kaagad na bumalik. Ayaw kong umalis.

Pero para tuluyan kong mapalaya ang bigat sa aking dibdib, kailangan ay tuluyan ko na ring mapalaya ang bigat ng aking nakaraan. I wanted to be happy. Sabi nga ni Mama Jessie, to forgive is to forget. To forget is to move forward.

Sa tahimik na isla, nagniningning ang bilog na buwan. Malayo sa kulay kahel na liwanang kapag papalubog ang araw. Parang may mga dyamanteng nakalutang sa malayong parte ng dagat dahil sa liwanang noon. Tinaas ko ang aking kamay, tila inaabot ang buwan. It was so full like an alpha dominating the wide sky.

"JM..." wala sa sarili kong sambit sa pangalan niya. "Nakikita mo rin ba ang buwan ngayon?"

Parang isang panaginip lang ang makilala ka. Para bang sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako nagmahal ng ganito. It's deep and piercing, at the same time, calm and freeing. Iyong tipo ng pagmamahal na kaya kong gawin ang lahat para sa'yo, pero kaya ko ring isuko kung alam kong hindi ako ang pipiliin. Iyong ganoong pagmamahal. Kay Richard kasi noon, muhi at puot lang ang nangibabaw sa huli. Pero sa'yo, JM, kahit ang magalit hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

"Makikita pa kaya kita ulit?"

Sana maayos na ang gulo niyo ni Mikee. Ayaw kong isipin kung gaano ka nasasaktan ngayon. I wanted you to be happy kahit hindi na ako kasama sa kasiyahan mo. Kung makita man kita ulit, sana rito ulit sa islang ito. At sana sa pagkakataong iyon, pareho na tayong masaya sa mga taong pinili natin.

Binaba ko ang kamay kong nakaabot sa buwan at ngumiti sa kabila ng pagluha.

"Pero sa ngayon... paalam muna."

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon