KABANATA 34

815 60 7
                                    

Kabanata 34

So hindi niya naman pala ako sinisisi at gawa-gawa lang ng baklang Mikee iyon lahat. Pero why naman? Kung sila na pala nj JM, wala na siyang reason para ma-insecure sa ganda ko, 'di ba? Pero siguro nga, sobrang ganda ko at insekyurada talaga siya. What's the point na umiyak-iyak pa ako no'n? My god! Sira poise!

But more importantly...

"Bakit ka nakasunod sa akin?" galit kong sigaw kay JM na noon ay nasa likod ko at nakasunod.

Pauwi na ako now from work at akala ko iyon na ang huli naming pagkikita ni JM, pero mukhang mali yata ako. Nakasunod siya sa akin na parang tuta! Don't tell me balak niya pa ring mag-home tour sa balur ko?

"What?" inosente niyang ani. "So I was really right, huh? Diyan ka nga talaga tumutuloy."

Tumingin ako sa tinuturo niya kung saan nga ang tinutuluyan ko nang bigla ay may na-realize ako. Gulat ko siyang tinignan at tinuro ang pagmumukha niya na mukhang natatawa sa akin.

"I-Ikaw! Pinasundan mo ako?" akusa ko sa kaniya. "Stalker!"

"Ang pogi ko namang stalker," pagmamayabang niya na kinalukot ng mukha ko. "Anyway, wala ka bang balak nang umuwi? Baka nariyan na rin pala ang gamit ko."

"Gamit?"

Hindi niya ako sinagot at nauna nang maglakad sa akin. Tignan niyo 'to, ang bastos. Nagtatanong pa ako bigla na lang akong tatalikuran.

"Oh, Warren at..." Nagtataka na tumingin sa akin ang landlord namin.

I just shrugged my shoulders. Kaagad na lumapit si JM at tila may hinahanap doon sa counter.

"Oh, good. It's really here. Akin po pala iyang mga maleta. Kukunin ko na," nakangiti niyang ani sa landlord namin.

Oh? Mabilis akong lumapit doon at nakitingin. Hala, may mga maleta nga.

"Ha? Ibig sabihin, ikaw ang syota ni Warren na makitutuloy ngayon dito sa kaniya?" gulat na untag ng landlord namin na napatakip pa sa kaniyang bibig.

Syota? Anong syota?

"Hoy! Anong syota —"

"Yes, ako nga po. Please take care of me from now on, too."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin na lang ako basta ni JM kasama ng mga maleta niya. Napatingin pa ako sa huling pagkakataon sa landlord namin na ngingiti-ngiti na sa akin. Hoy! Anong ibig sabihin ng lahat ng 'to?

"Pucha!" mura ko sabay bawi ng braso ko sa pagkahahawak ni JM. "Mag-explain ka! I demand an explanation!"

"Okay, okay, I'll explain," aniya. "But first open your door para makapag-usap tayo ng maayos."

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya, but he seemed so impatient already. Wala na akong nagawa at binuksan ang aking pinto sabay pinapasok siya. Naloloka na ang matres ko sa mga nangyayari.

"Sinundan mo nga talaga ako, ano?" taas ang isang kilay kong saad noong makaupo na siya sa maliit kong sofa roon. "Pwede ka naman sa hotel, bakit dito pa? Ang liit-liit na nga nitong tinutuluyan ko."

Narinig ko ang mababaw niyang tawa at hindi ko maiwasang ngumuso. Buti pa siya, mukhang tuwang-tuwa sa mga nangyayari.

"I like it better when I'm with you, Wayo."

Natigilan ako sa paghuhubad ng aking sapatos at napatingin sa kaniya. Sinalubong ako ng seryoso niyang mga titig. He looked so out of place sitting in that small sofa and I felt even more soffucated ngayong tila bumigat pa ang atmospera. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.

"A-Ayos lang ba sa jowa mo ang pinagagawa mo ngayon? Wait, alam ba niya na narito ka?" Subok kong ilihis ang usapan.

I saw how his jaw moved. Bigla akong kinabahan at parang kinakalikot ang aking tiyan.

"Jowa? Who told all of this nonsense, Wayo? Kanina about sa pinagbibintangan kita, ngayon about naman sa jowa ko?" He licked his lower lip. "Kung ano man ang nakatatak ngayon sa utak mo, hindi iyan totoo lahat."

Hindi ko napigilang tumayo. I was so frustrated with all of this! My heart was broken tapos ngayon maririnig ko ang lahat ng ito?

"Hindi ba mahal niyo ni Mikee ang isa't isa? That issue was the proof, JM! Tapos after that nakita pa kayo ulit na papasok sa isang mamahaling restaurant! That was a date, right? Then Mikee told me sinisisi mo raw ako. Na ako raw ang sumira sa'yo —"

"Wayo!" Nagulat ako nang nasa harap ko na si JM. "God, calm down. Hindi totoo iyan lahat. And what did you say? Mikee told you na sinisisi kita?"

Dahil sa halo-halong nadama, hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Umiwas ako ng tingin kay JM sabay palis ng mga luha ko. Ang pathetic mo, Wayo.

Mas lumapit sa akin si JM. Hindi ko nahandaan ang bigla niyang pagyakap sa akin. I could smell his manly smell and his warmth comforted me. Nang maramdaman kong haplusin niya ang buhok ko ay agaran akong kumalma.

"H-Hindi kayo ni Mikee?" tanong ko sa mababang boses.

Ramdam ko ang pagtango niya sabay bigay niya ng halik sa tuktok ng aking ulo.

"Hindi kami."

"P-Pero hindi ba... mahal mo siya? Kaya nga humingi ka ng tulong ko para maging kayo."

Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at marahang tinulak. He wiped my tears away. May naaninag akong maliit na ngiti na lumabas sa kaniyang mga labi.

"I did. I did like him, Wayo," halos pabulong niyang turan. "But someone came that made my heart ache with so much love and adoration. Kilala mo ba siya?"

Pakiramdam ko ay napigilan ko ang aking paghinga. Diretso akong tinitigan ni JM sa aking mga mata. I held my breath as he looked at me with adoration in his eyes. Oh my god, mga bakla. Pakisampal naman ako kung panaginip lang ito. Hindi na ba ako nag-a-assume ngayon?

"B-Bakit ako ang tinatanong mo niyan?" pagpapabebe ko.

His baritone laugh resonated in my small room at hindi ko napigilan na titigan siya. I saw him with Mikee and saw a fair share of him being happy with Mikee. Pero ngayon, I could say, was the first time I saw JM in his happiest state. Dahil ba talaga sa akin?

"Were you jealous, hm?" malambing niyang tanong habang masuyo na hinahaplos ang mga pisngi ko. "It was not in my plan, but I fell inlove with you. Please, heto ang paniwalaan mo."

Oh my god! Oh my god talaga, mainggit kayo please!

"Wow mali ba 'to? Prank? May camera —"

Kaloka, super nanlaki ang mga mata ko dahil bigla niya na lang akong kinabig para halikan! Shuta, hinahalikan ako ngayon ni Juancho Maxence Verde Grande! Baka may media riyan? Paki-picture-an din kami para ma-feel din ni Mikee ma-heartbroken.

At siyempre dahil bet ko naman at marupok akong nilalang — oo, hindi ko na i-de-deny — yumakap din ang mga braso ko sa leeg niya at binalik ang halik.

"Ibabalik kita sa Vizcara, Wayo. Because you're more free in that island. It's where you belong," masuyo niyang bulong. "No matter how you break free, no use, it's where the tides reside."

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon