KABANATA 3

993 64 1
                                    

Kabanata 3

"Hoy bakla, kaysa makipagtitigan ka riyan sa hangin ay mamili ka na lang ng pagkain natin. Ubos na ang stock!"

Mula sa pagkatulala ay napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa maingay na bunganga ni Teyang. Inis ko siyang pinakatitigan, pero winagayway lamang niya ang pera sa harap ko. Kainis naman, binabalikan ko pa ang nangyari kagabi. Inaya lang naman akong maging syota ng isang gwapo na nilalang.

Gano'n na yata ako kaganda.

"Alam mo, teh? Minsan talaga, gusto na kitang sakalin at mamayapa ka na lang nang tumahimik na rito," biro ko.

"Kung gagawin mo, bakit hindi ikaw ang mauna? Kaloka ka bakla, hindi ka na nga tumulong sa paglilinis ng bar kanina tapos nakatulala ka lang diyan. Ano na naman ba 'yang iniisip mo?"

Mabilis kong hinablot ang pera sa kamay niya. I didn't answer his question. Nginisihan ko na lamang siya, leaving him with that questionable look on his face. Hindi kasi 'yan titigil hanggang hindi makapipiga ng tsismis sa akin.

Si Tenten naman ay busy na sa pagsilbe sa iilang costumer namin. Kapag umaga kasi, ang bar ay nagiging resto. Mabenta ang mga smoothies namin dito made by baklang Teyang. Bukod sa tsismis ay magaling din ang baklang 'yan diyan.

Si Mama Jessie nama'y maagang umalis kanina at nagbayad ng mga bills. Doon ko lang na-realize na wala nga akong naitutulong sa bar kapag umaga. Maglinis na nga lang tulala pa. Hindi ko maiwasang matawa.

Lumabas ako at binusog ang mga mata sa kagandahan ng isla. Hindi naman kalayuan ang pamilihan mula sa bar kung kaya kahit mamasyal pa ako ng kaunti ay ayos lang. Naisip ko na kung sana natanggap lang ako ng pamilya ko at nadiskubre namin itong isla, maganda sanang mamasyal dito kasama sila. Kaso isa na iyong bangungot sa akin kahit sa isip ko lang.

"Hoy, Wayo!" Matagal pa ako nakapag-react nang may tumawag sa akin.

Mas kilala kasi akong Wayo rito kaysa sa tunay kong pangalan. Sila Mama nga lang yata ang may alam ng tunay at buo kong pangalan. I prefer it that way though.

"Daan kayo mamaya sa bar!" sigaw ko pabalik sa turista na nakita ko rin kagabi sa bar.

"Sure! Malakas ka sa'min, eh!"

Ngumisi ako. Minsan, natatawa na lamang ako ng lihim dahil sa mga lalaki na ito. Their animal urges, they can't hide it all the time. Alam ko naman na isa sa dahilan na gusto nila ako ay dahil doon. Himala na siguro para sa akin kung makabangga ako ng lalaki na mamahalin ako sa kung ano ako. Mamahalin ako ng buo at tunay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungong pamilihan. Dagsa talaga ang mga turista sa isla kahit hindi summer. Well, that's how much people loves beach, I guess.

Nang nasa bungad na ng daan patungong pamilihan, napatigil ako. Tila may nahagip ang aking mga mata. I walk five steps backwards at doon ay nakita ang isang malaking building na ginagawa. Mukha iyong mall! Sosyal, may pa-mall na sa gitna ng isla. Ayos.

Bumaba ang paningin ko at tumigil iyon sa isang pamilyar at partikular na tao. He's talking with a foreman. Kagat ang ibabang labi ay pinakatitigan ko siya ng buo. He's looking different today!

He's sporting a white polo shirt na bukas ang unang tatlong butones. An orange hawaiian shorts. Ang sapin sa mga paa ay pares ng leather, strappy sandals. Ang buhok na kagabi ay nakaayos, ngayon ay simpleng hair down lang. An aviator glasses is on his eyes and still looking formal with that watch on his wrist. Hindi na ako nagulat na halos mabali ang ulo ng iba katitingin, hindi sa building, kung hindi sa kaniya.

How can he sport something simple yet can still be drop gorgeous? Fuck, ang unfair.

Marahan akong lumapit doon, hawak ang isang basket sa aking kamay. Sumandal ako sa may pundasiyon ng building, magkakrus ang mga braso na siya'y pinakatitigan. Bahagya akong natawa dahil sa pakipag-uusap niya sa akin kagabi at sa harap ng trabaho niya ngayon, pormal na pormal pa rin ang mukha niya. Can't he even smile while talking?

But that made him hot though.

Napatayo ko nang tuwid nang umangat ang ulo niya at sakto ang paningin sa akin. He's wearing glasses, but I know that gaze. That heated gaze that can seem to pierce my soul.

Nakita kong tinapik niya sa balikat ang foreman na kausap bago ito tinalikuran. When he started to take his steps towards me, kumaway ako sa kaniya habang nakangisi. Napakapormal talaga. Pero kainis at sobrang gwapo. It's not like formal guys are my type. I prefer a wild man befitting a wild gay like me, but... damn, he's really a hunk.

"Have you thought about my proposal last night?" ang unang lumabas sa bibig niya.

"Oy, hindi noh! Sinabi ko na sa'yo na ayaw ko." defensive kong sagot.

Sumunggab ang mga kilay niya.

"Then why are you here?"

"Papunta akong bilihan." Pinakita ko sa kaniya ang hawak na basket. "Nagkataon lang na nakita ko itong ginagawa na building, tapos ikaw."

His lips went into a grim line. Tumango siya sa akin at tinignan din ang building na siya siguro ang nagpapagawa. Yaman. Mall owner pala 'to.

Nakita ko siyang nag-angat ng tingin sa building. Then I wonder, why would a gentleman like him would offer me something like that? Okay, medyo nahusgahan ko siya kagabi. Nasabi ko na kagaya siya ni taba, but looking and talking at him right now, mukhang desperado lang talaga siya sa hindi ko alam na dahilan.

"Sa'yo ba 'tong building?" tanong ko sa mababa na boses.

Bumaba ang tingin niya sa akin.

"Yeah," tipid niyang sagot. "Why won't you accept my offer?"

Humarap ako sa kaniya, binigay ang buo kong atensiyon. Taas kilay ko siyang pinakatitigan na noo'y hindi pa rin nagbabago ang reaksiyon. Seryoso ba talaga siya sa tanong niyang 'yan?

"Dahil hindi ko alam kung bakit at bakit ako pa. Marami namang ibang shokla riyan kung gusto mo lang ng tikiman," walang preno kong sabi.

He looks offended to what he heard. Hindi ko babawiin. Nasabi ko na, eh. Tsaka, totoo naman.

"It's not like that, I have my reasons. Sorry if I sounded like that last night."

Napalunok naman ako. Why so serious? Tiklop ako sa isang 'to, sobrang pormal. Kung pumayag ako, makakaya kaya niya ako?

"Eh, ano ba ang rason mo?" kyuryoso kong tanong.

Tinignan ko siya nang nagdududa. Matagal din siyang napatitig sa akin. Sige, titigan tayo. Ang unang matunaw, talo.

"If I tell you, papayag ka na ba?"

Ay, shet. Nahuli niya ako roon, ah.

Napabuntong hininga ako. Sige na nga! Baka mamaya may malubha palang sakit 'to at isa sa wishlist niya ang magkasyota ng bakla bago ma-deads.

Tumango ako. "Sige. Depende sa bigat ng rason mo ang pagpayag ko."

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay nakita kong kuminang ang mga mata niya sa likod ng suot na salamin.

Have I stepped on a trap?

"Then, I'll tell you tonight. Pupunta akong Vizcara."

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon