KABANATA 30

808 51 10
                                    

Kabanata 30

Kung sinuswerte ka nga naman.

Nakahanap kaagad ako ng trabaho. Umaga kinabukasan nang magtungo ako sa isang maliit na restaurant katabi ng apartment building na tinutuluyan ko. Nakita ko ang nakapaskil doon na hiring sila ng janitor. Dahil undergrad ako, panigurado na mahihirapan ako sa paghahanap ng trabaho kaya blessing in disguise talaga nang doon ako magtungo para sa agahan.

Alam niyo ba kung ano pa ang swerte? Ang pogi ng manager mga bakla. Huwag na kayo riyan, akin na 'to.

"Wow, so nagtrabaho ka sa Vizcara as performer? I know that bar at Montalban," nakangiting saad ni bebe manager sa akin, pinapakita ang mapuputi niyang mga ngipin.

Oh, pak! Isang ngiti mo pa, malapit na kitang mapapak. Keme akong ngumiti at nilagay pa ang imaginary hairlalo sa aking tenga. Akala mo Mikee ikaw lang maganda? Ha! Hindi pakabog ang Bea Alonzo sa Julia Baretto, no!

"Eeeehhhh, ikaw sir, ah? Paano mo alam ang lugar na iyon?" malantod kong saad at may papalo pa sa braso niya.

Shala, mamasel si fafa. Itadakimasu!

Tumawa siya at sinapak din ako pabalik sa braso. Gago, muntik na akong mahulog sa upuan ko. Sadista naman pala 'tong fafa ko. Bet!

"Pumupunta kami sa Montalban minsan ng mga barkada ko at nadadaanan namin iyong Vizcara. We happened to know what's the bar all about," ekspleka niya. "Don't worry, we don't discriminate third genders here. May iba akong empleyado rito na tomboy at bakla kaya wala kang dapat ikabahala."

Ay, salamat naman. Akala ko mararanasan ko iyong aalipustahin ng mga katrabaho tapos si bebe manager ang magiging knight ko. Hindi bale na, kaya ko naman siyang landiin kahit hindi ako inaalipusta. Hindi niya alam na bukod sa pole dancer, artista rin ako minsan.

"Thank you, sir," pa-cute kong sabi sabay pilantik ng mga mata sa kaniya.

Tumawa naman siya ulit. Bongga, masiyahin ang bebe ko. Huwag kang mag-aalala, papaligayahin pa kita ng husto. Bumigay ka lang sa akin. Oh, pak!

"Anyways, you may start here tomorrow. You're schedule would be 6AM-5PM. Day off ng lahat every linggo dahil sarado ang restaurant noon." Ngumiti ulit siya sa akin bago ako tinitigan ng seryoso. "Are you ready for the job, Warren?"

Hindi Wayo ang dinala ko rito dahil pang-Vizcara lang iyon. Kahit gaano pa kapogi itong si bebe manager ko, loyal pa rin ako kila Mama Jessie, aba.

"Ready na ready, sir!"

Sana ikaw rin, ready na. Ehe.

Pagkalabas ko ng opisina ni bebe manager ay kaagad akong sinalubong ng mga empleyado roon. Tama nga si bebe manager mababait ang mga empleyado niya at mayroon ding mga ka-federation kagaya ko.

"Welcome rito, Warren," bati nila sa akin isa-isa.

"Salamat! Start ko na raw tomorrow."

"Papables manager natin, ano?" eksena ng isang bakla kagaya ko, pak na pak pa ang awra.

"Ay, oo nga. Muntik ko nang gawing panghimagas doon kanina sa loob," biro ko.

Tumawa naman sila.

"Wit ka chance riyan, mare. Straight ruler iyan!"

"Aba'y balikuin natin!"

Ganoon lang kadali na nagkapalagayan kami ng loob. Kagaya rin ito sa madaling pagtanggap sa akin nila Tenten at Teyang sa Vizcara. Swerte siguro ako sa trabaho at mga katrabaho. Sana all, ano?

"Tara at iikutin muna kita rito para mapamilyaran mo kaagad ang lugar," presinta ng isang babae roon.

"Ay, baka makaabala na ako niyan, te?"

"Ano ka ba! Break ko naman kaya keri lang."

Dahil mabait na rin siya sa pag-offer, gumora na ako. Hindi naman kalakihan ang restaurant, pero infairness talaga, magara ang designs. Hindi halata na hindi naman kabonggahan ang lugar. Tsaka noong makita ko ang menu, yumminess naman ang mga pagkain. Sayang hindi ko natikman at iyon naman ang pinunta ko rito. Mas na-focus kasi ako sa nakita kong hiring.

"Sila ang mga waiter natin at sa likod naroon si chief," pagpapakilala sa akin ng magiging kasamahan ko.

Ay, bongga! More chance of winning pala rito. Kung hindi kay bebe manager, sa mga bebe waiter na lang, oh. Sayang, tanders na si chief, pero keri lang. Pwede rin gawing Daddy. Siyempre, biro lang.

"Kaloka, siz. Araw-araw yata gaganda ang araw ko rito," kinikilig kong saad sa babaeng kasama ko.

"Ganiyan din ang linya ng mga kasamahan nating bruhilda rito. Naku, kayo talaga. Kaya kayo nasasaktan minsan, eh. Hindi ko nilalahat, ah? Pero hindi ba masakit na i-take advantage lang kayo ng mga lalaki dahil lang gustong-gusto niyo sila?" Nakikisimpatya siyang tumingin sa akin. "No offense meant, pero ilang beses ko na kasi nasaksihan ang mga kaibigan kong bakla na umiyak sa ganiyan."

Natahimik ako sa sinabi niya. Yes, what she said was somewhat true. Sa mga kagaya naming mga nasa third gender, suntok sa hangin lang talaga ang mga happy ending at fairytail-like lovestory. Ilang balde pa ang iluluha namin bago namin matagpuan ang the one, minsan nga, ang iba ay sumusuko na lang kalaunan. Hindi na naghahanap ng pangmatagalan. Kaya hindi ko rin masisisi ang iba na nagiging desperado na. Ibibigay ang lahat ng mayroon sila kapalit ng kaunting pagmamahal.

That thought itself was already heartbreaking. Ang nais lang naman namin ay ang matanggap.

"Well... anong magagawa namin? Kahit ganito kami umaasa rin kami ng lovelife, ano." Pilit akong tumawa. "Time out na nga! Mamaya hindi na ako magpatuloy rito dahil sa'yo, sige ka."

Pinalo niya ako sa aking braso. Inggrata 'to, makapalo akala niya bet na bet ko. Kung fafa lang sana papalo sa akin. Char.

"Masyado kang seryoso! Pero sige, kapag may problema ka sa lovelife o may gumugulo sa iyo, magsabi ka lang, ah? Kung nais mo lang naman, willing to lend an ear."

Napangiti naman ako. Parang may Mama Jessie the second na kaagad ako rito, ah. Kapag sinabi ko ito kay Mama, for sure magseselos iyon. Ayaw pa naman noon may umaagaw sa mga junakis niya.

"Dito naman ang usually paboritong pwesto ng mga costumer. May TV kasi tayo rito."

"Sosyal! May pa-TV."

Nasa last spot na kami noon. Ayos na sana, eh. Kung hindi lang umangat ang paningin ko sa TV. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng reply niya sa akin, but looked like he didn't want to be associated with me anymore. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para matulungan siya, ngayon ako lang ang naiwan na nasasaktan.

"Well, will you look at that," bulong ko sa hangin. "Mukhang no need mo nang umasa, Wayo. Hindi na iyan magpaparamdam sa iyo. Baka nga ikaw rin ang sinisisi niyan sa scandal nila."

Flash report, JM was seen with Mikee going in a luxurious restaurant. Nakaangkla pa si Mikee   kay JM. Both looked fine and happy. Habang ako narito, nasasaktan at naghihintay ng kakarampot na mensahe mula sa kamiya.

Sometimes, destiny's really harsh when you're inlove.

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon