KABANATA 31

788 46 10
                                    

Kabanata 31

Pinunasan ko ang aking pawis sa pagtatapos ng trabaho ko para sa araw kong iyon. First day ko ngayon at sinasabi ko sa inyo, hindi madali ang pagiging janitor. Kaya kahit pagrespeto o pag-iwas sa mga sahig na nililinisan pa nila, iyon manlang sana gawin natin para sa kanila. So far today, wala namang aberya sa aking unang araw.

"Nice job, te! Ano? Musta first day?" ani Maribel, ang merlat na Mama Jessie 2.0 rito sa akin.

Janitor din siya, kaso sa kabilang wing siya today, ako naman dito sa kabila.

"Heto, Haggardo Verzusa. Pero keri pa naman para sa future namin ni bebe manager," biro ko na kinahalakhak niya.

Tinabi namin ang mga pinaggamit naming cart sa paglilinis. Salamat, natapos na rin for today. Maka-beauty rest after bago lumarga ulit sa hospital.

"Good job today, team!" ani ng mahinhin naming team leader nang nasa locker room na kami.

Tumaas ang kilay ko. Bali-balita ko na ex-girlfriend raw siya ng bebe manager ko. Okray, ah! Okay, maganda siya. Pero tabingi suso niya, jusko.

Echos, laitera lang talaga ako.

"Salamat, Miss!" sabay-sabay naming sagot sa kaniya.

"Oh siya, kainin niyo na meriyenda niyo riyan tapos pwede na kayo mag-out," aniya bago nagpaalam sa amin.

Kumuha na lang ako ng meriyenda at nagpaalam kaagad. Dinahilan ko na lang na may lakad ako kahit pa atat lang ako na makapagpahinga kaagad. Jusmiyo, 3AM ako lalarga sa hospital mamaya. Pagkauwi gora na kaagad ako sa paghanda sa trabaho kaya need ko kaagad ng bonggang tulog.

"Hm?"

Nagtaka ako nang may kahina-hinalang nilalang na lumabas mula sa apartment building na tinutuluyan ko. Tila may hinahanap. Hindi ko na pinansin at naglakad na lamang. Saktong pagpasok ko, kaagad akong hinila ng landlady namin na kinagulat ko. Eksaheradang tanders 'to! Grabe naman makahila!

"Hoy, Warren, ikaw ba walang tinakbuhan o walang atraso sa kahit sino?" pabulong na tanong ng landlady habang patingin-tingin sa labas, tila may binabantayan.

Kumunot ang noo ko. "Waley naman po."

Sino naman? Wala akong crminal records at wala akong utang kahit hindi ako mayaman, ano. Sa ganda kong 'to.

"Siguraduhin mo lang, ah? Aba'y may naghahanap sa iyo rito kanina! Mukhang kahina-hinala kaya pinagtakpan kita. Sabi ko wala akong tenant na Warren Yoriel ang pangalan."

Ay, flash report! Ako ang hinahanap noong lalaki kanina? Anong meron?

"S-Sige, salamat po."

Pagkapasok ko sa aking silid ay mabilis kong tinakpan ng kurtina ang aking bintana. I felt anxious. Sino iyon? Bakit ako pinapahanap? Imposible namang sila Mama dahil updated sila sa akin. Sila kuya kaya? Pero may numero sila sa akin na kinuha niya kay Mama. Tatawag iyon if may nais sabihin na hindi pa rin naman niya ginagawa. Hindi kaya... si Richard? Pero para saan naman? Siya nga may atraso sa akin!

"Ang sakit sa bangs!" inis kong singhal sabay sabunot sa sarili.

Well for now, let's calm down, Wayo. Mag-beauty rest ka muna para makapag-isip ka ng mabuti.

Pagsapit ng 3AM, halos balutin ko ang sarili ko. Naka-hooded jacket at may face mask pa. Mahirap na, baka nandiyan lang sa paligid ang naghahanap sa akin. Tila agila at hindi natutulog. Char.

Pero seryoso, mabuti na ang nag-iingat.

"Pinoproblema ko pa ang pag-iipon para sa ambag ko rito sa hospital, ngayon may problema na naman ako. Pucha, heartbroken pa ako niyan," parang bata kong sumbong sa harap ng ina kong tulog.

Ang juntis kong ate na naman ang bantay niya. Kunsabagay, kung mapaanak siya bigla, nasa hospital na siya. Mas better.

"Ang hirap sumaya..."

Bumuntong-hininga ako. Pumapanget na ako sa mga problema na ito.

"Anak..."

Napamulat ako ng mga mata at takot na napatingin sa paligid. Hala, may boses akong narinig. Nanginginig tapos parang humihingi ng tulong. Oh my god, sabi pa naman ng iba marami ring ligaw na kaluluwa sa mga hospital.

"S-Sino 'yan?"

"A-Anak..."

Napayakap ako sa aking sarili dahil tila biglang lumamig. Umikot ang paningin ko sa buong silid ng kwarto ni Mommy. Hanggang sa bumaba ang paningin ko sa kaniya. Sinalubong ako ng mulat niyang mga mata. Diretso siyang nakatitig sa akin. May kaunting mga luha na namuo sa gilid ng kaniyang mga mata. May sumilip ding ngiti sa maputla niyang mga labi.

"Ikaw pala ang salarin mother earth," biro ko.

"W-Warren, anak..."

"Hm?"

Tipid akong ngumiti at inayos ang kumot sa katawan niya. Ramdam ko ang unti-unting pag-ipon ng bigat sa dibdib ko.

"S-Sorry." Sinubukan niyang abutin ang mukha ko. "P-Patawarin mo sana si Mommy, anak..."

Tumikhim ako at kinurap ang mga mata ko dahil sa biglang pamumuo ng mga luha sa aking mata. Hinaplos ko ang buhok niya at nakita ko ang unti-unti ay muling pagbalik niya sa pagkahihimbing. May tumulo pang luha sa pisngi niya na kaagad kong pinunasan.

"Magpagaling ka muna."

Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig nang sa paglabas ko ng silid na iyon ay kaagad akong naiyak. Pakiramdam ko ay marahan at mariin na hinihiwa ang aking puso. Her sorry echoed in my mind, tila sirang plaka na ayaw paawat. Ayon naman ang gusto kong marinig mula pa noon sa kaniya, sa kanila, but funny how it hurted me more than I expected.

"Tangina, ang daya..." umiiyak kong saad.

Bakit ako na nangangailangan ng sorry nila ang siya pa ring nasasaktan? Akala ko mawawala na itong sakit sa dibdib ko kapag narinig ko na ang mga salitang iyon, pero mali ako. Hearing and seeing my mother saying that to me pierced my heart.

"Oh, bakla? Ano nangyari sa'yo? Mukha kang na-gang-bang ng malupit," ani Maribel kinabukasan sa trabaho.

Inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ko ng sariling cart. Paano ba naman, kulang sa tulog tapos buong magdamag pang umiyak, sino pa magiging ayos kinabukasan? Ang drama ko nga kanina pagkauwi. Umiyak pa ako habang naliligo, nagtatabo lang naman ako. Oh, 'di ba?

"Alam mo, Maribelat, pasalamat ka na lang at mas maganda ka sa akin today. Akala mo hindi ako babawi bukas, ah?" pag-alaska ko sa kaniya.

"Sige lang, te. Ikaw lang naman naniniwala na maganda ka kaya keri lang."

Pabiro ko siyang inambaan ng spray na hawak ko. Tatawa-tawang umalis ang inggrata. Lakas maka-okray.

Tumulak na rin ako at pakendeng-kendeng pa sa paglalakad. Wala pa si bebe manager dahil flexible naman schedule niya kaya sa mga waiter muna ako aawra. Iyon lang, nang mapatingin ako sa isang pwesto ng restaurant, mabilis akong napapreno sa paglalakad at napaupo para magtago sa cart ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.

"Lord, alam kong wala ako sa huwisyo ngayon, pero hindi naman po ako gutom," wala sa sarili kong sambit.

Sumilip ako mula sa gilid ng aking cart at tinignan ang direksyon na nakita ko kanina. Naroon siya, nakaupo. May mainit na kape sa gilid niya habang seryoso siyang nagtitipa sa kaniyang laptop. Kinabahan ako, naisip kung alam niya kayang narito ako? Nakita niya kaya ako kanina? Kanina pa ba siya riyan?

Napakaimposible na napadaan lang siya sa maliit na restaurant na ito at sakto pa kung nasaan ako! Kaya bakit?

Bakit narito si Juancho Maxence Verde Grande ngayon?

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon