Kabanata 36
"Aray, ano ba?" sigaw ko habang pinipilit ding hilahin ang buhok ni Mikee.
I could hear him sobbing despite his angry roars. Saan ba nanggaling 'to? Bigla-bigla na lang susulpot at makipag-away! Sana manlang nagsabi siya in advance, ano. 'Di sana naka-ready ako ng mga armas. My god.
"You stole Maxence from me! Give him back!" sigaw niya rin pabalik.
Sinubukan ko siyang sipain, kaso nakalmot niya rin ako sa mukha ko. Ay, bastos 'to, ah? Kalmutin niya na ako sa lahat ng parte ng katawan ko huwag lang sa napakaganda kong mukha!
"Anong stole-stole? Hindi ako gobyerno, wala akong ninanakaw sa'yo!"
"No!" kontra niya. "You stole Maxence from me! Ibalik mo siyang bakla ka!"
Tila umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. Galit na galit ako. Hindi na ako nakatimpi at buong lakas siyang tinulak. Nang mapahiga siya sa sahig ay kaagad akong pumaibabaw sa kaniya at pinagsasampal siya.
"Hindi ko siya kinuha sa iyo! Siya ang kusang pumunta rito sa akin! Ako ang gusto ni JM at hindi na ikaw!" sigaw ko sa mukha niya. "Akala mo, ha? May kasalanan ka pa sa aking inggrata ka. Lakas mo makasisi sa akin hindi naman pala totoo?"
Mas lumakas ang iyak niya nang marinig ang sinabi ko. Nanatili akong matatag. Tapos na ako sa pag-iyak. I'm stronger now that I'm assured JM's at my side. Wala na akong kinatatakutan. I'm confident JM wouldn't come back to him dahil sa akin na siya.
"You trash!" sigaw pa ulit pabalik ni Mikee.
Nanatili kaming nagbunuan sa sahig. Dehado siya siyempre. Tinuruan yata ako ni Mama Jessie ng mga pangmalakasang tricks lalo na kapag sa ganitong awayan. Mabuti na lang at payat itong si Mikee, madaling patumbahin.
"Wayo!"
My body flinched upon hearing JM's voice. Napatingala ako at napatigil sa pagsasampal kay Mikee. Gulat na gulat si JM nang makita kami. Kaagad niya akong hinila paalis sa pagkapapatong kay Mikee na mas umarte sa pag-iyak. Umikot lang ang mga mata ko.
"Maxence..." pabebeng tawag ng isa kay JM, pero si JM nag-aalalang tinignan ang buo kong katawan.
"What happened? Ayos ka lang ba?" JM asked at sinuri rin ang mukha ko.
Kita ko ang nagdaang inis sa mga mata niya nang makita ang mga kalmot sa mukha ko. Napangiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na ako na ang pinaniniwalaan niya ngayon. I could see it in his eyes. How worried he was for me.
"Ayos lang ako," I assured him sabay tingin sa tao sa likod niya. "Iyang kaibigan mo yata ang hindi."
I saw how quickly JM's facial expression shifted from concern to being serious. Tinago niya ako sa likod niya at direktang hinarap si Mikee na noo'y may paiyak-iyak pa rin. Umirap ako at pinagkrus ang mga braso ko. Tapang-tapang niya kanina, ngayon parang aping-api na siya.
"Maxence..." madamdamin niyang tawag kay JM. "What are you doing? Why are you not going back?"
Rinig ko ang marahas at malakas na pagbuga ng hininga ni JM. Nakakamangha na dati lang, kapag ganiyan si Mikee sa harap niya ay kaagad niya akong iiwan para madaluhan kaagad ito. Ngayon, tila ba ni ayaw niyang makita ito ngayon sa harap niya.
"Mikee, we already talked. Malinaw naman siguro sa iyo ang mga sinabi ko sa iyo noong araw na iyon, hindi ba?" mahinahong ani JM.
Taray, bigyan niyo nga ako ng popcorn diyan. Mukhang sila na ang susunod sa yapak nila Popoy at Basha, eh.
"But how could you go back to him? Siya ang sumira sa iyo, JM! For sure siya ang naglabas ng litrato nating dalawa dahil siya lang naman ang may alam kung anong mayroon sa atin, hindi ba?"
Oh? Talagang naninisi pa rin talaga siya ng walang pruweba, ha?
"Do you think I would really believe you without me knowing things myself? Like how you cooperated with my brother para lang sa mga personal niyong rason?" ani JM na kinagulat ko. "Don't point a finger to others kung apat na daliri ang nakaturo pabalik sa iyo."
Madrama akong napatakip ng bibig ko at hindi makapaniwala na napatingin kay Mikee na noo'y nawalan na yata ng dugo sa mukha. Siya pala ang salarin? Kaloka, lakas niya mambintang, ah!
"T-That's not true! I wouldn't do that to you!" protesta niya pa.
Umiling si JM sa kaniya, tila disappointed.
"But you already did," may hinanakit na ani JM. "Of all people Mikee. You're my bestfriend. I trusted you, but you betrayed me."
Takot na takot na tumingin si Mikee kay JM. Pahiya siya ng bongga. Humakbang siya paatras at matapos akong tapunan ng inis na tingin, tuluyan na siyang tumalikod at tumakbo paalis. Naalarma ako.
"Hahayaan mo lang siyang umalis? May kasalanan siya sa iyo!" taranta kong saad.
Tinignan lang ni JM ang timakbuhan ng kaibigan niya bago siyang ngumiti at humarap sa akin. He ruffled my hair.
"No need. What's done is already done. Isa pa, ayaw ko nang umingay pa ulit. I'll deal with my brother myself."
Hindi na ako kumontra pa. Pero nakaramdam din ako ng inis. Hindi rin yata maganda ang samahan ng pamilya nila.
"Paano mo nalaman na sila ang may kagagawan noon?" tanong ko pagkapasok namin sa silid ko.
Naupo si JM sa sofa ko roon at pumikit. Sinandal niya ang ulo niya sa sandalan at nilagay ang isa niyang braso sa kaniyang noo. Naupo naman ako sa tabi niya.
"When the news broke out, I immediately investigated. Tinawagan ko ang mga kakilala kong magaling sa tracing at kaagad nilang na-track ang source noong pictures." Inalis niya ang braso niya at nagmulat ng mga mata. "Sure, Mikee's involvement shocked me, pero kay kuya hindi na ako gulat."
Napatitig ako sa kaniya. Gusto kong magtanong tungkol sa pamilya niya, pero mas mabuti pa rin iyong handa na siyang sabihin sa akin. Nirerespeto ko ang space niya.
"It will be fine now," ani ko sabay hawak sa kamay niya. "You have me, too."
Nilingon ako ni JM at marahang pinisil ang kamay kong nakahawak sa kaniya. We stared at each other bago bumaba ang paningin niya sa mga labi ko. Halos mahugot ko ang hininga ko as I stared back at his lips. Maya-maya pa ay unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa akin. I closed my eyes as I felt his soft lips crashed to mine. Like a light feather and was sweet like a candy. Isang mabilis lang iyon, pero halos habulin ko ang hininga ko.
"Let's go back to the island, Wayo."
BINABASA MO ANG
🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔
General FictionVizcara Series 1: Juancho & Wayo [COMPLETED] "No matter how you break free, no use, it's where the tides reside." **** He's wild. He loves adventures. He can't be tamed. He can't be dominated. He's fo...