KABANATA 15

766 47 8
                                    

Kabanata 15

Tawanan kaagad nila Tenten at Teyang ang sumalubong sa akin pagkauwi ko sa Vizcara. Mga inggrata na 'to, masama na masama na nga ang loob ko. Pasalamat sila at wala ako sa mood umokray ngayon at lagot talaga sila sa akin.

"Manahimik na kayo, ah?" inis kong banta.

"Paano ba naman, teh! Ang yabang mo pag-alis, pag-uwi mo loner ka na," ani Teyang sabay tawa ulit.

"Oh ano? Ang bilis ng karma, ano?"

I rolled my eyes at them bago pasalampak na naupo sa bar counter ng bar. Humingi kaagad ako kay Teyang ng inumin at na-stress ang pantog ko sa mga nangyari.

"Hindi naman mangyayari na maiwan akong mag-isa kung walang umeksena, eh," inis kong pagsusumbong.

"Ay taray, heto ba ang sinasabi mo na nagpabaliko sa diretsong daan ni fafa JM?" tanong ni Tenten.

Lumagok muna ako mula sa canned beer na inabot sa akin ni Teyang. I let the bitter drink invade my throat. Iba talaga kapag may tagay. Mas malakas ang tama, mas malakas ang wala ng sama ng loob.

Sumandal ako sa aking kinauupuan at tiningala ang mga nagsasayawang ilaw sa bar.

"Oo, siya nga. Ang pinagpalang merlat."

Naisip ko ang isang eksena na umiiyak iyong si Mikee habang ginagawa ni JM ang lahat para patahanin siya. He would kiss his forehead because I know how gentle he is. He would whisper Mikee sweet words to make him calm because I know how good he is with that. Alam ko, JM could sweep him off his feet. Bulag na talaga ang Mikee na iyon kung hindi siya mahuhulog sa ganoong lalaki.

"So paano iyan, teh? Finish na ang fake relationship niyo? Sayang, hindi mo manlang natikman si fafa JM."

Napabuntong-hininga na lamang ako sa sinabi ni Teyang. Sana pala habang papunta pa lang kami ng kabilang isla, ginapang ko na si JM habang natutulog siya. Pero keme lang. Baka hindi na ako nakaabot ng isla kung ginawa ko iyon at baka pinatapon na lang niya ako sa West Philippine Sea para matakot ang mga feeling owner na mga tsintsong doon.

Pero oo nga pala, nag-kiss na kami. Hindi na rin masama iyon.

"Nadapa ka na ba?" Boses iyon ni Mama na nagpaahon sa akin mula sa pagkauupo.

"Ma..."

Umupo siya sa tabi ko at humingi rin kay Teyang ng isang canned beer. As usual, kapag ganitong papalubog na ang gabi at magbubukas na maya-maya ang Vizcara para sa mga bekiwaps naming mga frenny, winner na winner na ang mga awra ni Mama Jessie. Hindi siya naging Queen of all Drag Queen dito sa Isla Montalban at ng Vizcara kung hindi siya super pak na pak. Kahit nga mga maton minsan ay naghahabol sa kaniya. Ganoon siya kaganda.

"Sinabihan na kita, Wayo. That's the kind of man with a caliber na imposible sa mga kagaya natin. Kung magmamahal man siya ng kauri natin, mataas din ang kalibre. Sa malamang, ang napupusuan no'n ay ganoon." Mama carefully bumped his can of beer to mine. "Kinailangan ka lang, pero hindi ikaw ang mamahalin."

Napahigpit ang hawak ko sa canned beer na aking hawak. I already knew from the start that tying myself up with a man like JM is already dangerous, but a part of me really wanted to help him. I saw myself in him. Pero... wala sa plano ko ang mahulog sa kaniya ng ganito. Sa huli, ako na naman ang talo. Malas nga talaga siguro ako pagdating sa pag-ibig.

"Ay naku, te! Kaysa magmukmok ka riyan, magbihis ka na lang at ipakita sa buong mundo ang gandang taglay mo. Ikaw ang number one stripper ng Vizcara, hindi ba? Kaya huwag kang papakabog!"

Itinawa ko na lamang ang sakit sa aking dibdib at muling nilunod ang aking sarili sa entablado kung saan ay sa akin ang lahat ng spotlight. Sa akin lahat ng atensiyon at pangalan ko lang ang pinagsisigawan ng lahat. Yes, this is indeed the best feeling. Lalo na kapag nasa pinakatuktok ako ng pole at nakikita ko ang mga mata nilang gustong-gusto ako. I feel so high.

I'll get over it, just like what happened to Richard.

Pinunasan ko ang aking mga pawis pagkatapos ng isang gabi ng pag-aawra. May mga bagong salta na naman kanina sa bar. May ibang porenjer pa na in-offeran ako ng drinks. Malas lang nila, wala sa kontrata ko ang maikama. As if papayag naman ako. Para lang sa taong mamahalin ko at mamahalin ako pabalik ang bawat ungol ko, noh.

Nakita kong may mensahe sa aking cellphone at nakita na galing iyon kay JM! Shocks, nag-text ang bebe ko. Bebetlog.

Bebetlog JM: I'll be back tomorrow. Maayos ka naman bang nakabalik ng Isla Montalban?

Napangiti ako sa simpleng pangangamusta niya na iyon. Atleast naman concern si bebe ko kahit papaano.

Magandang Wayo: Mas magiging maayos kung ililibre mo ako bukas para matanggal sama ng loob ko.

Medyo matagal siyang naka-reply roon kaya babawiin ko na sana dahil nahiya ako bigla, kaso dumating naman ang sagot niya.

Bebetlog JM: Okay, then. I'll treat you anything you want.

OMG, nauto ko na naman siya. Ang galing mo talaga, Wayo. May libreng meals ka na naman bukas.

Kaya the next day, maaga talaga akong nagising at naligo para prepared agad. Nagwalis-walis muna ako sa loob ng bar habang naghihintay ng text ni JM.

"Bakla!"

Muntik ko nang maitapon ang walis ko kay Teyang na nagpupunas ng mga lamesa namin dahil sa sigaw ng namalengkeng si Tenten sa bukana ng bar. Hipokrita! Makasigaw parang may sunog!

"Ano ka ba bakla! Malalaglagan ako sa'yo na buwisit ka!" sigaw ni Teyang pabalik.

"Merlat ka, teh?" okray ko.

"Masama bang mangarap?" Inikutan niya ako ng mga mata kaya natawa ako. "Ano ba sinisigaw mo riyan?"

"Heto nga! Nakita ko ang fake boyriend netong si Wayo, nakabalik na yata kaso —"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Tenten at hinawi sila ni Teyang sa daraanan ko. Mabilis akong tumakbo palabas at muntik pang madapa dahil sa mataas kong flip flops. Awra rin ang suot ko ngayong spaghetti top at maong pekpek shorts ko na nagpakita sa aking mahahaba at makikinis na biyas. Taob mga merlat na turista rito sa akin. Pak!

Dahil hindi ako makatakbo ng maayos, hinubad ko na lamang ang flipflops ko at tumakbo patungo sa hotel kung saan alam ko ay naka-check-in si JM. Nang makarating, kaagad ko siyang nakita dahil siya lang naman ang pinakagwapong makikita sa labas ng hotel kung saan may kainan. Iyon lang, ang kanina kong tuwa ay kaagad na napalis.

Nakita kong hinila ni JM ang upuang katapat ng sa kaniya at nakangiting inalalayan paupo ang taong kasama. Pagak akong nangiti. Very good siya roon dahil na-apply niya ang nga naturo ko. Isa pa, nanliit din ako bigla nang makita ang mukha ng taong mahal niya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin ni Mama.

"Sinabihan na kita, Wayo. That's the kind of man with a caliber na imposible sa mga kagaya natin. Kung magmamahal man siya ng kauri natin, mataas din ang kalibre. Sa malamang, ang napupusuan no'n ay ganoon."

"Tama ka nga yata, Ma. Natatanaw ko nga sila ngayon at sobrang bagay nila." Naramdaman ko ang panunubig ng aking mga mata at paninikip ng aking dibdib. "Ang sakit naman, shuta."

Kaagad akong tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik ng nakayapak.

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon