KABANATA 1

1.2K 62 7
                                    

Kabanata 1

Toy cars. Fake guns. Robots.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga kalaro ko kung bakit gustong-gusto nila ang mga laruan na iyon. They said it was fun, pero bakit hindi ko maramdaman? Napaka-boring ng mga iyon para sa akin.

If you ask me what is fun, well...

I looked at girls my age carrying those all pink, beautiful, princess dolls. Kumikislap kaagad ang mga mata ko sa magagarbong kasuotan ng mga laruan na iyon. Those girls doesn't know fashion at all! Kung ako iyon, I'll make it wear pink top, white skirt, and baby pink flat shoes. The hair is on pony with glittering pins at both sides.

"Guns are for boys while dolls are for girls," my pre-school teacher said.

Umiyak ang batang babae na kaklase ko matapos kong agawin ang laruan niyang barbie. Tinuruan ko lang naman siya sa kasuotan, is thad bad? Bakit ganiyan sila makatingin sa akin? Is that weird? Bakit kapag silang babae naglaro ng toy cars namin, parang okay lang? Bakit kapag kami nakahawak lang ng dolls, tinititigan na ng kakaiba?

Why?

Noong tumuntong ako sa elementarya, medyo naintindihan ko na. People make a big deal when it comes to sexuality. Kapag astig ka kahit sa pagporma, kapag mahilig ka sa mga action at baril-barilan, kapag marami kang type na babae, kapag nanonood kang porn, lalaki ka. Pero kapag mahinhin ka, malinisin sa katawan, nagsusuot ng pink, nagpapaiyak ng babae o nagbabarkada ng babae, sensitibo sa mga usaping malaswa, tiyak tatawagin kang bakla.

Hindi ko talaga makuha ang kaisipan na ganoon ng mga tao. Gano'n ba talaga iyon?

Nang tumuntong ako ng highschool, namulat ang mga mata ko na tama nga siguro sila. Sila na hindi ko maintindihan noon ay tila nakukuha ko na. The way I love pink, the way I  am conscious with my body like girls do, why I love hanging out with girls and look at boys differently... nakuha ko na.

Believe me, I hated myself when everything dawned to me. Kasalanan iyon. Tinatak ko iyon sa aking utak dahil iyon ang sinasabi nila. Kasalanan ang magkagusto sa kaparehong kasarian. Kasalanan ang gustuhing maging babae ka kahit lalaki ka o maging lalaki ka kahit babae ka.

Doon ako nagsimulang magtago. Ang itago ang tunay na ako. I need to wear a mask. A mask to protect myself from harm. From the society's eyes and to my family's disappointent. I was so afraid that time. I was a closet gay when I was in highschool.

But the more I hide myself, mas lalong bumibigat. Mas lalong nais kumawala. Anong magagawa ko? Ganito ako. My heart doesn't beat for girls nor for guns. My heart beats for boys and for beautiful barbie dolls. Ano ba ang  masama roon? Ano ba ang masama sa pagtanggap sa aking sarili? Na mahalin ang tunay kong pagkatao? Na magmahal ng tunay kahit pa sa kaparehong kasarian?

Are they really right? Are we really wrong for being like this? Why? Dahil si Adan at Eba ang para sa isa't-isa? Dahil gumawa ang Diyos ng lalaki at babae at iyon ang tama? Ibig sabihin ba mali ang puso na nakalagay rito sa dibdib ko? Hindi ba kami tao na ginawa ng Diyos? Ano ba ang mali? Ang Diyos o ang paniniwala ng mga tao?

Pero nang mangyari sa akin ang bagay na iyon, hindi ko maiwasang isipin na mali nga siguro ang Diyos para gumawa pa ng pusong tumitibok. Ang sinasabi nilang tamang paniniwala sa salita ng Diyos na kami ay makasalanan, pero nangangaliwa sa kanilang mga asawa, kasama ba iyon sa pinaglalaban nilang tama? Bakit kami lang? Bakit ang mga kagaya ko lang?

College nang hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nasunod ang aking puso, napaso, nabigo, niloko, tinalikuran hindi lamang ng lalaking minahal ko, kundi pati ng buong mundo.

Hindi ko akalain na sa isang iglap babaliktad ang lahat. Kumalat sa aming paaralan ang eskandalo na ako at ang kalaguyo kong lalaki ay naghahalikan. Hindi ko alam na may nakakita pala sa amin ng araw na iyon, kinuhaan kami ng mga litrato at kumalat sa mga GC. Naisip ko pa nga that maybe, I was really framed.

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon