Kabanata 37
"Wow, you really moved fast, bro," ani ni bebe manager at nakangiti akong tinignan bago si JM sa tabi ko.
Nasa office niya kami ngayon, umaga pa lang. Napagdesisyunan namin ni JM na bumalik ngayon sa Isla Montalban. Pero bago iyon, pagkatapos nang pagpapaalam ko sa hospital kahapon ay nagpadala pa rin ako ng mensahe kanina kay kuya na aalis na ako. Mommy's bills was also settled at aniya ay hindi siya magkukulang na ipaalam sa akin ang kalagayan niya. At ngayon nga, sa trabaho naman ako magpapaalam. Bagama't halos mag-iisang buwan pa lamang ako rito ay napalapit na rin sa akin ang mga katrabaho ko kaya medyo malungkot din ako.
"Salamat po talaga sa pagtanggap niyo sa akin dito, sir. At sa lahat din po ng naitulong niyo sa akin sa maikling panahon," pormal kong sabi sa harap ng aming manager.
Umiling siya habang nakangiti pa rin. Tumingin siya sa magkahawak-kamay namin ni JM at hindi ko maiwasang mahiya ng bahagya. Enebe, PDA na PDA kami sa umaga. Sagad.
"Nah, thank you also for your service, Warren. Pero sigurado ka na ba sa desisyon mo na ito?"
Tumango ako. "Opo, sir. May mga bagay lang talagang nangyari, pero tahanan ko pa rin ang isla."
"No, I mean, sigurado ka na ba sa desisyon mong sumama rito kay Juancho?"
Natawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon kaya natawa rin ako. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni JM sa akin at nang lingunin siya'y nabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa talim ng tingin niya. Eh, sa nagbiro si bebe manager, eh. Kawawa naman siya kung alone siya sa pagtawa, sinabayan ko lang naman.
"Stop, that," suway ni JM sa manager namin.
"Just kidding, bro!"
Nauna akong lumabas doon dahil may pag-uusapan pa raw sila sir at JM. Dahil hindi naman ako Marites, kaagad akong lumabas. Hindi ko lang akalain na sa paglabas ko, ang tunay na mga Marites ang nakaabang sa akin. Siyempre, nangunguna ang merlat na si Maribel.
"Bakla..." maluha-luha niyang tawag sa akin. "Ang sama-sama mo."
Napahawak ako sa dibdib ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Ay, ano namang ginawa ko?"
"Ikaw!" Lumapit pa ang merlat sa akin at dinuro-duro ako. "Totoo ngang aalis ka na!"
Natawa naman ako nang mag-sink-in sa akin. Nagpamewang ako at dinuro rin siya sa noo. Mas madrama pa 'to kila Teyang at Tenten. OA, ha?
"Tigil-tigilan mo nga ako riyan sa drama mo. Hindi ka mukhang artista, te. Hindi ka tatanggapin do'n."
Sinamaan niya ako ng tingin sabay punas sa mga luha niya kuno.
"Grabe ka naman."
Natawa ako. Pagkatapos niya'y nagsilapitan na rin ang iba sa akin. Nagdramahan, nagtawanan, nagpaalaman, hanggang sa lumabas na rin si JM para sunduin ako. Laglag nga ang panga nila nang makita ang fafa ko. Oh, patabihin niyo na si Beatrice, akin na ang korona. Char.
"Ready?" tanong ni JM noong nasa sasakiyan na kami pabalik ng Isla Montalban.
Mariin kong hinawakan pabalik ang kamay niya. Wala na akong pakialam sa driver niya at isang bodyguard sa harap kung mag-PDA man kami rito. Ngumiti ako ng matamis kay JM sabay tango.
"Ready."
JM kissed my forehead and I instantly savior the feeling. Bukod sa surpesa kila Mama Jessie sa pag-uwi ko, balak ko ring surpresahin si JM doon. I'll make us official doon mismo sa isla. I wanted the island to witness again another yet beautiful moment of my life. Sa lugar kung saan una rin kaming nagkakilala.
"How's Mikee?" tanong ko habang nakaunan na ang ulo ko sa balikat ni JM.
I heard him sigh. Alam kong hindi maganda ang huli naming pagkikita ng isang iyon at pareho kaming may sama ng loob sa isa't isa, pero hindi ko ring maiwasang mag-alala. Hindi naman ako ganoong kasama, ano.
"Well... after that scene with you two fighting, Mikee texted me actually. He said he was really hurt and he also said sorry for realizing his feelings for me too late already. Nag-sorry din siya sa ginawa niya sa akin kasama si kuya as he was just jealous of you dahil nahahalata na niyang gusto kita," mahaba niyang paliwanag. "He decided to go back to US dahil naroon din ang passion niya."
Humaba ang nguso ko at kumunot ang noo.
"Hindi manlang siya nag-sorry sa akin?" masama ang loob kong ani.
I heard JM chuckle.
"Well about that... Mikee's pride is still there so ako na mag-so-sorry in his behalf."
"Maduga! Hindi rin ako magso-sorry sa sabunot ko sa kaniya kung gano'n!"
Sabay kaming natawa ni JM.
The familiar road leading to the place I love was now field with joyous atmosphere. Ilang beses na akong nagpunta at umalis sa daan na ito, pero puro sakit at sama ng loob lang ang laman ng dibdib ko. Pero ngayon, I could say I am finally free, happy, and contented.
"JM," I whispered lovingly.
"Hm?"
"I love you."
I felt him stiffened at ang kamay na nakahawak din sa akin ay bahagyang nanginig. Tiningala ko siya and I saw how loving those eyes staring back at me, I almost teared-up. He kissed my forehead, my nose, and then my lips. My heart pounding so hard.
"I love you," halos pabulong niya ring ani pabalik sa akin.
I contently smiled.
Papalubog na ang araw nang makaapak kami sa isla. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko noon. Saya at kaba ang nadarama ko. Umalis ako ritong mag-isa, pero bumalik akong kasama ang taong mahal ko. Wala na akong mahihiling pa.
Mama Jessie, Tenten, and Teyang's reaction upon seeing me at Vizcara again was so priceless. Halos dumugin nila ako ng yakap at mga katanungan. Ngunit nang makita nila si JM sa tabi ko at ang magkahawak naming mga kamay, halos mangisay sa kasisigaw ang dalawang bakla. Si Mama Jessie nama'y ngumiti lang ng makahulugan sa amin. Alam kong marami siyang nais sabihin at itanong, ngunit hinayaan muna nila kami ni JM na makapagpahinga. Ayaw na kasi nitong magiging jowa ko na sa Vizcara ako matulog, doon na raw sa hotel kasama niya. Balak na yata akong itali mga bakla.
"Juancho Maxence," I called his full name habang naglalakad na kami sa may dalampasigan papuntang hotel.
The sun was setting and I thought that moment was perfect.
JM laughed. "Yes, Warren Yoriel?"
"Are you really sure with me now?"
JM stared at me. He cupped my cheeks as I saw that familiar loving stares again.
"Never been this sure."
"Then, I want you, too. Let's be official."
When he heard that, JM's eyes glowed brightly. Kitang-kita ko ang galak sa expresiyon niya. Mabilis siyang yumuko at hinalikan ako sa mga labi. I was shocked! Pero nang makabawi, humalik din ako pabalik.
With the calm waves and the setting sun as our witness, we started our lovestory right there.
BINABASA MO ANG
🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔
General FictionVizcara Series 1: Juancho & Wayo [COMPLETED] "No matter how you break free, no use, it's where the tides reside." **** He's wild. He loves adventures. He can't be tamed. He can't be dominated. He's fo...