Kabanata 2
Tagaktak ang aking pawis nang matapos sa ginawa. Hindi na ako nagulat na bukod sa papuri ay umulan din ng pera sa itaas ng entablado. My eyes wondered at the crowd for a moment before I made my final walk, taking those penny in my hands.
"Bakit ba kasi ayaw mong isama sa trabaho mo ang magpagamit, Wayo? Tiyak na mabenta ka," one of our regulars said.
Naningkit ang mga mata ko sa matabang matanda. Mabigote siya at nagkikinangan ang mga gold na singsing sa daliri. Naalala kong may-ari siya ng isang casino. May lahing intsik.
"Wala sa kontrata, boss," nakangisi kong tugon.
"Kung bibilhin ba ang kontrata mo, pwede na?"
Aba, gahaman ka taba! Kahit bilhin mo pa ang buong pagkatao ko, hindi ako pabebenta sa'yo. Jusko, hindi pumapatol ang ganda ko kay Majinbu.
Lumapit ako sa kaniya sapagkat siya ang naka-upo sa harap ng stage. Ang hawak na mga pera ay ekspertong sinukbit sa bawat gilid ng aking cycling short. One touch on his chin, nanindig na ang mga balahibo niya. Hindi tinatago ang tunay na kulay, ah?
Kulay manyak.
"Your offer is good, but sorry, I am not for sale," malandi kong sabi.
Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa tungki ng kaniyang ilong. Mukha namang nakuntento na siya roon. Sumipol ang mga nasa paligid at muling umugong ang hiyawan. Ngumuso ako at muling nilibot ang paningin sa paligid. Nang makuntento ay kumaway na ako sa kanila dahil tapos na ang aking palabas.
Tiba-tiba na naman, ayos.
"Iba talaga ang ganda, bakla. Umakyat baba lang sa pole, instant yaman na," si Tenten.
Tencio Batumbakal. Isa sa mga kasamahan ko sa Vizcara pero hindi kagaya ko, ang baklang ito ay waiter naman dito. Mas bet niya raw ang ganoon para makalandi ng todo sa mga costumers.
"Sus, mukhang tiba-tiba ka rin sa mga tip ngayong gabi. Dami nating costumers ngayon."
"Ay, korekong. Inggit-inggitan ang baklang Tenten, eh ako nga rito puti lang ang mga mata. Weak na ang landi, weak pa ang benta," sabi naman ni Teyang.
Siya si Theofilo Dela Vega. Siya ang bartender ng Vizcara. Alam ko ay bestfriend silang tatlo ni Mama Jessie na owner nitong Vizcara. Pagkatapos makapagtapos sa kolehiyo ay pinagtulungan nilang patayuin itong bar. Hindi ko alam ang mga kwento ng mga buhay nila, pero alam ko na pare-pareho naming naging tahanan ang Vizcara. Para sa aming mga bakla.
Si Mama Jessie ang drag queen na nagpatuloy sa akin dito. Jenzen Fontanilla, ang owner ng Vizcara. Mahal na mahal ko siya dahil siya ang nagmistulang ina para sa akin. Kinupkop niya ako ng walang pag-alinlangan kahit hindi pa niya ako lubusang kilala.
Dalawang taon na ang lumipas mula noon.
Naisip ko ba ang pamilya ko sa loob ng dalawang taon na iyon? Hindi. Mas naging masaya ako sa buhay kahit wala na sila. It feels like leaving my own family gave me the freedom I always wanted. Kahit kadugo ko sila.
"Yosi muna ako mga bakla," paalam ko sa dalawa na nag-sa-sight na naman sa mga bisita.
Bago ako lumabas ay nilingon ko muna ang isang partikular na pwesto na kanina ko pa tinitignan mula sa entablado. Nang makita na wala ay lumabas na ako.
Umupo ako sa nara na upuan sa labas ng bar. Mula rito ay tanaw ang tahimik na karagatan. Ang nagpapaingay at nagpaliliwanag lamang noon sa gabi ay ang mga fire dancers malapit doon at ang mga taong nanunuod sa kanila. Sa malayong dako ay ang mga hotel at ang mga tiyangge. Sa dulo ng Isla ay ang Vizcara.
BINABASA MO ANG
🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔
General FictionVizcara Series 1: Juancho & Wayo [COMPLETED] "No matter how you break free, no use, it's where the tides reside." **** He's wild. He loves adventures. He can't be tamed. He can't be dominated. He's fo...