Kabanata 12
I was in awe. I am beyond amazed. No, this is out of this world. My family's not that poor, but being on a expensive yacht like this is a first time for me. This is really exciting! I am looking forward.
Nakangisi akong kumaway kila Mama na nagising noong nagpaalam ako. JM adviced me to take clothes good for 2 days and 1 night. Mama was really against this but I am very thrilled with the idea. Nag-leave muna ako sa trabaho. A break is good, too, sometimes.
"Ano 'to, ha? Bawi mo ba sa akin?" nanunukso kong sabi kay JM sabay sundot sa kaniyang tagiliran niya.
Sumunod ako sa kaniya nang maglakad siya patungo sa gitna ng yacht kung saan may dalawang folding chairs at may mga payong para hindi maarawan. Sa gitna ay may lamesa na may nakalagay nang mga juice.
Umupo siya sa isa sa mga upuan and I did the same.
"I just wanted to enjoy my off, Wayo. Take this as a reward from me," he said running a hand to his smooth hair.
This is not a first time for me seeing JM on a not so formal get up but I'm still starstrucked. I won't say it to him, but this look of him is my personal favorite. This look gave him an aura of a man who can seduce any girl he set an eyes on. Kapag naka-business attire kasi siya, sobrang intimidating na magdadalawang-isip ka pang lapitan.
Kinuha ko ang isa sa mga orang juice at sumimsim doon. Napapikit ako nang malasahan ang sarap noon. It's so fresh!
"You're saying that as if our 'thing' is about to end soon. Ang aga naman yata ng reward mo, babe." I emphasized the last word sabay ngisi.
Napailing siya sa sinabi ko, pero imbes na sagutin ay iniba niya ang usapan. To be honest, I was bothered for a second but I brushed it off. Might as well enjoy and endulged myself with his reward. I wonder what might happen to us during this trip.
Ano ba ang dapat mangyari, Wayo? Kaloka, umasa ka.
"Are you hungry?" tanong niya, nililihis ang usapan mula sa sinabi ko.
Nakita ko siyang may pinindot sa parang intercom at nagsabi ng mga uri ng sa tingin ko'y mamahalin na pagkain doon. I gazed outside, admiring the vast sea and wide sky. This is a good breathing. Wala talagang mas gaganda sa pagre-relax kapag nasa isang paraiso ka.
"Is this one of your fantasy getaway with Mikee?" wala sa sarili kong tanong pagkatapos ibalik ang paningin ko sa kaniya.
Katatapos lang niyang magbigay ng order ng pagkain sa tauhan niya rito. He sipped on his juice before dreamily stared at the blue sky. I saw reflection of a faraway dream he's wanting to have reflected on his eyes.
"It's always been..." he murmured.
Napakagat ako sa ibaba ng aking labi. Pang of jealousy crept on my heart as I thought how lucky Mikee is for the nth time. For sure hindi lang ito. I am hundred percent sure JM already built a lot of plans for Mikee on his mind. Walang imposible sa lalaki na ito. Napararanas nga niya sa akin, sa tao pa kayang mahal niya.
I want to remind myself na masakal manlang ang Mikee na iyon kapag nakita ko na. Ang swerte ng kigwa! Bwiset!
"I think you've already experienced dates like this before," he gently asked with a genuine smile plastered on his lips.
Experience? Bukod sa palaging pakikipagniig kay Richard at pagbubulagbulagan sa pang-uuto niya sa akin dahil naging tanga ako sa pagmamahal ko sa kaniya, mabibilang ba iyon as experience? Yeah, right. Mas naiinis lang lalo ako.
Straight kong ininom ang juice ko na para iyong beer sabay pahid ng labi ko gamit ang likod ng aking palad. Natawa ako sa aking sarili. JM thought I must be crazy. Well, nakababaliw nga naman ang mga nangyari sa buhay ko noon.
Kailan ba darating na may magmamahal sa akin ng totoo? Iyong tanggap ako? Iyong kagaya ni JM?
Napatitig ako ng matagal sa mga mata niya.
"You might find this funny, but... you've given me a lot of better experiences even it was all fake. Lahat ng tinuro ko sa iyo... those are some of my ideals," nahihiya kong sagot sa kaniya at pilit na ngumiti.
Matagal siyang napatitig sa akin. There's no emotion on his face but there's a lof of questions on his eyes. Kung hindi lamang dumating ang mga pagkain namin ay mukhang may nais pa sana siyang sabihin.
Nagising ako kahapunan nang maramdaman kong tumigil ang yate. Lumabas ako sa kwarto na tinuro ni JM para raw sa akin bago siya hinanap. He's nowhere to be found. Umakyat ako sa hagdan para makalabas papuntang deck ng yate. Hapon na pala at mukhang papalubog na ang araw.
"JM?" tawag ko sa pangalan niya habang kinukusot ang aking mga mata.
Nasaan kaya 'yun? Oh no, hindi kaya inatake kami ng mga pirata habang natutulog ako at tinangay nila si JM? Pupugutan siya ng ulo at ilang taon bago mahanap ang katawan niya? Jusko, paano na —
"Wayo?"
Narinig ko ang boses niya sa likuran ko kung kaya mabilis akong napabaling. Mula sa pag-alala ay muntik na akong mapaatras. Maarte akong napahawak sa ulo ko dahil bigla yata akong nahilo.
Purjosporsanto! Naka-boxers lang siya mga bakla. Basang-basa at... ang yummy. Pwede papisil ng mga masels at palamas ng... Dakota Johnson? My eyes have been blessed. Buti na lang sumama ako rito. Kaunti na lang Mikee, lalapain ko na 'tong bessywap mo! Patawarin nawa ako.
"N-Naligo ka?" pabebe kong tanong kahit obvious naman ang sagot.
"Yeah, the water's not that warm nor not that cold. It's good. Want to have a dip, too?" anyaya niya.
Dip? Sa'yo? Chour.
"Sure. Mainam at hindi na mainit. Gusto ko rin kumustahin ang mga kaibigan ko sa bikini bottom," biro ko na hindi niya yata narinig.
"Ano?"
"Wala. Sabi ko, maliligo rin ako."
Hinubad ko ang damit ko at hinayaan ang aking cotton shorts. Ayaw kong mag-boxer, baka bigla niyang makita ang sumasaludo kong batuta at mapalo siya. Pero siyempre, keme lang. Baka mamaya matakot siya at iwan ako bigla sa gitna ng dagat. Mawawalan ng napakagandang stripper ang Vizcara kapag nagkataon.
"Come," sabi niya habang inaangat ang isa niyang kamay para alalayan ako pababa.
Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan ng yate. Nauna siya sa tubig habang ako ay kasunod. Nang maramdaman ko ang tubig ay kaagad na lumabas ang aking buntot.
Joke.
Bahagya akong nadulas at mabilis niya naman akong nasalo. Ang mamasel niyang braso ay napayakap sa aking bewang at nahigit ko ang aking hininga sa lapit namin. I got a chance to stare at this man's handsome face up close. He stared back at me bago tumaas ang sulok ng kaniyang labi.
"Don't worry, I got you."
I'm really doomed. This is so not good for my heart!
BINABASA MO ANG
🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔
Ficción GeneralVizcara Series 1: Juancho & Wayo [COMPLETED] "No matter how you break free, no use, it's where the tides reside." **** He's wild. He loves adventures. He can't be tamed. He can't be dominated. He's fo...