Kabanata 4

7 3 0
                                    

Halos masamid ako sa sinabing iyon ni Nikolo. Uminom naman agad ako ng juice sa aking baso. At rinig na rinig ko rin ang munting halakhak ni yaya na nasa aking tabi.

"See honey, they are all agreed that our daughter is really pretty," si mommy na akala mo'y nakikipag-talo sa kung kanino.

"Mom, we don't need the assurance or the opinion of the other people about our looks. Being yourself is the real beauty," natahimik naman silang lahat. "Busog na po ako. Magpapalit na po ako ng damit sa kwarto. Excuse me po," tumayo naman ako at dumiretso na palabas ng kusina.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad akong humarap sa malaking salamin sa aking table. Halos mapamura ako dahil sa pula ng aking mukha.

Kinuha ko naman agad ang aking cellphone sa bag upang magtipa ng mensahe kay Anj. For sure hindi na naman magkakanda ugaga iyon sa pagpunta rito, lalo pa't sabado na bukas.

Ako:
Nag dinner sa amin si Nikolo

Matapos kong magtipa ng mensahe ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Ganito pala yung feeling ng nagsasabon ng katawan nang nakangiti, para palang tanga lang.

Nag-bihis na ako ng pajama at sando matapos kong mag half bath. Umilaw naman ang aking cellphone, may nag text.

Binasa ko iyon habang nag-aayos ng buhok. Bababa kasi ako mamaya, kunwari iinom ng water. Baka kasi hindi pa nakakauwi si Nikolo.

Anj:
Tara samgyup bukas? Sa may school lang! Daanan kita riyan, libre kona rin kaya wag kana mag-inarte, ako na mag-eeffort oh!

See. Sabi ko na't hindi na naman mapipirme ang makating iyon. Pumayag rin naman ako, sayang ang libre atsaka once in a blue moon lamang mangyaring gagasta ang babaeng iyon, kaya papatulan kona!

Matapos kong mag-ayos ng aking sarili ay bumaba na ako upang uminon ng tubig... Ay hindi pala, para pala tignan kung naroon pa sila Nikolo.

Pagbaba ko ng hagdan ay si yaya na lamang ang naroon, nag-aayos ng mga pinagkainan.

"Ya, sina mommy?"

Sumulyap naman si yaya sa akin. "Dumiretso na sa duty, pati ang daddy mo'y papunta na rin sa kanyang trabaho at may kakausapin raw,"

Tumango ako ng mabagal. "Eh sina Nikolo, Ya?

Tinignan naman ako ni yaya nang nang-aasar na ngiti kaya napairap ako. "Masama po bang magtanong madam Biring?"

"Ikaw talagang bata ka oo. Ayaw mo pala sa mga kaedad mo dahil ang nais mo'y nasa kolehiyo," humalakhak pa ng mahina si yaya.

I pouted. "Yaya naman! Maka-akyat na nga. Ay siya nga pala ya, lalabas kami ni Anj bukas, sasakyan po nila ang gamit. No need to worry na. Mag-iingat po ako," ngumiti ako for the assurance.

"Oh sige pumaitaas kana nang hindi ka tanghaliin bukas," matapos sabihin ni yaya iyon ay umakyat na ako sa aking kwarto.

Kinaumagahan ay alas nuebe na ako nagising. Taranta naman ako papuntang banyo dahil panigurado'y tatalakan na naman ako ni Anj kapagka tinagalan kopa ng masyado.

Agad naman akong nag-ayos ng aking mukha matapos maligo. I'm wearing a highwaist blue jeans partnered with white sleeveless croptop. Nagsuot lang din ako ng white shoes para simple lang. Hinayaan ko namang nakalugay muna ang aking buhok dahil basa pa.

Dali-dali naman akong bumaba dahil sure akong narito na si Anj, at hindi nga ako nagkamali.

Sinalubong niya ako sa hagdan. "Narito na pala ang ating prinsesa Lylanie, yaya Biring," pang-aasar niyang sabi. "Akala ko'y naka wedding gown kana sis, naghihintay na kasi yung groom sa garden," narinig ko naman ang mumunting tawa ni yaya na nag-aayos ng mga tinapay.

"Kayo talagang mga dalaginding kayo,oo. Halina't mag-almusal muna. Pinaghanda ko rin ng almusal ang mga nagtatabas sa garden, dadalhin ko lamang ito sa labas,"

"Kami na ya!" Excited na wika ni Anj. Sayang naman kung hindi masisilayan ng gwapong-gwapo ninyong mga hardinero ang ating prinsesa,"

"Oh siya sige at magtitimpla lamang akong juice para sa kanila," si yaya.

"Diretso na po kami ya, sa labas nalang po kami magbebreakfast," tumango naman si yaya.

Dumiretso kami sa bakuran. Hindi naman maputik, maalikabok lamang kaya nag-iingat pa rin akong madumihan dahil nga naka puti ako.

"Nakikita mo ba ang mala Adonis na nakikita ko sis?!" Si Anj sabay nguso sa aming unahan.

Sa hindi gaanong malayo ay kitang-kita ko ang naka topless na si Nikolo. Nag-lalagay siya ng mga damo sa garbage bag kung kaya't flex na flex ang kaniyang morenong katawan at biceps!

"Hintayin kita rito friend, ikaw ang lumapit. Baka kasi makalimutan kong gusto mo si Nikolo, rawr!" Binigay ni Anj sa akin ang lalagyan na may lamang tinapay at tinulak ako ng mahina.

Dahan-dahan naman akong lumakad pero napansin yata ako kaya nag-angat ng tingin sa aking banda si Nikolo. Ang init naman rito omg, charot.

"Hi, good morning... Uh breakfast?" Sabay alok ko nitong hawak kong tinapay

"Morning," baritono niyang sabi. "Pakilagay nalang dyan, tapusin ko lang to," sinunod ko naman agad siya at inilagay sa lamesa ang pagkain.

"Uh... wait nyo nalang yung juice... Uh si Sean nga pala nasaan?"

Kita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo bago humarap sa akin. "Bakit mo hinahanap?" Masungit niyang tanong

Nagulat naman ako dahil sa tanong niyang iyon. Ano namang masama roon? Nagtatanong lang naman ako.

"Nothing, I'm just... asking."

"Hmm.." tumango-tango pa siya. "Saan ang punta mo? Maaga ka yata?" Nagpagpag pa siya ng kamay at hinrap ako ng husto.

Ano naman ngayon kung maaga ako.

"Nag-aya si Anj kumain sa labas," tumango naman ito at nakatingin pa sa akin.

Nakita ko naman ang pag-igting ng kanyang panga matapos akong pasadahan ng tingin. Nakakapang-lambot naman ito!

"Lalabas ka ng ganyan ang suot mo?" Tanong niya ngunit ang mata'y nanlilisik pa rin.

"Ha? Bakit ayaw moba ng ganitong suot ng babae kapag lumalabas? Atsaka hindi naman kita gaano ang balat rito ah. Ikaw nga nakaharap ka sa babae ngayon ng naka topless... uh ano hindi naman ako... nagreklamo," pahina na ng pahina ang aking boses.

He chuckled while his eyes are still looking at me.  Tama naman diba ang sinabi ko?

"I didn't say anything bad about how you dress," sambit niya. "Nagtanong lang ako dahil ang sabi mo'y kakain kayo. Eh nakasuot ka ng puti, baka madumihan," tumawa pa siyang muli.

Laglag ang panga ko sa kanyang sinabi. What the heck? So mas concern pa siya sa madudumihan kong damit.

Umirap ako. "Oh! May labandera naman kami kaya no worries,"

Sumeryoso siya ng tingin sa akin. "You, as the owner of that clothes na nilalabhan ng labandera ninyo, maging maimis ka pa rin,"

Ang moody naman ng lalaking ito. Tumatawa kanina tapos ngayon naman nagagalit.

"Nik baby!" Agad naman kaming lumingon sa kung sinong tumawag.

"Pasensya na pinsan, natagalan sa pag jebs," si Sean at tumingin pa sa akin. "Magandang umaga, miss ma'am! Puting-puti po kayo ah!"

Ngumiti ako sakanya, "May breakfast na hinanda si yaya. Kain na muna kayo," tumingin naman ako kay Nikolo na nakatingin pa rin sa akin. "I'll go ahead."

Matapos kong sabihin iyon ay dire-diretso akong naglakad palayo sakanila.

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now