Kabanata 6

14 3 1
                                    

Nauna akong pumasok sa gate at rinig ko pa ang pagsara ni Nikolo no'n. Hindi pa ako tumutuloy sa loob dahil hinihintay kopa siyang matapos.

Nang tuluyan niyang maisara ang gate ay saka niya ako pinagmasdan. Abot-abot naman ang tahip ng aking puso dahil sa lalim ng kanyang mga tingin.

"M-magandang gabi," panimulang bati ko ngunit hindi parin maipinta ang kanyang mukha. "Akala ko nakauwi na kayo, uh medyo maggagabi na eh," lumibot pa ako upang tignan kung narito pa si Sean. "Si Sean?" Tanong ko.

"Bakit mo hinahanap?" He said in a cold tone.

"Wala lang. Narito kapa kasi so baka narito rin siya,"

Tumingin siya sa hawak kong boquet, kasabay no'n ay ang pagbuntong-hininga. Inalis niya naman agad ang tingin doon at ibinalik sa akin.

"Ako nalang ang narito. Hinintay pa kita," nanlaki naman ang aking mata dahil sa kanyang sinabi.

"Narito na ako, pwede kanang umuwi,"

"Bakit moba agad ako pinapauwi? Ayaw mona ba akong narito, hmm?" Tanong niya na kalma parin ang boses

"Ofcourse not!"

Kung pwede ka nga lang dito tumira ay pinagpaalam na kita.

Ngumiti naman siya dahil sa reaksyon kong 'yon. Sabay tumingin siyang muli sa hawak kong boquet.

"He gave you that?" Pagtukoy niya sa bulaklak. "Is he courting you?"

"H-hindi niya ako nililigawan, Nikolo."

He licked his lips. "Ano pa raw ba ang mayroon sa pagbibigay ng bulaklak kung hindi manliligaw?"

Kumunot naman ang aking noo. So ayon pala ang definition ng 'courting'.

"Bakit gano'n ka rin ba sa mga nililigawan mo?"

"Ofcourse not," malamig niyang sabi.

Kunsabagay, he's old enough to do this thing. Maaari naman niyang bigyan ang kanyang nobya tuwing monthsary nila... Nakita ko ang nobya niya kanina, at sa sobrang simple lamang ng suot no'n ay malabong hilig niya ang mga ganito.

Well hindi naman ito para sa akin. In fact, I don't like this romantic scene too.

"Lylanie!" Sabay kaming napatingin ni Nikolo sa tumawag, si yaya.

"Yaya!" Dali-dali akong lumapit sakanya at yumakap. Matapos no'n ay iniabot ko sakanya ang boquet na binili ko.

"Advance happy birthday, yaya! Binili ko 'yan para sayo. Nagustuhan moba?" Maligayang sabi ko.

"Ito naman nag-abala pa. Alam na alam mo talaga ang paborito kong bulaklak," napangiti naman ako dahil do'n.

"Sorry ya, hindi ka makakauwi dahil sa pagbabantay sa akin. Pero kaya ko naman po, uh pwede naman po kayong magpahatid ngayon kung gusto ninyo..."

"Ito talagang batang ito, oo. Ayos lamang sa akin 'yon at alam na rin naman ng mga anak ko na hindi ako makakluwas. Hayaan mo't magluluto ako bukas para sa kaarawan ko," tumagos ang kanyang tingin sa aming nasa likuran.

Muntikan ko ng makalimutan ang presensya ni Nikolo.

"Huwag muna kayong umuwi pagkatapos ng trabaho ninyo bukas hijo, dito na kayo maghapunan ng pinsan mo at sasabihan ko rin ang mama mo. Magluluto ako," ani yaya.

"Maraming salamat po nay, sige po sasabihin ko po kay Sean," nakangiti niyang sagot kay yaya.

Tumingin pang muli si yaya sa akin ng ngiting-ngiti at pagkuwa'y tumingin ulit kay Nikolo.

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now