Kabanata 14

8 3 0
                                    

"You mean halik? As in mwah mwah ganoon ba?" Halos pasigaw nang sabi ni Anj habang katawagan ko kaya naman nailalayo ko nang bahagya ang cellphone ko sa aking tainga.

"Uhm.. yeah ganoon nga. Pero... wala naman siyang sinabing iba. After no'n, umalis na rin agad siya," wika ko habang pinagmamasdan ang ilaw ng aking kwarto.

"Kahit na walang sinabi, madam! Hinalikan ka tingin mo wala lang 'yon? Hindi pa norms ang manghalik dahil wala lang 'no! At huwag mona ring naisin dahil baka araw-araw e punong-puno ng chikinini ang bebe Nikolo mo!" Humahalakhak pa si Anj.

"Ano ba 'yang mga lunalabas sa bibig mo, Anj! Kinikilabutan ako sa'yo!"

"Sus, tigilan mo nga ako!" Halakhak niya, "Kainggit, madam!"

Napapatawa parin ako hanggang matapos ang pag-uusap namin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa pagbaba ko ay rinig kona agad ang ingay na nagmumula kay Noryze.

"Sa wakas! Nagising kana rin!"

"Good morning, ganda ng ayos mo ah! Saan punta?" Tanong ko sakanya

"Sa court lang," wika niya habang inaayos pa ang umaalon niyang buhok.

"Sa court lang? Eh parang aattend ka sa party," humigop naman ako sa kape ko.

"Dalian mona mag breakfast! 'wag kana tumulala pa dyan. Go dress yourself na!"

"Bakit?"

"Hindi ba nabanggit ni Sean sayo? May laro sila today! Kasama si Niknik. Madaming manonood doon for sure!"

Pagkatapos kong magkape ay naligo na agad ako at nag-ayos. Nagsuot lang ako ng pants and yellow croptop then hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil basa pa. Naglagay rin ako ng tint sa aking labi at kaunti sa aking pisnge.

"Ay pak! Inagawan mona agad ako ng title sa awrahan! Nasaiyo na ang mata ng sambayanang Tanaueño! Charot! Halika na at baka nagsstart na sila!"

Hindi na kami nagsakay dahil malapit lang naman ang court. Pagdating namin doon ay nagsisimula na nga, kaya naman pumwesto kami sa hindi natatamaan ng bola.

"Woohhhh!! Go! Fight! Win!" Sigaw naman agad ni Noryze kaya napatakip ako sa tenga ko.

Napatingin naman siya sa akin, "Cheer mo naman si Sean!" Siniko pa niya ako nang mahina. Napangiti tuloy ako nang pilit.

Hanggang sa hindi ko namalayang sumisigaw narin pala ako sa tuwing nakakapuntos ang grupo nila Nikolo.

"Woohh kapatid ko yan! Sige itakbo mo Niknik ko! Ishoot mo ang ball! Sige ayan woohhhh! For the win na yan lodicakes!" Nakipagsabayan nalang din ako sa mga sigaw ni Noryze.

Halos ubos na ang laway ko nang matapos ang laro. Of course, WINNER! Pumapalakpak kami ni Noryze habang ang mga tao ay nagsisibabaan na ng bleachers para puntahan ang kanilang mga sinusuportahan.

Kumaway naman agad si Sean sa amin at tumakbo papalapit.

"Andito pala kayo! Napanood nyo tuloy yung kagalingan ko," kumindat pa siya sa amin.

"Oo nga ang galing mo! Isang quarter ka lang namang nakaupo," sarcastic na sabi ni Noryze.

"Epal!" Bumaling naman siya sa akin. "Magaling naman ako diba, Ma'am?"

"Ha? Oo naman!"

Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko upang makabulong, "Alam ko kung kanino ka nakatingin!" Humalakhak pa ito kaya naman nanlaki ang mata ko.

"Nilalanggam ako ha! By the way, asan si suplado?" Tanong ni Noryze.

"Nandoon pinalibutan nila Lauren, hindi ko mahigit e," si Sean sabay tingin sa akin. "Ay hala sorry ma'am!"

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now