Habang nasa jeep kami ay patingin tingin lahat ng pasahero sa amin. Paano ba naman kasi, harang na harang ang kamay ni Nikolo sa harapan ko tuwing may bababa at sasakay. Ayaw nalang akong yakapin, nahihiya pa yata.
Bukod pa roon, nakatingin rin sila sa kagwapuhan ng kasama ko... well hindi ko sila masisisi dahil totoo naman.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa traffic. Nagising lang ako ng may marinig akong bulong sa tenga ko na tila ginigising ako.
"We're here," agad ko namang iminulat ang mata ko at nakita ko si Nikolo na nakangiti sa akin. "Nakatulog kaba ng maayos kagabi?"
Tumango naman ako. "Yeah, let's go," ngumiti pa ako.
Pinauna niya akong makababa ng jeep dahil marami parin namang bumababa.
Bumaba kami sa tapat ng SM. Hindi kopa masyadong saulo ang pasikot sikot dito dahil taong-bahay lang naman ako. Siguro ay alam ito ni Nikolo kaya dito niya rin piniling bumaba.
"Have you been there?" Tanong niya nang makapasok kami sa loob.
"Uh... Not really. Nadadaanan lang namin paminsan minsan whenever may family outings kami," tumango naman siya.
"Saan mo gustong pumunta? Nagugutom kana ba?"
Umiling ako. "Not yet... uh it's my first date so... hindi ko alam kung ano ba yung mga typical na ginagawa ng mga nagdedate. But sabi sa binasa kong libro, romantic daw ang sine," nahiya naman ako sa aking sinabi. "What do you think?"
He chuckled a bit before nodding. "Alright, we'll watch a movie."
At ayon nga ang nangyari, bumili siya ng tickets ng One More Chance, well ako ang pinapili niya so syempre lovestory ang pipiliin ko.
Habang nabili siya ay ako naman ang bumili ng popcorn para sa amin.
Matapos noon ay nagkita kami sa may gilid ng cinema. Inabot niya sakin ang ticket ko at kinuha ang popcorn na bitbit ko... para daw makagalaw ako ng maayos.
Matapos naming makapasok ay naupo kami sa may parteng gitna, mabibilang rin naman sa daliri ang mga nanonood dahil patapos na rin ang showing ng One More Chance, buti nga't nakaabot pa kami.
"How much yung ticket? Babayaran ko!" Maligaya kong sabi ngunit kumunot lamang ang noo niya
"Binili kona nga, bibilhin mopa ulit."
"Uh kung ayaw mo ng hati edi kahit yung akin nalang?" Ngumiti ulit ako.
"Huwag na, tumutok ka nalang sa movie."
Nang magsimula ang palabas ay kanya kanya na kaming buhay, minsan pa'y sumisilip ako sa likod at tabihan namin dahil rinig ko ang mga hikbi nila. Maging ako nga'y hindi rin napigilang hindi mapaluha.
Yakap yakap ko ang aking sarili habang lumalandas ang luha sa aking mga mata.
"You okay?"
Mukha ba akong okay? Really?
Ngunit umurong yata ang luha ko sa gulat nang maramdaman ko ang mga daliri niyang pinupunasan ang luha ko.
He chuckled. "Bakit paba ako nagtatanong." Napansin niya yata ang pagyakap ko sa aking sarili kaya naman hinubad niya ang suot niyang leather jacket.
"Nilalamig ka yata, suotin mo ito." Tinanggap ko naman 'yon at sinuot.
"Bakit ka naman kasi nagsusuot ng ganyan nang ganitong oras kung lamigin ka. Gusto mo yatang kabagin," tumawa pa siya nang umirap ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/261776156-288-k801280.jpg)
YOU ARE READING
Buying Love (Tanaueño Series #1)
RomanceSimula pagkabata ay ang hangad lamang ni Lanie ay ang oras ng kanyang magulang. Ngunit sa sobrang pagtatrabaho ng mga ito ay ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang kanilang kasambahay. Namuhay si Lanie na hindi maluhong bata, ngunit dahil sa k...