Isang buwan na ang nakalipas matapos ang birthday ni yaya, at isang buwan narin akong hindi tinitigilan ni Noryze sa pang-aasar sa aming dalawa ni Sean.
Minsan kasi ay dumidiretso siya sa bahay para hintayin ang dalawa dahil sa hapon ay nagtatabas ng mga damo ang dalawang lalaki.
Isang buwan narin nang magsimulang magtrabaho ng garden sina Nikolo, wari ko'y malapit na silang matapos at isusunod na nilang pinturahan ang sa may kwarto ko.
"Sean isang hi naman dyan sa boss mo!" Panunukso ni Noryze.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench sa garden, malapit sa puno upang hindi kami mainitan.
Sabado ngayon kaya maghapon ang trabaho nila Nikolo, si Noryze naman ay bored raw sa kanilang bahay kaya napagpasyahang sumama. Pumayag naman ako dahil wala akong makausap, pero parang nagbago yata ang desisyon ko ngayon dahil parang gusto kona siyang pauwiin dahil sa pang-aasar nya.
"Shh!" Pagpapatahimik ko. "Naiistorbo sila sa paggawa, ang mabuti pa doon nalang tayo sa loob," sabi ko at tatayo na sana pero hinigit niyang muli ang kamay ko upang hindi makatayo.
"Eto naman, 'wag kana mahiya kay Sean! Normal lang sa edad mo ang magkaroon ng crush 'no!"
Normal nga pero fake news ka nga lamang.
Kita ko naman ang namumula ring mukha ni Sean habang pinupunasan ang kanyang tumutulong pawis sa noo, dahil siguro sa init at sa panunukso narin ni Noryze.
"Ayan na nga, nadidistract na nga ang Sean na yarn!"
Humalakhak pa si Noryze. Kita ko naman ang matalim na tingin ni Nikolo sa kapatid, kaya sinundot kona lamang ang kanyang tagiliran.
"Kung mag-iingay lang kayo, doon na kayo sa loob muna, ang sakit nyo sa tenga e," masungit na wika ni Nikolo habang nagpupunas narin ng kanyang pawis.
"Ang selan naman nito! Daig pa may period," umirap pa ito sa kapatid.
"Mabuti pa nga, itotour kita sa kwarto ko, halika na Noryze!"
Tumayo na ako at hinila ang kanyang kamay para mapatayo narin siya. Nagpatianod naman siya sa akin.
"Dyan na nga muna kayo," si Noryze at sumulyap pa kay Sean na may pang-aasar. "Goodbye naman dyan Sean!"
"Bilis na!" Tumaas na ang boses ni Nikolo.
"Halika na, halika na!" Natataranta ko nang sabi.
Nauna akong pumasok sa loob ng bahay habang kapit kapit parin ang kamay ni Noryze, siya naman ay nagpapatianod lang kung saan akong direksyon napunta.
Nakarating kami sa kwarto ko, binitawan ko muna ang kamay nya para maunang pumasok, nakakahiya naman kung madumi ko palang iniwan ang kwarto ko but thanks to yaya, nalinis niya pala bago pumunta ng bayan.
"Pasok ka," paanyaya ko kay Noryze at agad naman din siyang pumasok.
"You favorite color is green, right?" Tanong niya matapos ilakad ang mata sa kabuuan ng kwarto ko.
Obvious naman na green ang paborito kong kulay. Mula sa pintura nitong apple green at mga kurtinang kulay army green ay sadyang napakaganda sa mata! Paborito kona ang kulay na ito noon pa man, maging ang walking closet ko at bedsheet nga ay pinasadya pa ang kulay.
"Yeah!" Sagot ko at umupo sa aking kama. "Upo ka," yaya ko rin sakanya at sinunod naman niya.
"I love this color too! Only daughter ka?"
"Uh...yes."
"Hmm I see. Ako kasi I have one sister, may asawa na siya ngayon and also kuya Nikolo which is our half brother, and yeah ako ang bunso at hindi na nasundan," tumawa pa siya ng mahina.
![](https://img.wattpad.com/cover/261776156-288-k801280.jpg)
YOU ARE READING
Buying Love (Tanaueño Series #1)
RomanceSimula pagkabata ay ang hangad lamang ni Lanie ay ang oras ng kanyang magulang. Ngunit sa sobrang pagtatrabaho ng mga ito ay ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang kanilang kasambahay. Namuhay si Lanie na hindi maluhong bata, ngunit dahil sa k...