Takipsilim na ng makauwi ako sa bahay. Dumiretso agad ako sa kusina kung nasaan si yaya Biring.
Nasa malayo pa lamang ako ay amoy na amoy kona ang bango ng kanyang niluluto kaya naman umupo ako sa high chair na naroon.
Sinulyapan ako ni yaya, "Ginabi ka yata Lanie?" Sabay ibinalik muli ang tingin sa kanyang niluluto.
Napangalumbaba ako sa lamesa. "Ya, hindi ba sabi mo noong namalengke tayo, walang nobya si Nikolo?"
Tuloy parin si yaya sa paghahalo. "Wala nga hija. Bakit mukhang kuryoso ka diyan kay Nikolo?"
"Me? No! I'm just uh asking lang yaya. Kase I saw him with a girl kanina sa campus. Nanood kami ni Anj ng basketball kanina. Magaling pala siyang maglaro!"
Matapos haluin ang kanyang niluluto ay lumapit siya sa katapat kong upuan at doon umupo. "MVP iyon palagi sa mga palaro dito sa bayan. Naglalaro rin siya sa Liga minsan kung hindi siya abala," wika ni yaya.
"Nood tayo sa Summer yaya! I'm sure naman na boring na naman ang buhay ko sa mga panahon na iyon!"
Ngumiti si yaya. "Oh siya sige paparoon tayo sa liga sa Abril pa naman iyon. Ang maganda ay magpaalam ka muna sa mommy at daddy mo para alam rin nila,"
Umub-ob akong muli at napapikit. "Paano ako magpapaalam ya, hindi naman sila umuuwi rito," tamad kong sabi.
"Asus ito namang batang ito oh! Uuwi sila ngayon. Kaya nga nagluto ako ng marami ngayon para sa hapunan," agad namang lumiwanag ang aking mata dahil doon.
Finally, kakain kami ng sama-sama for the month of March, lol.
Tumango ako sa winika ni yaya. "Palit lang po ako sa taas ya!" Maligaya kong bati at dumiretso na sa itaas upang makapagpalit.
Naligo lang ako at nagpalit na ng pajama. Binlower ko rin ang buhok ko para matuyo agad ito. Nang pababa ako ay nakarinig na ako ng ingay, narito na yata sina mommy at daddy, dali-dali akong bumaba.
"Mom! Dad!" Lumapit ako sakanila at humalik sa pisngi. Nakaupo na sila sa hapag, ako nalang yata ang hinihintay upang makakain na.
"Kain na hija," aya ni mommy sa akin. Kaya naman umupo ako sa katapat na upuan niya. Kasabay rin naming kumain si yaya bale katabi ko siya.
"Mom, dad, parade of lights' near. Are we gonna watch?" Tanong ko sakanila habang nagsasandok ng kanin, though alam ko naman na rin ang magiging sagot nila.
"I have work that day hija, hindi naman nawawalaan ng pasyente ang hospital Lanie kahit na may parade of lights," alright whatever.
"How about you dad?" Ngiti kong tanong kay daddy.
"Sa Bataan ako naka base that day hija. Ang mabuti pa, si yaya Biring nalang ang isama mo para makapanood ka," bumaling naman ako kay yaya at nagkatinginan kaming dalawa.
Laglag ang balikat ko sa pag-aya sa kanila. Though alam kona ang sagot pero tinanong kopa rin. Nagbaka-sakali lang naman ako pero... as usual, ganoon pa rin.
Nag-usap pa sila about sa work kaya naman tahimik lang akong kumakain.
"I'll be in Bataan this summer, honey. We can't go somewhere dahil rush ito," tumango naman si mommy at ngumiti samantalang ako ay nakabusangot na ang mukha dahil sa mga naririnig. "Ano kaya kung isama ko si Lylanie sa Bataan?" Nanlaki naman ang mata ko. What?! No way!
Tumingin naman sa akin si mommy. "Ayoko po mom. I'll be good and safe here, and besides I'm with yaya. Uh actually magpapaalam po sana ako kung... pwede kaming manood ng liga ni yaya sa bayan... uh sa May pa iyon mom!"
YOU ARE READING
Buying Love (Tanaueño Series #1)
RomanceSimula pagkabata ay ang hangad lamang ni Lanie ay ang oras ng kanyang magulang. Ngunit sa sobrang pagtatrabaho ng mga ito ay ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang kanilang kasambahay. Namuhay si Lanie na hindi maluhong bata, ngunit dahil sa k...