Kabanata 10

8 3 0
                                    

Mabilis na nagdaan ang mga araw. It's Friday already and yet I cannot decide what to wear on that said 'date'.

"Lalim ng iniisip ah! A penny for your thoughts?" Tanong ni Anj.

Kasalukuyan kaming nasa gymnasium dahil nagpapractice kami for completion day. Tapos nang lumakad ang section namin kaya naman nanonood nalang kami ng mga naglalakad at umaakyat pa ng stage.

"Bukas na yung 'date' kuno namin ni Sean. I don't know what to wear. Ewan koba kung anong kabaliwan ang pumasok sa utak ko at pumayag ako," napasapo pa ako sa aking noo.

Hiniga ni Anj ang kanyang ulo sa aking balikat, huminga rin ito ng malalim na animo'y pagod na pagod.

"Kahit ano namang suotin mo ay babagay sa iyo! Hindi ka naman nasstress sa susuotin e, nasstress ka sa iisipin ni Nokolobebe sa'yo."

Exactly! Baka sabihin niyang napakabilis ko namang mapapayag. Pero deadma, bata pa ako kaya I need to enjoy this, atsaka I need to entertain someone para naman malimutan kona ang pagtingin ko sakanya.

I sighed.

Nang matapos ang practice ay bumalik na kami sa classroom at nag-ayos na ng mga gamit dahil uwian na.

Sinabit kona ang aking bag sa balikat ko at handa nang umuwi.

"Sama ka sa court? May practice sina Jacob? For sure naroon ang bebe mo," si Anj.

Gusto ko mang sumama ay pagod na ang aking paa at gusto kona agad matulog kaya naman pinili kong hindi nalang.

"Napagod ako sa practice e. I need to rest na... alam mo naman may lakad pa bukas," sagot ko.

"I see." Nagbeso beso pa kami at kumaway na sa isa't isa.

"Uwi kayo agad! 'Wag papagabi, you know tito," paalala ko sakanya.

She nodded. "I'll text you kapag nakauwi na ako," tumango naman ako.

Sa sasakyan ay antok na antok na ako, pikit-mulat ang aking mata pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Ma'am, narito na po tayo," dinig kong gising ng driver namin pero pagod akong imulat ang aking mga mata.

Maya-maya pa'y narinig ko ang katahimikan kaya naman malayang nakatulog muli ako.

Ilang minuto rin akong nakapikit nang maramdaman ko ang marahang kamay na yumuyugyog sa may bandang balikat ko, kaya naman kinusot kopa ang aking mga mata bago imulat.

Napabalikwas ako nang makita ko ang imahe ng kinababaliwan ko sa lahat, Nikolo my love!

"Anong ginagawa mo rito sa sasakyan?" Gulat kong tanong matapos maikot ang aking paningin sa loob ng sasakyan, kami lang dalawa ang narito, wala na ang driver.

"Tinatawag ni mang Albert si nanay Biring kaya inusap muna ako rito," nakatitig parin siya sa akin habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

"Eh ikaw, bakit dito mopa napiling matulog e malaki naman ang space ng kwarto mo?" Binaba niya ang kanyang mata sa suot kong uniform. "Ibaba mo ang palda mo, nakataas," kunot noo niyang sabi.

Nanlaki naman ang mata ko at napabangon sa pagkakahiga at ibinaba ang aking palda.

"Kanina ka paba rito?"

Tumango siya. "Ibababa kona sana dahil nakakasilaw ang puti pero pinili kong hindi gawin."

Ay putangina napaka honest naman nito!

"Bakit naman hindi mopa ibinaba? Gusto mo lang ng ganoong view e!" Natatawa kong sabi.

He smirked. "Malay koba. Akala ko'y naiinitan ka kaya nakataas."

Napahawak nalang ako sa noo ko sa kahihiyan.

Katahimikan.

Tanging ang lamig ng aircon na lamang ang bumabalot sa init na aking nararamdaman.

Tumikhim ako, napatingin naman siya sa akin.

Rinig ko ang pagtunog ng aking cellphone kaya naman kinuha ko ito sa aking bag.

Tumatawag si Anj.

[Hello? Nakauwi na ako. Ang boring ng laro! Ibang seniors ang nagturo, wala ang bebe mo!] Pasigaw niyang sabi kaya naman nailayo kopa ang cellphone ko sa aking tenga.

[Mabuti naman at nakauwi kana. Wala nga siya dyan kasi ano...] Naputol kopa ang aking sasabihin nang tumikhim si Nikolo. Hindi ko maituloy dahil baka sabihin niyang pinag-uusapan namin siya.

Nakakunot pa ang noo ng lalaking katabi ko.

[I'll call you later!] Tanging nasabi ko at pinatay na ang tawag.

"Uh si Angie..." wika ko at tumango lamang ito.

Katahimikan ulit.

Tumikhim na naman siya kaya nagkatinginan muli kami.

"Nandyan ba si Sean?"

Umiling siya. "Hindi nagtrabaho ngayon. Nagpapagwapo yata para bukas," natatawa niyang sabi.

Nakakalungkot naman ang pagiging supportive niya sa pinsan pero mas pinili kong makitawa nalang din.

"Nahihiya yata sa ganda ko!" Confident na sabi ko

"Really?" may tonong pang-aasar sa boses niya.

"Well..."

Tumawa lang ito.

"Pakisabi mga hapon 4pm kami," dagdag kopa.

"Bakit 4pm?"

"Mainit kapag umaga."

"Commute kayo?"

Tumango ako. "Para enjoy!" Maligaya kong sabi.

Tumango naman siya. "Sige sasabihin ko sakanya."

Ilang sandali lang ay may kumatok sa bintana ng sasakyan, napatingin naman kami ni Nikolo doon at nakita si yaya Biring at ang driver.

Binuksan ni Nikolo ang pintuan ng kotse at naunang lumabas.

Kita ko naman ang ngiting tagumpay ni yaya kaya pinanglakihan ko siya ng mata.

"Binantayan ko lang po 'nay, hindi pa po naipapasok ang sasakyan sa garahe at lilinisin raw po ni mang Albert dito sa labas pero... tulog si Lanie kaya hinayaan ko muna..." si Nikolo.

Humalakhak si yaya. "Ayos lamang hijo, kung alam kong naroon ka sa loob ay pinag-overnight kopa kayo!"

Nanlaki naman ang mata ko kaya lumabas narin ako ng sasakyan at patakbong yumakap kay yaya at bumulong...

"Ya, ikalma mo, baka mahalata tayo!"

Humalakhak lamang ito.

"Salamat sa pagbabantay kay Lanie, Nikolo."

"Walang anuman po, uuwi narin po ako at lumalalim na ang gabi." Pagpapaalam niya.

"Mag-iingat ka hijo," si yaya. Tinanguan lamang siya ni Nikolo at naglakad na papalayo hanggang sa mawala na siya sa aming paningin.

"Yaya! Ang ingay mo, obvious ka masyado!" Saway ko.

"Sus! Gusto mo rin naman ang oras ninyo kanina!"

"Aba syempre! Kinilig nga ako doon e!"

Humahalakhak  pa kaming dalawa habang papasok ng gate.

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now