Maaga akong nagising sa sumunod na araw. Pero nakailang katok na yata si yaya sa kwarto ko ay hindi kopa pinagbubuksan ng pinto.
Hindi ko alam kung ano bang mukha ang ihaharap ko sa lahat. Una, kay Nikolo, dahil sa pagnakaw ko ng halik sakanya kagabi. Pangalawa kay Sean dahil hindi siya ang nakasama ko sa date na 'yon. Pangatlo, kay Noryze, dahil ano nalang ang sasabihin ko kapag nalaman niyang hinalikan ko ang kuya niya. At panghuli... Kina yaya, paano kapag tinanong niya ako at hindi ko nasagot dahil sa kagagahan ko kagabi na kung bakit may pahalik halik pa akong nalalaman.
"Lylanie, lumamig na ang umagahan mo, iinitin kona ba ngayon?" Si yaya sa hindi kona mabilang kung pang ilang beses na katok na niya 'yon.
Huninga ako ng malalim bago napagpasyahang bumangon at pagbuksan na sa wakas si yaya.
"Jusmiyo! Ano bang nangyari saiyong bata ka? Nalamigan kaba sa lakad ninyo kagabi? Masama ba ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tankng ni yaya at hinipo pa ang aking leeg.
"Uh... M-medyo puyat lang po kagabi ya," ngumiti ako at lumabas na ng kwarto ko. "Halika na po, mag-umagahan na tayo!"
"Sige na't lilinisin ko lang ang sala, naroon ang mga kaibigan mo't hinihintay kang mag-umagahan para sabay-sabay na raw kayo,"
Ngumiti lang ako kay yaya at nauna nang bumaba.
"Good morning our dear Lylanie!" Maligayang bati ni Noryze sa akin. Nakaupo na siya sa hapag ngayon kasama si Sean and ofcourse, si Nikolo.
"Magandang umaga sainyo," ngumiti ako, ngunit kay Noryze lang nakafocus ang mga mata ko pero kita ko sa gilid ng aking mata ang tingin ng mga lalaki naming kasama.
"Maupo ka ano ba bahay mo ito!" Natatawa niyang sambit kaya umupo naman ako sa tabi niya.
"So how was your date? Enjoy ba?" Hindi ko alam kung anong irereact ko sa tanong niyang 'yon. "Sean?"
Tumingin pa siya kay Sean. "Hindi na ako nakapag text sainyo ni Sean kahapon dahil naging busy kami sa farm kahapon! Hmm... So how was it?"
"Uh... kasi Noryze ang totoo nyan---"
"Nag-enjoy kami! Ang saya nga e, nanood kami ng sine! Diba ma'am?" Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi ni Sean. Nabilaukan ako doon ah!
"Ha? Uh yeah we watched a movie and uh... kumain..." Kita ko naman ang naglalarong mga tingin ni Nikolo sa amin, fuck you mister!
Hindi ko alam kung kanino ako dapat magalit. Kung kay Sean ba dahil una sa lahat ay siya naman dapat ang kasama ko at hindi si Nikolo sa date na 'yon. Kung kay Nikolo naman na siyang sumalo sa anumang dahilan ni Sean kung bakit hindi niya ako sinipot. O baka naman sa sarili ko dahil masyado akong nadala ng emosyon at hindi na napigilang ilabas ang nararamdaman ko para sa lalaki...
"Well that's great! So I'm assuming na it won't be the last date?" Si Noryze
Ngumiti lang ako sakanya at itinuloy ang pagkain.
"Bread, Lylanie?" Napaangat ako ng tingin sa baritonong boses na nagtanong.
"Ang unfair mo namang mang-alok kuya! Inuna mopa ang boss mo kaysa sa kapatid mo!" Humawak pa siya sa dibdib niya na parang nasasaktan.
"Uh hindi na! Baka kulang pa kay Noryze 'yan e!" Tumawa pa ako upang malaman nila na nagbibiro ako.
Kumunot naman ang noo ni Nikolo at pagkuwa'y tumango rin.
Pagkatapos naming kumain ay balik na ulit sila sa paggagawa ng garden. Samantalang kami naman ni Noryze ay nakaupo lamang sa upuan na naroon malapit sa pinaggagawaan nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/261776156-288-k801280.jpg)
YOU ARE READING
Buying Love (Tanaueño Series #1)
RomanceSimula pagkabata ay ang hangad lamang ni Lanie ay ang oras ng kanyang magulang. Ngunit sa sobrang pagtatrabaho ng mga ito ay ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang kanilang kasambahay. Namuhay si Lanie na hindi maluhong bata, ngunit dahil sa k...