Kabanata 8

16 3 0
                                    

Nakaupo ako sa isang bench na nasa aming garden habang pinupunasan ko parin ang sarili ko. Lumabas ako dahil bukod sa hindi ako makagalaw ng maayos ay nabibitter din ako sa nagpupunasan sa harap ko.

Busy ako sa pagpupunas ng aking mukha nang may maramdaman akong repleksyon sa aking harap, kaya naman inangat ko ang aking paningin.

Nakita ko si Noryze na nakangiti. "Wipes?" Alok niya sa akin dahil may dala siyang isang box no'n.

"Salamat," sabi ko matapos kumuha ng isa. "Upo ka," umusog ako nang kaunti para magkasya kami sa bench na inuupuan ko.

Umupo naman siya.

Kumuha rin siya ng wipes para punasan rin ang kanyang sarili kaya naman pareho na kaming busy kakapunas ng mukha at braso namin.

"Pagpasensyahan mona si Kuya Nikolo ha, KJ talaga 'yon," napatingin tuloy ako sakanya dahil sa 'kuya'ng sinabi nya.

"Hindi ba't boyfriend mo si Nikolo?" Gulat na tanong ko.

"What? Who told you that?!" Humalakhak siya ng bahagya. "He's not my boyfriend, actually we're half siblings," sabi nya sabay kindat sa akin.

"Paano nangyaring magkapatid kayo e napaka sweet nyo sa isa't-isa?"

"Close talaga kami ni kuya Nik eversince we're kids. Limang buwan lang ang tanda nya sakin pero dahil magalang ako, tinatawag ko parin siyang kuya." Napatawa pa siya at napairap sa kanyang sinabi.

"Masaya ako na kahit sa ama lang kami magkapatid, close parin ako sa nanay ni kuya."

Napatahimik ako sa mga rebelasyong sinabi niya. Kaya siguro hindi ko napansing magkapatid sila dahil sa limang buwan lamang ang tanda ni Nikolo sakanya. Pero paano nangyari 'yon?

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa aking tuhod, napatingin tuloy ako sakanya.

"Our dad was a notorious playboy when he was a teenager," ngumiti siya . "Si tita Gemma talaga ang girlfriend ni daddy, pero dahil ang pamilya ni mommy and my father's family were business partners, alam mona... the fixing thingy."

"Uh... paanong nangyaring nagkaroon ng Nikolo?"

"Bakit ayaw moba? Char. Kasi syempre minadali nila ang wedding, without knowing na buntis na pala si tita Gemma. Pero dahil sa maypagka malandi rin ang mommy ko, gumawa siya ng paraan para magpabuntis din kay daddy," tumawa pa siya pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya. "How dramatic my life is!"

"Sorry..." Tanging nasabi ko.

"Ano kaba, wala 'yon! At least alam mona ngayong magkapatid lang kami. Kita ko kaya ang pag-irap mo kanina! Nagulat ako sayo!"

"Pasensya kana talaga... uh medyo nabitter lang hehe."

"Bakit may gusto kaba kay kuya?" Nanlaki ang mata ko sa tanong nya.

"Ako? Wala 'no!"

"Kay Sean?"

Napatawa ako. Bakit naman nya maiisip na may gusto ako kay Sean!

"You're blushing! May crush ka kay Sean? Oh eto na pala si Sean e!" Napatingin ako sa likuran nang bench at muntik na akong magpalamon sa upuan nang makita ko sina Sean, Nikolo, at si tita Gemma.

Kita mo ang gulat sa mata nilang tatlo ngunit ang pagkagulat ni Nikolo ay may kasamang kunot sa noo.

"Uuwi na," malamig na wika ni Nikolo.

"Sungit talaga ni Nik-Nik," umirap pa si Noryze bago ako haraping muli.

"Pasensya kana sa madaldal kong bibig. Kunwari nalang hindi narinig ni Sean na crush mo sya."

"Uh kasi Noryze ano, mali kasi ang--"

"Ano kaba! It's okay, at least he's now aware about your feelings," tumingin muli ito sa likod at kumindat pa. Napapikit nalang tuloy ako.

"Tayo na dyan, malamok na." Rinig kong muli ang malamig na boses ni Nikolo.

"Eto na nga tatayo na, apaka bitter talaga!" Tumayo na si Noryze at tumingin muli sa akin. "Alis na kami. Thank you sa time and also sorry for the mess."

Tumayo na rin ako bilang paggalang. "Naku! Ayos lang 'yon. Masaya si yaya for sure dahil nakapunta kayo, maraming salamat din." Ngumiti pa ako sakanya.

Nagulat ako ng yakapin niya akong bigla at may ibinulong, "Hayaan mo, tutulungan kita kay Sean," at napapikit nalang ako.

Naglakad na siya patungo sa mga kasama at kumaway pa sa akin. Tinanguan naman ako ni Nikolo at kinawayan naman ako ni Sean at ni Tita Gemma.

Kawawang Sean, napagkamalan pa nga. Pero mas kawawa ako, paniguradong ilalapit ako ni Noryze ng malala!

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakaayos na ako nang mapagpasyahang bumaba.

Sinalubong naman ako ni yaya nang malaki ang ngiti.

"Ikaw ha!" Lumapit pa ito sa akin para sundutin ang tagiliran ko. "Akala koba ay si Nikolo ang tipo mo? Ano itong nabalitaan kong si Sean pala ang gusto mo? Nawalan kana ba ng consistency, Lylanie?"

"Naks consistency! Lakas maka food tasting ah! Kakaluto mo siguro 'yan, yaya."

Kinuha kona ang dalawang sandwich sa lamesa at isinilid sa bag. "Nandyan naba sila?"

"Wala pa. Ang sabi ay mamayang hapon pa raw sila. Nagpaalam na si Nikolo sa akin."

"So ayon na nga, yaya. Nagkausap kasi kami kahabi ni Noryze, tapos akala nya si Sean ang gusto ko, pero si Nikolo parin po ang crush ko!"

Humalakhak si yaya dahil sa sinabi ko. "Alam ko rin namang hindi ka mabilis magpalit ng tipo, Lanie. Ohsya sige na't malelate kapa."

Isinuot kona muli ang aking bag at kumaway na kay yaya pagkatapos.

And as usual, pagkarating sa school ay nag-aabag na naman ang aking napaka blooming na bestfriend!

"Blooming mo ah! Daig mopa yung mga halaman sa paligid," sabi ko habang naglalakad kami.

"Syempre! Nagdate kami ni Jacob kahapon, pero patago nga lamang."

Tinignan ko siya ng masama. "Kaya pala hindi ka nakapunta dahil nag date kayo! Grabe yung tatag ng friendship natin ha."

"Tigilan mo nga ako sa kaplastikan mo, Lylanie. Alam kong naghahanap kana ng atsara dahil umay na umay kana dahil tayo nalang palagi ang magkasama. Tsaka alam ko namang gusto mong solohin si Nikolo kaya hindi ako nakiepal kahapon... Hmmm siguro sa mga susunod na araw maaari pa!"

"Gaga!"

"Anong ganap kahapon? Chinat ko si yaya Biring kahapon 'no! Binati ko. Anyways, may nag-improve ba sainyo ni Nikolobebe?"

Napasapo ako sa aking noo nang maalala ang pag-uusap namin ni Noryze.

"Nag-usap kami ni Noryze nung gabi."

"Ay wow! Bakit sinugod ka? Anong sabi? Stay away from my boyfriend, gano'n?"

"Gaga, magkapatid pala sila sa ama. Hindi sila magjowa."

"Oh edi ang ngiti mo abot hanggang Lipa?"

Umirap ako. "Hindi nga ako napangiti, kasi akala nya si Sean ang gusto ko," hinilot ko ang aking sentido.

Humalakhak naman si Anj dahil sa sinabi ko.

"Ay hindi ko kinaya ang revelations! Yari tayo dyan. Mukhang hindi pa nga nagkakaroon ng feelings ang Nikolobebe ay mabubuwag na agad!"

"Pwede bang bilhin nalang din yung feelings?"

Natawa pa sya lalo. "Hintayin nating mag sale sa bayan, Lylanie."

Natawa nalang din ako sa sariling naisip. Na paano nga ba mabibili ang feelings ng isang tao kung una sa lahat ay wala naman itong pagtingin sa'yo.

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now