Kabanata 3

11 3 0
                                    

Nakatulala ako nang dumating si Anj sa gym, kita ko naman ang pagkunot ng noo nito habang papalapit sa akin.

"Potek nasaan na sila?" Tanong niya habang binubuksan ang bottled water na hawak niya. "Hoy Lylanie! Anyare sayo?" Kaya naman bumalik ako sa wisyo nang tawagin niya ako sa buong pangalan.

"Ha?"

"Hanimal ka," umirap siya. "Ang sabi ko nasaan na yung mga naglalaro girl?"

"Uh... k-kanina pa umalis I mean they're done practicing. Shall we go?" Tanong ko at inilagay na ang aking bag sa balikat ko.

"Ang gagaling talaga, bumili lang ako ng tubig natapos na," humagikhik ito. Hindi naman ako makatawa dahil hindi kopa nalilimutan yung interaksyon namin ni Nikolo kanina. "Lylanie, may problema ka? May umaway ba sayo nung wala ako?!"

"Ha? Gaga ka, wala! Kailangan ko nang umuwi dahil kanina pang naghihintay si mang Arnold sa gate!" Tumawa ako ng pilit sakanya.

"Sus, for sure nakikipag chismisan na naman iyon sa driver namin. Kaya hindi iyon mabobored. Halika ka na nga," pagkasabi niya noon ay sabay na naming tinahak ang gate at hindi nga kami nagkamali, naroon nga't nagchichismisan ang driver namin.

"Magandang hapon po mang Arnold, mang Supeng!" Bati namin sa dalawa na agad namang umalisto na parang mga nahuli sa krimen.

"Magandang hapon rin ma'am Lylanie!"

"Tara na po!" Pagkasabi ko noon ay nagbeso-beso na kami ni Anj at pumasok na sa kanya-kanya naming sasakyan.

Habang nasa byahe ay nakikinig lamang ako sa sound ng sasakyan at tumitingin sa papalubog na araw.

"Ma'am nariyan nga po pala ang mommy't daddy ninyo," umaliwalas naman ang aking mukha sa sinabing iyon ni mang Arnold, kaya naman napatingin ako sakanya.

"Talaga po?"

"Opo ma'am. Gusto raw kasi nilang makita iyong dalawang trabahador na mag pipintura at maglilinis ng bakuran ninyo, for safety na rin daw po," ani mang Arnold.

"Ang bilis naman po yatang nakakita ng trabahador? Parang kagabi lamang namin napag-usapan ang tungkol doon,"

"May ini-refer kasi si ate Biring sakanila kaya nakahanap agad. Eh ang sabi sa akin nang ate ay gusto na raw magsimula noong dalawang trabahador dahil kailangan rin ng pera," lumambot naman agad ang puso ko dahil doon.

Maraming tao ang pinapasok ang anumang trabaho para lamang may pang-tustos sa kanilang buhay araw-araw dahil they can't afford to buy expensive clothes and anything... Cuz they're less fortunate. Samantalang ang ibang mga tao naman ay nag-iinarte pa sa kutsarang ginto na isusubo na lamang sakanila para matawag silang rich. What a goddamn rich though.

Huminto ang aming sasakyan sa gate nang aming bahay. Hindi kona hinintay na pagbuksan ako ni mang Arnold nang sasakyan dahil kaya ko naman.

Nauna akong pumasok sa gate at sa paglalakad ko papasok ng bahay ay dinig ko ang pag-uusap usap nang mga tao sa loob.

Nakayuko akong pumasok sa pintuan at dire-diretso na sanang aakyat nang tawagin ako ni mommy, na ngayon ay may kausap sa telepono.

"Lanie, ilapag mo muna ang bag mo rito at puntahan mo muna ang daddy mo roon sa sala. Ipapataas ko nalang ang gamit mo kay Lisa,"

Hindi na ako sumagot kay mommy dahil pagkasabi niya noon ay bumalik na agad siya sa pakikipag-usap sa telepono.

Kaya naman dumiretso ako sa sala, sa aking paglalakad ay dinig ko ang boses ni yaya Biring, nagtatawanan pa sila.

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now