Kabanata 11

8 3 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. 10am palang pero bumangon na ako para makatulong na rin kay yaya sa pag-aasikaso ng pagkain namin at pati ng mga naggagawa sa garden.

Naabutan kong nag-aayos si yaya ng lamesa kaya naman dali dali akong dumalo sakanya para matulungan siya.

"Ako na po, ya!" Maligayang bati ko sakanya.

Napatingin naman siya sa kung nasaan ako at ngumiti. "Magandang umaga, Lylanie! Ang aga mo yata? Excited sa date?"

"Hindi nga po ako nakatulog ng maayos kagabi," sagot ko. Inasar lang ako ni yaya gamit ang mapang-asar na ngiti.

"Nagbreakfast na po ba ang mga gumagawa sa garden? Ako na po ang magdadala?" Suhestyon ko.

"Hindi sila pumasok ngayon. Si Sean ay naghahanda na yata para mamaya tapos si Nikolo naman daw ay may aasikasuhin ngayon. Nakapagpaalam naman ang mga binata sa akin kahapon kaya pinayagan kona."

Tumango lamang ako at umupo na para kumain.

Matapos kong kumain ay lumabas ako para diligan ang mga halaman sa garden. Hindi gaanong mataas ang araw ngayon, tama lamang ang sinag nitong dumadampi sa aking balat.

It's been two months nang hindi umuuwi sina mommy at daddy ah. How's their work kaya? Are they together? Kasi kung tutuusin... pwede namang umuwi si mommy but she choose not to.

Si daddy naman... may sasakyan, kung gusto niyang bumisita sa akin... kahit anong layo ay pwede siyang umuwi... pero hindi rin niya ginawa.

"Lanie! Nalulunod na ang mga halaman!" Bumaling ang lumipad kong isip sa sigaw ni yaya.

Laking gulat ko nang halos makita kong mapupuno na ang paso ng welcome plant.

"Hala! Naku yaya pasensya na po," gulat kong bigkas.

"Ikaw talagang bata ka oo, ang aga mo namang pinag-swimming ang halaman. Pumasok kana sa loob at ako na diyan," ngumiti pa si yaya. "Alam kong lumilipad ang utak mo para sa date nyo mamaya ni Sean," humalakhak siyang muli.

Napakamot lamang ako sa aking ulo at sinunod nalang ang sinabi ni yaya.

Hindi ko namalayan ang pag-andar ng oras. Nakatulog pala ako at 2pm na nagising nang tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto.

Nanatili akong nakahiga at kinuha ang cellphone ko sa bedside table.

0950*******:

Are you ready? Mas lalo kang magpaganda para masundan ang first date nyo! Go girl! Btw, this is Noryze, kindly save my number!😉

Kanino niya nakuha ang cellphone number ko? Wala akong matandaan na ibinigay ko ang number ko sa kung sino. Pero hayaan na nga, siya naman ang may pakana ng lahat ng ito e.

Ako:

Alright, I'll save your number! Update din kita later. Thanks😊

Matapos kong isend 'yon ay binuksan ko naman ang message ni Anj.

Anj:

Seryoso kaba dyan? Bakit ka pumayag makipag date? Akala koba si Nikolo ang nais mo? Bakit ang pinsan ang haharutin mo? Anong klaseng taktika 'yan girl? Kabog ha!

Napasapo ako sa aking noo dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Sinabi ko kasi sakanya na nagkausap kami sa sasakyan ni Nikolo kaya kilig na kilig ang gaga, pero sinabi ko rin sakanya na lalabas kami ni Sean mamayang hapon, hindi makapaniwala ang gaga.

Ako:

Friendly date lang naman 'yon. No malice for me.

Anj:

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now