Chapter i

56 16 12
                                    

Paulhan Lei Higuerra's POV.

"Paulhan! Bumaba ka d'yan!" Dinig kong sigaw ni ina sa baba. Habang ako naman ay labis ang takot sa nakita sa aking mga panaginip.

Isang hindi mawaring pangyayari, nakakabalisa. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko, nais kong aalahanin kaya sa huli ay sinimulan kong iguhit ito. Pero ang naiguhit ko ay mas lalong nakakapagtaka. Isa lang itong tumatakbong babae habang hinahabol ng dalawang lalaki. Puro itim din pala ang nagamit kong kulay kaya sa huli ay nakakapanindig itong tignan.

"Lihan! Labas ka na riyan! Laro tayo!" Ngunit biglang umaliwalas ang mga mata ko sa narinig na boses ni Malice.

Pero sa hindi alam ba dahilan ay bigla akong nag-alala sa kaniya. "Mal! Halika dito!" sigaw ko sa kaniya sa pinto.

"Teka! Anong nangyayari sa 'yo? Tutungo ako riyan!" sigaw nito pabalik at agad ko namang narinig ang kanyang yapak.

Agad namang bumungad ang pag-aalala na mukha ng kaibigan ko. Halos umiyak akong tumingin sa kanya sabay tingin na rin sa iginuhit ko. At pag-alala rin ang gumuhit sa mukha niya dahil sa muli na namang nakita.

Nightmares...

"Ano na namang napanaginipan mo? Sabihin mo sa akin para may kasama ka." Napa-iling ako sa batang pag-iisip nito. We are just twelve at ang lapit na namin sa isa't-isa. Halos alam naming dalawa ang lahat ng sekreto ng isa't isa.

"I-isang babae, M-mal... t-tumatakbo... naghihingi ng tulong," nanginginig na saad ko.

Tumango ito bilang hudyat na ito'y nakikinig nang masinsinan.

"H-hinahabol siya ng dalawang lalaki habang sa kabila ay may ninanais na patayin o tulungan ang unang b-babae... pero hindi ko alam kung sino sila."

Napasinghap ito. "Panaginip lang 'yan, Lihan. Hayaan mo't sa ngayon ay nasisiguro nating hindi na iyon mauulit pa." Sa sinabi ay naalala ko na naman ang Ama na namatay sa kadahilanang katulad din sa napanaginipan ko noon.

Mas lalo akong nanginig. "H-hindi ko na hahayaan na mangyari i-iyon... pero mag-iingat ka pa rin. H'wag kang magtanim ng sama ng loob kanino man, Malice," palala ko rito.

"O-oo naman... kahit kainin man ako ng kahit ano. Hindi ko magagawang pumatay, Lihan," sagot naman nito.

Tumango ako at niyakap siya. Nababahala ako dahil halos lahat ng napapanaginipan ko ay nagkakatotoo.

"Kain ka na muna, laro tayo pagkatapos," she softly said.

I breath deeply, ngumiti ako at tumango sa kaniya at pinahid ang mga luhang tumulo kanina.

Ngumiti rin ito at nauna ng maglakad paalis.

Pagkababa ay nag-aalalang mukha agad ni inay ang bumungad sa amin. Ngumiti na lang ito pero may bahid pa rin na pag-aalala sa mukha niya.

Umupo na ako at nagsimula nang kumain. Habang si Malice naman ay tinawag muna ng ina nito sa kabilang bahay.

Ang pamilya ni Malice ay isa sa mayayaman na pamilya rito sa lugar namin. Mayroon silang paaralan at ngayon ay roon na kami mag-aaral kapag magsisimula na ang buhay namin bilang isang high-school student. Pinapatapos na lamang namin ang bakasyon.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na muna ako sa ina para pumaroon muna sa kwarto. Nais kong doon na lang hintayin si Malice.

Nakahiga ako sa sariling lamesa habang nag-iisip. Ngunit napabalikwas ako nang may natapi na bagay.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa ilalim. Pero nang makita ay napa-iling ako. Isang lapis.

Nang mapulot ay padabog na nilagay ko ito pabalik sa lamesa. Pero laking gulat ko nang sa isang notebook ko ito nailagay.

Umiling ako at binuksan na lang ito dahil sa koryusidad. Pero napa-ismid ako nang makita ang mga sulat ko noon. Mga drawing na hindi alam kung ano.

Kinuha ko ang lapis at nagsulat ng kahit ano sa notebook. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili na nakasulat ako at kalahati na ito, puno ng sulat. Gamit lamang ang imahinasyon at sa ilang naiisip. Kalaunan ay tinuloy ko ito. Pero nahinto lang nang biglang bumukas ang pintuan ko, si Malice ang bumungad habang malungkot na naman ang mga mata niya.

Bigla akong napabitaw sa lapis na kahahawak ko lang at agad siyang inalalayan para maupo sa tabi ko. Alam kong may problema na naman siya sa pamilya.

"Anong ginagawa mo, Lihan? Sali ako," malumanay na saad nito.

Napakurap ako, nag-iisip kung sasabihin bang nagsusulat ako ng hindi maintindihan na istorya.

"A-ah..." nagdadalawang-isip na buka ng bibig ko.

"Sasabihin mo o sasabihin mo?" Dinig ko pang banta sa boses niya.

Napakamot ako sa ulo dahil wala na naman akong choice. "Nagsusulat ng istorya, Malice," diretsong sagot ko.

"Talaga? Masaya ba? Nakakawala ba ng problema?" walang ganang sunod-sunod na tanong nito.

Mahina akong tumango.

"Sige, bigyan mo 'ko ng notebook at lapis. Magsulat na lang tayo ngayon. Gusto kong maglabas ng sama ng loob, Lihan," utos nito.

Napairap ako sa kawalan at agad na lamang siyang sinunod.

Nang makuha na ay aggresibo nitong kinuha sa akin at walang sabing nagsulat.

I just shrugged at bumalik na lang muli sa hindi natapos na isinulat.

Halos buong hapon kaming nagsusulat at nag-iisip. Biglang naiwaglit ang lahat ng mga problema dahil dito.

Nahinto na lang kami nang tawagin na siya sa kabila. Pinapauwi na.

Napatingin ako sa orasan ko. Mag-a-alas-sais na pala, hindi ko namalayan.

Walang gana itong tumayo at walang pasabing binitbit ang notebook.

"Hoy! 'Yong notebook ko!" sigaw ko sa kaniya. Mabuti na lang at wala pa akong nasulatan na importante roon.

"Akin na 'to! Nais kong tapusin ang istorya!" sigaw nito pabalik at tuluyan nang umalis. Napa-iling na lang ako dahil wala naman akong magagagawa.

Hininto ko na lamang ang pagsusulat at humiga nang payapa sa kama, napapa-isip na naman.

Hanggang sa dumako ang pag-iisip ko sa mukha ni Malice kanina habang nagsusulat. Mukhang nahuhumaling na siya sa ginagawa noon.

Napa-iling ako dahil sa paglalim nang iniisip at sa biglang pagkaguhit ng ngiti sa aking mga labi. Mala-perpekto ang pagkakahulma kay Malice. Anak mayaman kasi at halatang alagang-alaga. Matalino rin ito kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga problema niya. Kumpleto naman ang kaniyang pamilya, hindi katulad sa akin.

Napahinga ako nang malalim. Bakit ko na naman ba kinkumpara ang sarili sa iba? Masaya naman na ako sa piling ni Inay at sa kung anong mayroon kami.

Sa pagkaka-frustrate sa iniisip ay kumain na lang ako sa baba.

"Good night, Inay! Mahal po kita," paalam ko sa ina nang matapos nang kumain at handa nang bumalik sa kama.

Alam kong nalulungkot na naman si Nanay. Nami-miss niya si Daddy kahit ilang buwan na rin ang lumipas simula nang mawala siya, pero kahit ako rin naman, nami-miss na siya.

Humalik ako sa pisngi niya at tuluyan nang umakyat nang makita ang nakangiti niyang mukha.

Napahiga ako nang tuluyan sa kama at bumulong sa sarili.

"Papasiyahin kita, Inay. Gamit ang hinulmang talento ninyo ni Itay sa akin."

Wicked Writers Series 2: Disclaimer [COMPLETED]Where stories live. Discover now