Chapter xxix

17 9 0
                                    

Malice's POV.

Napahawak ako sa ulo ko nang iminulat ko ang mata ko a tbumungad sa akin ang isang madilim na lugar. Inilibot ko ang paningin sa paligid, nasa tabi ko lang ang isang malaking basurahan, masikip din ang lugar na ito. Napapikit ako nang mariin at yumuko, doon ko muling naalala ang nangyari kani-kanina lang.

"Am I dreaming?" bulong ko sa sarili. Ngunit nang tuluyang makita ang dugo sa kamay ay natanto kong hindi ako nananaginip. That scenario was really happened.

"Ah!" sigaw ko nang muling bumalik sa utak ko ang tunog ng isang baril.

There is nothing to do it with me pero dahil sa nakita ko sa panaginip ay na-trauma na ako.

Sa ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko, alam ko sa sarili kong may nasaktan ako. That time was so tragic, hindi ko alam sino p'wedeng masabihan at mapuntahan ko.

Wala sa sariling tumayo ako, kahit duguan at madumi ako ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Tumitingin-tingin ako sa paligid, at isang mamahaling restaurant ang nasilayan ng mata.

Napakapit ako sa glass window nang makita si Mommy kasama 'yong kinakasama niya.

Nakangiting napaluha ako sa nakikita ko. Hindi ko alam ko sasaya ba ako dahil nakakatawa si Mommy kasama siya, o malulungkot dahil kahit kailan ay 'di ko nakita 'yon noong ako pa ang kasama niya.

Hagulhol kong hinawakan ang glass window na animo'y parang hinahagkan ko ang mukha niya. Ang elegante niyang tignan habang ako ay lugmok na lugmok ngayon.

Mapait na ngiti ko silang dinaanan na lamang. Ayokong makita niya akong ganito at baka mawala lang siya sa modo niya.

Hindi ko na ulit alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Ang alam ko ay papasok na ako sa subdivision nila papa.

Napatalon ako patago nang may isang sasakiyan na paparating.

Nang makitang kay daddy iyon ay dali-dali akong nagkalad kung saan siya patungo.

Nang makarating sa sa bahay nila ay napatago ako sa isang poste. Agad namang dumaan ang kirot sa dibdib ko nang makita ang kinakasama ni daddy.

"Thank you," nakangiting aniya ni Nausheen kay daddy.

"Welcome, honey," sagot nito.

Sa hindi alam ba dahilan ay biglang napahagulhol ako. Naalala ko ang mga panahong si Mommy pa lang ang sinasabihan niya noon. Ang mga panahong masaya at kompleto pa kami.

Napapikit ako at humiling na sana bumalik ka sa dati kahit alam ko impossible na 'yon.

They have their own lives, family. At ako? I'm just a piece of shit right now finding a person who'll help me to get over of this painful life.

Sumilip muli ako sa bahay nila. Pero malaking pagsisisi ang ginawa ko, narinig ko silang nagsisiyahan. Kompleto pala sila ngayon. Si Daddy, Ate, CM kasama ang mga minamahal nila.

Napagulantang ako nang may marinig na ringtone. Naalala kong nasa bulsa ko lang pala ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at nang makita ay napakunot ang noo ko dahil may kaunting basag na ito.

Umiling na lamang ako at may kaunting ngiting sinagot ang tawag ni Meen.

"Malice! Do you know the news about your dad? Aalis na siya next year bilang dean. Your lolo told my parents na papalitan na siya ng nakakatandang kapatid nito. Tito Eijas right? Siya 'yong papalit!" mahabang aniya Meen.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Kahit kailan ay hindi ko ito narinig galing sa bibig ni daddy. "Ah, Meen--"

"So, ayon lang. Me, Miykal and Fajra are at the resto somewhere right now to celebrate because we just finished the school year! And uh- I called you earlier so h'wag kang magtampo dahil ikaw naman 'yong 'di sumagot."

Umiling ako at napahinga ng malalim, mas lalong bumigat lang 'yong nararamdaman ko. "Okay..."

"Wait, are you okay?" tanong pa nito. "You can-"

The people on her line cut her off. "Meen, let's eat. Call can wait.".

"Yeah, papuntahin mo na lang si Malice dito if free siya. Kailan kaya 'yon magkaka-free time?" they said and chuckled..

I clenched my teeth in an unknown reason. Nakakainis ang word of speech nila. They are making it maarte like we are so close.

"Shh," Meen shh them. "Okay sweetie, I'll be back. Call you later, love you-"

"Yuck... Malice, punta ka na lang dit-" hindi na natapos ang sasabihin ni Fajra nang patayin na nang tuluyan ni Meen ang linya.

Napa-upo ako sa hindi maintindihan na nangyayari. Tila parang wala akong malalapitan ngayon. I can't go with Paulhan because he is also symphating on Lola la.

"So, ga-graduate akong hindi masaya," bulong ko sa sarili.

Umiling ako at tuluyang naglakad pauwi.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay biglang nag-ring muli ang cellphone ko.

Bigla akong naiyak nang makitang galing kay Paulhan 'yon.

"Malice? Kanina pa kita tinatawagan! Kamusta ka? Nasaan ka? Sinabi ni manong Ernest na hindi ka niya mahanap-hanap. Ayaw niya ring ipaalam sa pamilya mo dahil nahihiya siyang istorbohin ang mga ito. Uwi ka na, nag-aalala na siya... nag-aalala na rin ako..." nag-aalalang bungad nito.

"Paulhan..." humahagulhol kong tawag sa pangalan niya.

"Okay ka lang? May sumasakit ba sa 'yo? Pahinga ka na..." sunod-suno na tanong nito.

"A-ayoko na dito..." nanghihina kong aniya.

"B-bakit?" he stuttered.

"Hindi ko na kaya... hindi na ako masaya dito... Gusto ko ng lumisan dito, sa mundo. Walang-wala na 'ko..." Iniyak ko na ang lahat ng nasa damdamin ko. Si Paulhan lang makakagawa sa 'kin nito.

"B-bakit? N-nandito ako..."

"Pwede bang diyan muna ako? Aalis ako sa madaling panahon. Pagod na 'ko dito, nami-miss na kita... kayo nina Tita. Kayo lang ang lubusang inaalala ako palagi. Diyan na ako please, sa 'yo na muna ako magpahinga..."

I heard him sighed. "M-malice paano? Baka mahirapan ka sa lugar namin dito-"

"Hindi, basta kasama kita alam kong kakayanin ko. Sige na, kahit ngayong bakasyon lang, tatakasan ko lang 'tong mundong nakakapagod dito. Ayoko na."

"Malice..." Parang nagdadalawang-isip pa ito. "Talaga bang alam mong bumyahe? W-walang-wala ako ngayon kaya hindi kita makukuha mismo diyan para alalayan... sana maintindihan mo, Mal."

"H'wag kang mag-alala. Akong bahala. Tutulungan kita riyan. Ibebenta ko lahat ng mga gamit ko para may maitulong diyan. Kahit ngayon lang... maging pahinga rin ang bakasyon ko..."

Matapos ang usapan naming iyon ay agad akong umuwi sa bahay para mag-ayos. Kinabukasan ay tago akong pumunta sa paaralan para kunin ang mga mashalin kong gamit. Isinangla ko ito at inipon ang mga pera. Hanggang sa natanto kong tamang-tama na ang naipon kong pera paalis ay agad akong nag-book ng bangka papuntang Negros.

Tamang-tama ay sa mg araw na 'yon ay ipinaalam ko na kay manong Ernest ang nangyari. Pinagbakasyon ko muna ito ng ilang araw, inilusot ko lang na hindi naman ako lalabas dahil sa bakasyon na.

Suot ko ang cap at hoodie habang palabas ng bahay. May iniwan akong mga letters para sa mga tao dito. Habang bitbit ang isang malaking bag ay pumunta rin ako isa-isa sa mga bahay ng mga naka-close ko sa loob ng anim na taon para bigyan ng mga letra. Mukha mang aalis na ako ng tuluyan at sobrang drama ay nais ko lang pahalagahan ang mga oras na nandiyan sila sa tabi ko.

Sumunod ay nanghihina kong nilagay ang letters sa mail box ng gate nila daddy. Mabuti't walang tao dito ngayon.

Napahinga ako nang maluwag at tulyang sumakay sa taxi papuntang pier.

I sighed as I enter the ship.

Nang makasakay na ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang lugar kung saan marami akong napagdaanan.

"Today... I finally let myself out of this place, let me rest world."

Wicked Writers Series 2: Disclaimer [COMPLETED]Where stories live. Discover now