Chapter xv

25 13 0
                                    

Malice's POV.

I sigh and rest my back on my swivel chair. Nandito ako sa paaralan nagsusulat. Simula kasi noong nakita ko 'yong tungkol kina mommy, parang hindi ko matanggap. Hindi na ako gaano umuuwi sa bahay dahil may schedule ang pagpunta ng lalaki niya sa amin.

Oo, I know na nasabi kong okay sa akin kahit magkaroon siya ng iba pero-- tangina! Ang bata, parang ka-edad lang ni ate Michaela.

Napahinga ako nang malalim nang may mga luha na namang nagbabadya.

Simula nang pumasok ako ng senior high ay mas lalong gumulo ang buhay ko. Parang gusto kong linisin lahat ng mga gulo sa buhay ko... pero pa'no?

Napahigpit ang hawak ko sa kumot ko habang nag-iisip ng paraan kung paano ko ipapatapos si Kriel sa panliligaw sa akin. Natapos na ako kay Holgan, kaya siya naman.

Unti-unti na ring nahihinto ang pagiging hibang ko kay Ladan nang malaman kong may nililigawan siya. Ayokong magsayang ng oras sa mga bagay na wala namang patutunguhan... pero susuportahan ko pa rin naman siya, at nais ko pa ring makatrabaho siya sa paraang para naman sa pangarap ko.

Mabuti naman at nainitindihan ni Holgan ang desisyon ko kahit alam kong labag pa rin talaga sa loob niya

"Maybe liking you for years are worth it, but I know everything are not meant, atleast I tried." That was his message na tumatak talaga sa akin. I didn't know that he was liking me for years... since grade 7, I guess.

"I started liking you when I saw you grabbing your pen, and that's when I started liking you weirdly, your facial expression that I mostly liked is when it's curious."

Sa naalala kong sinabi niya noon ay napatingin ako sa kabuoan ng lugar. Dahil dito... sa pagiging palaisipan ko sa lugar na ito.

Morning passed, at ang hirap mabuhay sa paaralan na ito. Walang kaalam-alam si Daddy na dito ako namamalagi, hindi naman nagsayang ng oras si mommy na hanapin ako dahil nirason kong nasa kay Daddy ako.

Maaga akong nagising at agad na binati si Paulhan. Sa mga nangyayari ay hindi ko nakakalimutan ang isa kong tunay na kaibigan.

Naligo ako sa CR dito. At dahil sa silid naman ito dati, hindi malabong walang CR kaya naisipan kong ipaayos na rin.

And this day... is when I decided to talk to Kriel

: Are you free today? Let's talk after my class

That's my text before I decided to go to our class. Hindi ako mas maaga na pumunta dahil alam kong mapapansin nila.

I'm heading on our SHS building when I heard my name from the bathroom near my class room.

"Can I just stop talking to Malice? Ikaw lang naman ang pumilit sa 'kin na kausapin siya for the sake of Meenara! I just know that Kriel is courting her! Ayoko na Kayesha, tinatamad na 'kong maging sunod-sunuran kay Meenara. I have my freedom of choice at wala na akong pake kahit silang dalawa ay anak ng may-ari nito at stock holders!" And that's Joice.

Napahawak ako sa dibdib ko sa narinig. I don't know how to react. Akala ko buo sa loob nilang pakisamahan ako kahit mahirap. And then I can tell, Meenara is the only true among them but... she just having a symphaty on me.

Wala akong ni-react na makakaalam sa kanila na alam ko na. Tumungo lang ako sa silid na parang walang narinig. Maybe, I should also just turn them down.

Dahil sa pareho kami ng strand na kinuha ni Kayesha ay walang emosyon akong tumingin nang pumasok siya.

STEM naman ang kinuhang strand ni Joice, habang si Meen ay ABM. Ibig sabihin noon nagkanda-hiwa-hiwalay silang tatlo dahil kami ni Kayesha ay nasa HUMSS.

Pero nagtataka rin ako bakit ito ang kinuha ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako sociable at friendly. Or maybe... I found myself that I want to improve.

It's now lunch time and I have no time to have a fake chit-chats with them. Ayokong makaharap ang mga taong alam ko namang peke. Kaya sa huli, I end up eat on my own room, sinisigurado ko ring walang nakakasunod sa 'kin dito.

Kriel

: I am free today, just give me the time and place, I insist.

Ngayon ko lang nabasa ang message nito kaya ngayon lang din nabigay ang details kung saan malapit ng matapos ang araw.

Sumunod ang mga oras ay natapos na rin sa wakas ang klase. And I am now shaking, kabang-kaba na'ko. Feeling ko ma-me-mental block ako mamaya.

I settle my things na dadalhin, at dahil Biyernes ngayon ay alam kong wala ngayon ang kinakasama ni Mommy.

'I'm on my way' that was his text habang ako naman ay naghihintay na sa sinabing lugar. Mas maaga akong dumating kesa sa nilagay ko na oras.

"Hey! Am I late?" hingal na bungad niya. Parang habol pa niya ang hiningang dumating.

"It's okay," sagot ko.

His smile reminds me of Ladan. Magkapareho sila ng ngiti.

"A-ahh..." Tumikhim ako. "I just want to tell you that I appreciate you, your effort for me..." Napapikit ako sa hindi alam na naramdaman. Naaawa ako, pero tama na... tama na 'to. "And I am questioning myself if I am even worth it for all what you've done..."

"Y-yes you are, Mal..."

I sighed. "This... I don't want you to waste your time on me. And I know for myself also that I am not ready into something new... like this thing."

Nakita ko siyang napakuyom ng kamao at kagat sa labi nito.

"I am sorry, but I want you to stop from courting me. I may sound user but it's just all for Ladan... It was all for him why I didn't have to reject you that early."

"Are you really sure? W-wala na talaga?"

Napakagat din ako sa labi nang marinig ang pagpiyok ng boses nito. Tumango ako bilang sagot.

"It's okay... I understand. I will never be my brother, he is good... so much."


Wicked Writers Series 2: Disclaimer [COMPLETED]Where stories live. Discover now