Chapter xxxii

18 9 0
                                    

Paulhan's POV.

Halos isang buwan ding wala sa sarili si Malice. But I am happy that she is also helping herself to live her life. Ilang beses itong binangungot, kada gising niya ay todo iyak at pagsisisi ito. Sinisisi niya ang sarili sa pagkasira ng mga naiwan niya sa Manila.

"Malice! Gusto mo bang pumunta sa ilog?" tanong ko rito.

She coldly looked at me habang itinutulak ang mga paa sa lupa para gumalaw ang sinasakyan nitong duyan.

"Ano? Tara!" masayang yaya ko pa rito.

Nakangiting kumunot ang noo nito. "Bakit?"

"Anong bakit? Syempre bakasyon 'to, kaya dapat lang na maligo sa isang lugar."

"I mean... bakit ngayon? Pagabi na, Lihan."

Napakamot ako sa ulo ng matanto rin ito. "Ehh... p'wede naman 'yon, malapit lang ang ilog dito. H'wag kang mag-alala."

"Sige! Kukuha lang ako extrang damit saka tuwalya. Baka ginawin tayo mamaya. Magdala ka rin ng iyo!" sigaw nito sa 'kin at tumayo na para bumalik sa bahay.

"Dalhan mo na lang ako ng tuwalya! Nakakatamad bumalik, pogi ko pa naman."

"Yuck! Walang connect! Tamad ka lang!" sigaw ulit nito at tuluyan nang umalis.

Napangiti ako sa kawalan nang maisip na nag-iiba na si Malice. Unti-unti nang nawawala ang mga takot at pangamba niya. Ilang beses ko na rin siyang sinabihan na hindi niya naman kasalanan ang mga nangyari kaya dapat lang na hindi siya matakot.

Itinukod ko ang kamay sa lupa at nahagip nito ang isang bato. Kinuha ko ito at tinignan saka itinapon sa kalawakan. Unti-unti nang bumababa ang dilim. Ang sunset ay palabas na.

"Tara!" bungad nito nang makarating na habang bitbit ang isang pamilyar na tote bag, ang freebies ko dati sa libro ko.

"Hala! Ba't mo kinuha do'n? Ginagamit 'yan ni Inay sa pamamalengke!"

"Tanga! Akin 'to! Baka nakalimutan mong bumili rin ako ng libro mo. May authograph mo pa oh!" aniya saka pinakita ang sign na nasa bag ko.

"Okay, jino-joke time lang naman kita."

"Panget mo mag-joke! Tara na kasi!" nai-excite na yaya naman nito at nilahad ang kamay sa akin.

Nakangiting umiling ako saka kinuha na ang kamay niya bilang alalay sa 'kin patayo.

Nagsimula na kaming naglakad ay pareho naman kaming tahimik. Naalala ko naman ang nakita kong balita na si Malice ay hinahanap ni Ladan. Matagal na iyon at kahit kailan hindi ko ito pinakita sa kaniya.

'Yong mga kapamilya niya naman ay grabe na ang paghahanap sa kaniya sa social media dati. Her lolo's is so worried. Halos usapan din si Malice sa buong social media sa mga araw na iyon.

Marami ang nag-aalala pero marami rin ang nag-criticize sa kanya. They judge her kesyo nag-i-inarte raw ito at nagtago dahil wala ng pambayad sa publishing. Dinala pa ng mga ito ang problema ng pamilya niya. They said that finacial problem daw ang ikinahiwalay, at ngayon naman ay aalis na si Tito Justin sa paaralan.

I sighed. They just judged and judged. Puro naman nasa likod ng ibang mukha.

"H'wag mo ng isipin ang mga nangyari. I know Mom will understand why I escaped. I gave them a letter before I go though," biglang salita ng nasa tabi ko.

I smirked at shook my head. "'Yon naman pala, e ba't mo pa bi-nlock si Tita Pia sa mga contacts ni Mama?"

"Ayokong malaman ni Tita Rhianne na umalis ako nang walang matinong paalam. I don't want my parents nag at the phone."

"Hmm, got it."

"At saka hayaan mo na ang mga sinabi ng mga tao sa social media. I've read it, and naniniwala na talaga akong mas bagay sa kanila ang pangalan ko."

Kumunot ang noo ko dito. "Huh? Bakit?"

"Malice. Malisyosa. Mga malisyosa sila, pati buhay at detalye ng iba pakikielaman."

I burst into laughter when I realize what she said. "Oo nga 'no!"

"Tawang-tawa ka naman," pagsusungit nito.

"Ang baboy pala ng pangalan mo!"

"Mas mukha kang baboy kapag tumatawa!" balik nito. "Tara na nga at parating na ang sunset. Kapag talaga ito hindi ko naabutan patay ka sa 'kin."

Hindi na ako sumagot at tumakbong inunahan siya.

"Hoy! Hintayin mo'ko! Bastos ka!" sigaw nito.

Natatawang tumingin ako rito nang makitang nahihirapan siyang bitbitin ang tote bag na nakasabit sa balikat niya habang tumatakbo papalapit sa 'kin.

Nang makitang nakabusangot na ito ay dinahan-dahan ko na ang paglalakad at binigay ko ang kamay ko sa kaniya.

"'Yong bag, baliw." Tawa ko nang nilagay niya ang kamay niya sa kamay ko imbes na ibigay ang bag.

"Gago!" Tawa nito at binatukan ako.

"Mapanakit ka! Sinasaktan mo 'ko palagi ha!" Pati puso ko sinasaktan mo.

"Pake ko sa 'yo!" biro nito.

Umiling na tumawa na lang ako at sinundan na siya.

"Hay!" Singhal nito nang makaabot na kami sa isang ilog.

We used to go here before pero hindi ko alam kung naalala niya pa 'to

"Gagi, naalala ko 'to! Dito tayo naliligo dati 'di ba? Dito rin naglalaba sina Mommy at Tita! Hala, nakaka-miss..." masayang salaysay nito.

"Oo, buti naalala mo."

"Ang ganda pa rin talaga ng sunset dito kahit kailan! Ilang beses ko pa lang ito nasilayan simula no'ng dumating ako."

"Para ka kasing aswang na nagtatago."

"Eh kasi naman--"

"Heh!" sigaw ko dito at tinalsikan siya ng tubig.

"Hoy baliw ka! 'Yong bag mababasa! Baka umuwi tayong tanga."

"Tanga ka na dati pa kaya h'wag kang mag-alala!" tukso ko pa.

Inirapan lang ako nito at tinalikuran na para ilagay ang gamit sa isang puno dito.

Habang busy ito roon ay tumingin lang ako sa sunsent, inaalala ang mga kabataan namin dati.

"Hoy gago!" sigaw ko nang ako naman ang binasa nito galing sa likuran.

"Tanga talaga!" natatawang sabi nito.

Hindi na lang ako nagsalita ang binalikan ito ng pagsaboy ng tubig.

"Ang lamig!" malakas na sigaw nito sa kawalan.

Sa sinabi ay mas lalo ko itong binasa.

Sa mga oras na iyon ay pabalik-balik lang na pagbasa namin ng tubig sa isa't isa. Para kaming bumalik sa pagkabata.

Malapad ako napangiti nang maalalang iba ang ngiti ni Malice ngayon kesa sa nakikita ko noong mga nakaraang araw.

"I'm free!" malayang sigaw nito.

Lalaya ka rin sa totoong buhay, Malice. Hindi lang sa araw na 'to. Aalagaan kita at poprotektahan sa lahat ng bagay.

"Lalaya rin ang lahat."



Wicked Writers Series 2: Disclaimer [COMPLETED]Where stories live. Discover now