Chapter xxviii

22 10 0
                                    

Third Person's POV.

Malalim na pinagmasdan i Malice ang isang lumang gate at bahay. Nagdadalawang-isip ito kung papasok na ba ito o maghihintay pa sa signal ni Zhariah.

"Ah!" Napagulantang siya nang marinig ang nagmamakaawang boses. "Tulong!" mas malakas na sigaw pa nito. Napakunot ang noo ni Malice nang biglang nawala na ang mga guni-guni at bigla nang tumahimik ang paligid pagkatapos marinig ang isang lagapak.

Wala sa muwang na tuluyan nang pumasok si Malice sa isang lumang gate. Dahan-dahan nitong inihakbang ang mga paa, lumilinga-linga sa mag sulok na animo'y may biglang lulutang sa harap mo.

Nang tuluyang makapasok si Malice sa loob ng mismong bodega ay isang kwarto ang bumungad sa kaniya sa isang sulok.

Dahan-dahan itong sumilip at doon na niya nakita ang tatlong lalaki. Si Ladan na duguang nakayuko habang naka-upo sa isang upuan at ang dalawang nakamaskarang hindi mo lubusang makikilala dahil sa sobrang pagkabalot nila.

Malice heard Ladan's groan. He awaked because of the guy in a white kicked him.

"Ano ba kailangan mo?" galit na sigaw ni Ladan sa kanila.

"Wala, gusto ka lang naming maparusahan." Napatakip sa bibig si Malice nang makitang tinaya ng isang lalaking naka-itim ang isang patalim kay Ladan.

"Para saan? Nag-iisip ba kayo? Anong ginawa kong mali sa inyo! O baka... isa kayo sa ka-fling ni Zhari..." Tumawa pa nang nakakaloko si Ladan.

Napakunot naman ang noo ni Malice dahil sa pagtataka. What is he doing, tanong ni Malice sa sarili

"Gago! Sa 'yo na 'yang bold star na jowa mo!" sigaw ng naka-itim dito.

"Mas gago ka! Ginagamit ko lang 'yon! Pwede mo ng angkinin 'yon! Tanga!" balik na sigaw ni Ladan dito.

"So, si Malice pala talaga 'yong gusto mo?" biglang humina ang boses ng naka-itim.

"Parang nabobosesan kita ah!" Ladan lightly chuckled. Napabaling si Ladan sa kaliwang side dahil sa pagkakasuntok nito.

Sa kabila naman, si Malice ay takang nakatingin lamang sa kanila. Hindi alam ang gagawin. Ni miski siya ay nabobosesan ang lalaki.

"Gago! Hindi lahat ng tao iba-iba ang boses!" sa narinig ay nagtatakang napa-isip si Malice. Halata niyang nag-iba bigla ang boses nito.

"Okay..." tatangong-tango na saad ni Ladan.

"So, sino ba talaga 'tong gusto mo sa kanila? Lahat na lang inaagaw mo!" sigaw naman ng lalaking nakaputi dito.

"Bullshit, nonsense. Kasalanan ko bang hindi ka sinagot ni Malice?" Sa sinagot ni Ladan ay biglang lumambot ang naka-itim na lalaki.

Inis na kinuha ng naka-itim ang maskara nito. At doon nagunaw ang mundo ni Malice.

Kriel...

"Hindi ka magaling magtago kahit kailan, kapatid," iling na sambit ni Ladan sa kapatid.

"Tangina mo!" sigaw at sinuntok nito si Ladan.

Sa pagkagulat ay napatumba si Malice sa isang kahoy. Naitukod nito ang kamay niya dito kaya mahina itong napa-ungol sa sakit.

Balisang napatago si Malice nang lumingon dito ang dalawang lalaki.

Nang maisip nila na wala namang tao ay bumalik ang mga ito sa pagkaka-torture kay Ladan.

Napa-pikit si Malice dahil sa nakikita. Bumaling ang mata nito sa kamay ni Ladan na nakatali. Napakagat sa labi si Malice nang makitang unti-unti nitong inaalis ang pagkakatali rito gamit ang isang maliit na kutsilyo.

Sa kabila ay naghanda na rin si Malice sa magiging mangyayari kung gagawin man itong paraan ni Ladan para makatakas.

Nang tuluyang makalas ang mga tali ay nakita ni Malice kung paano hinanda ni Ladan ang sandata para maging self-defense nito.

"Oo, mahal ko si Malice!" sigaw ni Ladan at saka niya sinaksak sa nakaputing lalaki na kasulukuyang sinusuntok siya.

Agad namang sinipa ni Ladan si Kriel at nanghihina ngunit minamadaling tumakbo ito.

"Ladan!" sigaw ni Malice kay Ladan nang makitang palabas ito.

Gulat na tumingin dito si Kriel at si Ladan naman ay may halong pagtatakang tumingin din dito.

"B-bakit ka n-nandito?" nauutal na aniya ni Ladan kay Malice

Bago pa man maisukbit ni Malice ang kamay ni Ladan sa balikat nito para alalayan ay biglang nakarinig si Malice ng isang putok.

Gulat na napatingin ito kay Ladan nang makitang mas lalo itong bumagal sa paglalakad kaya sinalubong niya ito.

Napabaling muna si Malice kay Kriel na ngayon ay pilit na tumatayo habang hawak ang isang baril.

Bago pa man makatayo si Kriel ay patakbong umalis na ang mga ito para makatago.

"Bumalik kayo rito mga traidor!" pahabol na sigaw ni Kriel sa kanila.

"B-bakit ka nandito?" Muling tanong ni Ladan.

"Tinawagan ako ni Zhariah, Ladan..."

"'Yong sinabi k-ko-"

"Ladan! Tulong!" Sabay silang napatingin sa direksyon kung saan may sumigaw.

"Si Z-Zhariah 'y-yon..." nanghihinang ani ni Ladan. "Tutulungan ko siya..." pilit pa nito.

Walang dalawang-isip na inupo ni Malice si Ladan. "Ako na..." presinta na Malice.

Akmang aalis na ito nang hinawakan ni Ladan ang kamay nito. "Ito, kahit ito lang ang magiging sandata mo... k-kunin mo 'to." Lahad nito sa ginamit niyang palaso kanina.

Tumango na lang si Malice at kinuha ang linahad ni Ladan.

"M-mag-iingat ka..." nag-aalalang paalala ni Ladan dito.

Tumingin ito sa kanang paa ni Ladan na natamaan ng bala ng baril ni Kriel kanina. "'Y-yong sugat m-mo... 'y-yong dugo..."

Tumango si Ladan dito. "Oo, a-ako na bahala sa sarili ko. Unahin mo sarili ko-"

"Gago!" agad na tumakbo si Malice paalis nang marinig ang mga sigawan at kalabog sa isang sulok.

"Gago ka Kriel! Bakit mo 'to ginagawa sa kapatid mo!" galit na sigaw ni Zhariah sa lalaki.

Nang makatungtong sa lugar kung nasaan ang sigawan kanina ay bumungad sa kaniya ang nag-aagawang sina Zhariah at Kriel. Nakalimutan niyang isa palang marunong makipaglaban si Zhariah.

Kinakabahang humanap ng tiyempo si Malice para makalapit kay kriel na ngayon ay nasa likod na niya.

Nang makakita ng tiyempo Malice ay walang dalawang-isip na tumakbo ito papalapit sa kanila.

Sa pagpasok ng palaso ay ang sabay na pagsabog ng isang bala.

Halos huminto ang mundo ni Malice dahil sa hindi alam na nangyari. Tila natahimik ang buong paligid dahil sa nangyari.

Sa pagbitaw ng kamay ni Malice sa palaso niya ay ang pagbagsak din ng katawan ni Zhariah at Kriel.

Napalaki ang mata ni Malice sa mga taong nasa sahig. Tumingin ito sa kamay niyang puno ng dugo. At doon niya natantong pamilyar ang pangyayaring ito. Tila ito ang nasa panaginip niya.

"'Yong disclaimer na sinabi ng matanda..." bulong nito.

Dahil sa pagpa-panic ay wala sa sarili itong tumakbo palabas.

"Malice! A-anong nangyari?" habol na sigaw ni Ladan pero dahil sa wala sa sarili si Malice ay hindi na niya ito pinansin at patuloy ng lumabas ng lugar.

Habang palayo ito sa lugar ay narinig na niya ang maingay na serene. Doon nanghihinang napabalik si Malice sa pag-iisip.

Nang makalayo na ito ay doon niya natanto ang naiwan niya.

"Ladan..." mahinang sambit nito at doon na tuluyang umitim ang paligid niya, nawalan na ito ng malay...

Wicked Writers Series 2: Disclaimer [COMPLETED]Where stories live. Discover now