Chapter xxvi

26 9 0
                                    

Malice's POV.

Napatunganga ako sa selpon ko habang ang litrato ni Ladan ay nakapaskal doon.

"Ba't ba kasi ang pogi mo?" saad ko habang nakatingin sa isang hot picture niya. Napakagat ako sa ibabang labi habang nakangiti. "Sana hindi totoo 'yong nakita ko," dagdag ko.

Ilang minuto akong nakatulala sa mga litrato nito, dahil dito parang mas bumabalik ang dati kong paghanga sa kaniya. Ayoko man na bumalik ang dating hunghang na ako sa kaniya pero iba ang tama niya sa 'kin. Nakakairita.

Buong oras akong lutang at nakita ko na lang ang sarili kong nakaharap sa laptop ko habang may binubuong isang plot.

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto at doon ko nakita ang isang lumang box ko.

Lumapit ako dito at binuksan iyon. I am so curious because this box is so familiar.

Napakagat ako sa labi nang makita ang md poster ni Ladan dati. Napatawa ako dahil dami nito. I even have a fake CDs of his movies. Sounds so obsses, right?

Parang hindi makapaniwalang kinuha ko ang mga ito. Napatakip ako sa bibig kung ano ang itsura ng nakuha kong poster niya. Isang nakahubad sa pang-itaas si Ladan!

Napahilata ko sa tawa nang tuluyan ko na itong makuha galing sa box. Nakatupi ang mga ito kaya medyo nalukot na.

Tumingin ako sa side kung nasaan ang lamesa ko. Nang makita ang pader na bakante pa ay walang hiya ko itong inilagay doon. Mom wouldn't see it though, hindi niya naman ako chini-check.

I sighed, hindi ako makapaniwalang ito pa talaga ang nilagay ko rito. Dati ay wala talaga akong lakas nang loob para ipaskil ang lahat ng posters niya sa pader ko. Noon kasi ay mas may pake pa si Mommy sa 'kin.

Umupo ako sa sariling upuan at pinagmasdan ang ginawa ko. Pinipigilan ko ang hagikhik dahil parang tanga na ako rito. Ewan ko't bakit ganito 'yong reaksyon ko, parang bata.

Ibinalik ko ang tingin sa laptop at gumawa ng isang blurb. Nagdadalawang-isip pa ako kaya hindi ko muna ito ipinublish.

Umiling ako sa sarili dahil iba ang genre na naisip ko. I've read erotic novels and I am getting insane and questioned how they did or write those scenes.

Days passed I wasted my time watching romance novels. I am not too used watching this kind of genres, kaya sa una ay parang bata ko itong pinanood, may patakip pa ako ng mata kapag may mga kissing at bed scenes na uma-appear. Pero nang lumipas naman ito ay hinayaan ko na lang ang sariling mamulat sa mga ganitong pangyayari.

Dahil doon ay natutunan ko nang kaunti ang magsulat ng ganoon. Hanggang drafts muna ang istoryang iyon dahil baka magulat ang mga nakakilala sa totoong ako, pati na rin ng mga readers ko. I am still a minor for sake.

The day after that, Ladan gave me a call to tell na may emergency meeting kami sa susunod na araw. Bigla tuloy akong nakaramdam ng muling pagkahiya. Buong linggo ay siya ang nasa isip ko, I was day-dreaming him all those time. At sa susunod haharapin ko na siya? Para tuloy akong may sekretong alam niya.

"Thank you, Manong," pasasalamat ko sa driver namin nang hinatid niya na ako sa building ni Ladan. I am secretly shaking inside because of this unknown embarassment.

I sighed to feel relief. Habang papasok ay bigla akong nakaramdam ng pag-iihi. Dahil sa ang banyo nila ay madadaanan ang opisina ni Ladan ay hinay-hinay akong naglakad patungo dito.

Nang papadaan na ay napa-igad ako nang may marinig na nahulog na gamit galing sa kwarto ni Ladan. Taka akong tumingin sa pintong nakaawang nang kaunti.

Dahan-dahan akong lumapit dito, nagmamansid kung may tao ba sa loob.

"Ah..." Mas malakas na napa-igad ako sa gulat nang may marinig na babaeng umuungol dito.

Wicked Writers Series 2: Disclaimer [COMPLETED]Where stories live. Discover now