Tinignan ko ang GC para sa reunion sa school at nakita ko na minemention na nila ako.
From: Classmate 1
Love, punta ka sa meeting namin. Do'n sa bahay ni Mayor Herbert gaganapin.Biglang nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
"What? Bakit sa bahay pa nila?"
"Oh? bakit saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya Noy sa akin. Bumisita kasi siya rito kaya I'm glad na nakapag-bonding kami.
"May meeting for reunion kasi kuya, tapos sa bahay ni Herbert gaganapin," tugon ko.
Biglang tumawa si Kuya, "Ayon! kaya naman pala naka busangot ang mukha dahil sa EX niya na bahay gaganapin,"
"Alam mo kuya hanggang ngayon mapang-asar ka!"
"Nagtaka ka pa? E, baby ka pa rin namin."
Ngumiti ako bigla. "Naks! Love you, kuyaaa!"
"Love you too bunso namin. but don't forget to guard your heart. Hindi sa lahat ng panahon pagmamahal ang solusyon, minsan kailangan niyo rin isipin ang mga bagay-bagay, hahah"
"Bitter ka lang kuya, wala ka kasing ka-in a relationship," Asar ko sa kaniya.
"Kapag ako nagka-girlfriend, nako! Sinasabi ko sa 'yo"
"Hay nako. Magbibihis na muna ako. Bye kuya!" Paalam ko bago ako tumungo sa kwarto.
"Mom, where are you going?" Simon asked.
"I'm going to your tito Herbert's house, we have a meeting for our reunion," I said.
"okay mommy. Can I play Xbox with kuya?"
"Yes, but don't forget to sleep ha," paalala ko.
"Yes, momma. I love you,"
Tumungo ako kay Simon na nakaupo sa sofa habang naglalaro na kaniyang lego.
"I love you," sabay halik ko sa noo niya.
Nag-ayos na ako kasi kakatapos ko lang din maligo.
Ilang araw na kasi akong hindi tinetext ni Herbert. Kaya nagtaka tuloy ako bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na ro'n pala ang napag-usapan. Pakana na naman ba niya 'to?
Dali-dali na akong nag-ayos para makapunta sa bahay ni Herbert. Kahit ayoko pero wala akong magagawa.
Pagkatapos ko mag-ayos ay sumakay na ako ng sasakyan at umalis na rin kami.
"Love! Omayghad! You look great naman. You look like a girl boss," Wika ng Melanie, kaklase ko.
"Girl boss naman talaga siya. Heller she's the star of our section," Sabi naman ni Gibby, kaklase ko rin.
Pumasok na kami sa loob. Nakita ko si Teresa na nakayakap kay Herbert.
"Kung ako sa 'yo, Kris. Dedmahin mo 'yan," Bulong ni Gibby.
"Wala namang problema," Tugon ko.
"Nandito na kami!" Sigaw ni Melanie.
Kaya napalingon si Herbert at Teresa.
Lalapit na sana si Herbert ngunit pinigilan ito ni Teresa kaya mas minabuti kong tumabi kela Gibby at Melanie.
"So, ang napag-usapan noong nakaraan ay huwag na sa beach ganapin," panimula ni Gibby.
"Teka? Akala ko ba gusto niyo sa beach? Anyare?" Wika ni Teresa.
"Wala raw kasing budget 'yong iba para mag-ambag sa beach reunion. Kaya ang suggestion na lang sa campus natin,"
![](https://img.wattpad.com/cover/241599767-288-k618913.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (Complete)
FanfictionKristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when her love life fails many times, she decides to not entertain anybody and concentrate on her work, unt...