2

198 11 0
                                    


"Gigising ka o gigising ka!" Patuloy na paggising sa akin ni Kuya sa kama.

"Inuulit ko, Love. Gigising ka o isusumbong kita kay Mom na ang hirap mong gisingin."

Bigla akong bumangon sa pagkakahiga ko. Panakot niyo lagi si mom, how sad. Char!

"Kuya naman hindi mabiro." I chuckled while scratching my eyes kasi kakagising lang.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at tumungo na sa banyo para maglinis.

"Bilisan mo, baka abutan ka pa ng dilim." Pang-aasar ni Kuya sabay labas ng kwarto ko.

Aga-aga nang-aasar kuya ko. Pagkatapos ko maligo bumaba na ako para kumain. I already saw my mom, cooking at the kitchen. While my siblings are sitting at the dining room.

"Magandang umaga, bunso." Pagbati ng pinaka ate namin na nakaupo na sa harapan ng lamesa.

"Love you ate." Sabay pout.

"Good morning, love. Sit down na here, so you can eat na." Aya ng pangalawa kong ate na umupo sa tabi niya dahil bakante ito.

"Gising na gising." Sabay pisil ng pisngi ko ni kuya.

"Ayyy!" Sabay hampas ko ng kamay niya. "Kuyaa! I'm not baby anymore, 3rd year high school na ako." I said.

"3rd year? Sus!" Pang-aasar ng kuya ko.

"Bago kayo magpatuloy sa asaran, kumain na kayo." Sabay lapag ni Mom ng mga pagkain.

Iba talaga ang mom namin, palaging masasarap ang hinahain sa amin.

"Thank you Mom." Sabay pout ko.

"No, always say thank you to God. Mag-pray muna before you eat."

"Yes, Mom." Tugon naming lahat.

Si ate Elena na ang nag-lead ng prayer.

My ate Elena, is my eldest sister, followed by ate Aurora, then kuya Noy, then Ate viel, then the last is me, Kristina Love Aquino. Si kuya Noy lang ang lalaki sa aming magkakapatid.

I'm so happy and blessed to have them. Wala na ang dad namin, since bata pa lang kami namatay na siya because of cardiac arrest.
Nasa dugo na talaga namin ang madalas magkaroon ng komplikasyon sa puso.

"Amen." patapos na sabi ni ate bago kami kumain.

"Kristina, your lunch is already in the car, don't forget that, okay." Paalala ni Mom.

"Yes, mom. Thank you and I love you." I said.

"I love you too." Tugon ni mom

After namin kumain, dumiretso na kaming lahat sa kotse para ihatid kami sa eskwelahan. Malapit-lapit lang naman ang mga eskwelahan namin kaya hindi mahirap na ihatid kaming lahat do'n. 3rd year high school na ako, isang taon na lang at mag-college na rin ako.

"First day of class ni Love, tiyak akong marami na naman mabibingwit 'to." Pang-aasar ng kuya ko sa akin.

Hindi talaga nakokompleto araw nito kapag hindi ako naasar

"Tumigil ka riyan, Noy." Sita ni Ate Elena.

Always my protector, hihi.

"Kasalanan ko bang maganda lahi natin at pinagkakaguluhan ako lagi?" Biro ko.

Natawa naman silang lahat.

When I arrived at school, I already saw Teresa my friend from 1st year high school.

"Love!" Sigaw nito sa pangalan ko at sabay akap nito sa akin. "We're classmate ulit! I'm so happy." Dagdag nito sabay bitaw sa pagkaka-akap sa akin.

Love Me Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon