46

155 7 3
                                    

"Kanina mo pa ako ayaw pakawalan, Kristina Love?"

Nakauwi na si Herbert at tumuloy muna siya sa bahay ko. Hindi ko maalis 'yong pagkakaakap ko sa kaniya. I really miss him and sobrang worried ako sa kaniya dahil sa sitwasyon niya.

"I just really miss you," wika ko.

He kissed my forehead and hold my hand.

"I know nag-worry ka sa akin. But I want you to know what really happened."

Tumingala ako sa kaniya para makita ang mukha niya.

"Hindi na ako tatakbo this coming election."

"What? Herbert bakit?" tanong ko.

"Ilang taon na Kris na nag-serve ako. I think I deserve to have a peaceful and quiet life na. I have you na and I think I'm okay. Pwede pa naman ako mag-serve just like Kuya Noy did na kahit walang posisyon."

"I just don't get it na ikaw ang huling alas nila?" I asked sabay siksik pa rin sa kaniya.

"They want me na kalabanin 'yong kaibigan ko dahil mukhang tatakbo as Mayor ng QC. Then, naghiwalay tayo no'n. I don't know. Ikaw 'yong iniisip ko no'n na maybe kailangan ko muna magpahinga from politics para mapagpokusan na ayusin 'yong buhay ko and the kids also. I mean, you know what happened to me Kris, it just," huminga siya bigla. "Nang maghiwalay tayo, I felt, parang wala na. Kaya sinabi ko sa kanila na hindi na ako tatakbo. Ang inisip nila, susuportahan ko 'yong kaibigan kong tatakbo. Iniisip nila traydor ako."

"Ngayon alam ko na kaya gano'n sinabi ni Gov. Robert sa akin."

"Langya 'yan. He's the reason why bumalik agad ako sa Pilipinas. He threatened me na gagalawin ka dahil wala na raw tayo. He even said na, palabas lang daw natin 'yong hiwalayan para ma-caught ko attention ng mga tao at ma-endorse ko 'yong kaibigan ko."

"How pathetic! Kaya pala he said that," I rolled my eyes.

"But everything will be okay, Hon. Huwag ka mag-alala."

"Did he threatened you like, to kill you?" I asked.

"Hah? Uhm," biglang may tumawag kay Herbert kaya inalis ko ang pagkakaak sa kaniya habang siya'y sinagot ang phone call at tumayo at lumabas ng kwarto.

Kinuha ko 'yong phone ko at nag-scroll lang ako sa Instagram.

Makalipas ang 10 minuto bumalik na si Herbert.

"Sino 'yong tumawag?" tanong ko.

"Si Doc. Gia, asawa ng kaibigan kong tatakbo sa QC," malungkot ang tono ni Herbert.

"Hah? Oh, may nangyari ba?"

"Binaril 'yong husband niya ngayon, 'yong kaibigan na magiging kalaban ko sana sa QC."

Nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig ko sa gulat.

Kita ko sa mata ni Herbert ang lungkot.
Naupo siya sa gilid ng kama.

"Hon," inakap ko siya nang mahigpit at hinawakan niya ang kamay ko.

Walang lumalabas sa bibig ko kundi pagyakap lang sa kaniya. Bigla akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan.

"Hon," humarap si Herbert sa akin. "Let me fight this alone, okay. Kailangan kong harapin si Gov. Robert."

"But, Herbert. We are now partners. Sabay natin lalabanan ito."

"Kris, hindi ko kayang makita kapag may isa sa kanilang magmaltrato sa 'yo, may masabi na masama, ni ultimo bantaan ka. Hindi ko kaya at baka iba magawa ko sa kanila."

"Pero," Inakap ko ulit siya. "Mag-iingat ka please."

"Sorry, dahil na-involve ka sa gulo na 'to." he said at ramdam ko na nag-aalala siya sa akin.

Pero mas matindi ang pag-aalala ko sa kaniya.

Hindi ko na siya napigilan at tumuloy na siya sa pag-alis.

Natatakot ako na may mangyari sa kaniya. Natatakot na mawala siya sa akin.

"Alam mo nakatatakot talaga ang politika," Kuya Noy visited me after kong makwento 'yong nangyari.

"Kuya nag-aalala ako sa kaniya."

"Bunso, let's face the reality that politics sobrang dumi. Lahat gagawin para sa kapangyarihan. Pero alam ko naman na gagawin ni Herbert ang lahat para hindi ka mag-alala."

I suddenly hug my kuya.

"Bunso, alam kong nag-aalala kay Herbert pero ano man ang mangyari lalaban tayo at nandito lang kami."

"Thank you, Kuya for always being there for us."

Pagkatapos namin mag-usap ni Kuya. Inayos ko muna lahat sa bahay bago ako pumanik.

Kumuha ako ng milk and bread saka ako pumanik.

"Mom?" bigla akong lumingon kay Joshua na tumawag sa akin mula sa kwarto niya.

"Why are you carrying so many bread? Let me help you," how sweet Joshua. He helped me agad.

"Well, nagke-crave ako bigla sa bread and milk."

"Okay, dami nito, Mom. Kaya mo ubusin hahah," biro nito.

"Hay nako, niloloko mo 'ko," tugon ko sa kaniya.

"If you want something pa Mom, just let me know."

"How sweet naman our Kuya. Hug me nga," niyakap ko si Joshua.

"I love you, Mom!"

"I love you too, Honey."

I ate everything. Ewan ko, nagke-crave pa nga ako sa maalat haha. Weird ang cravings ko lately.

Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto ko and I saw Herbert.

"Still gising?"

Tumungo ako.

"Anong oras na? You should sleep na."

"I'm waiting for you. Ano na nangyari?"

I still see Herbert's sad face.

"Too late, Hon. Wala na 'yong kaibigan ko."

Nahiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Condolences, Hon," Niyakap ko siya.

Iba 'yong yakap pabalik sa akin ni Herbert. Ramdam kong mabigat. May sakit at lungkot.

"I love you, hon" wika niya.

"I love you too, mahal." tugon ko.

Love Me Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon