Next day.
"Good Morning," bati ni Herbert nang makita akong nag-aayos ng gamit. "Kristina, I'm sorry about what happened last night," panimula niya nang makabangon siya mula sa kama.
"I have to go. Start na ng shooting ko for the movie that you rejected," tugon ko na may pang-aasar.
"Oh? Nga pala. I'm sorry," lungkot na tono nito.
"Herbert, I need to tell you something," seryosong tono ko. "I know I said yes last night about your proposal. But could we please settle everything muna? Teresa, Gabriela, your children, lahat ng tao sa buhay mo. Sa buhay ko. Ayoko na ulit maulit 'yong noon na binigla natin lahat and then what happened? Hindi pala ako tanggap ng mga bata. Nagkaroon tayo ng away. Settle everything on your side at ako rin. If you want this relationship works."
"I will. I will. But please don't leave me," pakikiusap niya.
"I will never leave you unless you give me a reason to leave you again," tugon ko.
Lumapit siya sa akin at inakap ako.
"I miss you so bad. I love you and thank you for coming back into my life," wika nito.
Inakap ko siya nang pabalik. "I love you."
Tinanggal niya ang pagkaka-akap sa akin at tinignan ako.
"Hatid na kita sa shooting area mo," alok nito.
"No na. I already call my drivers. You should go na to your work," tugon ko.
"Sayang naman. But, I have to tell you na mag-out of the country kami for a meeting. 2 weeks lang naman 'yon. I'll update you kapag aalis na rin ako," wika nito.
"Ah, aalis ka pala. Okay, take care of yourself," tugon ko sa kaniya habang nakangiti.
"Namiss kong masilayan ang mukha mo," hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinagmasdan ako. "Huwag ka mag-alala hindi ako mambabae ro'n," wika nito na natawa naman ako. "O? ba't ka natawa?"
"E, bakit mo sinasabi 'yan?" tanong ko.
"Sabi kasi ng ibang mayors, pinapaalalahanan daw sila ng mga asawa nila na huwag mambabae sa America. E, kaya sinabi ko sa 'yo," wika nito habang natatawa-tawa.
"Alam mo, nasa sa iyo naman 'yan kung hindi mo na ako mahal e. Saka, nasa iyo na rin kung lolokohin mo 'ko," tugon ko.
"I will never do that. Lahat ng pagkakamali ko sa 'yo, lahat 'yon itatama ko. At hindi ako mambabae. Ikaw lang ang tanging babaeng hinintay ko nang matagal para mapasa-akin. Ayoko ng mawala ka pa ulit," wika niya sabay hawi sa buhok ko.
"Binobola mo lang ako e," biro ko sa kaniya.
"Hindi no. Palabiro man ako mula high school natin hanggang ngayon pero kapag sinabi kong seryoso ako, seryoso ako," tugon niya.
"Oh siya, I'll go na. Baka ma-late pa ako. Have a safe flight sa inyo," pagpapaalam ko sabay kuha ng bag ko.
"Nga pala, Kris," tawag nito sa akin kaya lumingon ako.
"Walang ano?"
"Anong, ano?" pagtataka ko habang nagse-sway-sway siya na may gustong sabihin.
"One lang?" sabay ngumuso nang saglit.
Tumawa naman ako. "Ano? Tinalo ka pa ng bata. Hindi mo kayang idiretso tanong mo," wika ko sabay irap sa kaniya.
"Aalis ako syempre, walang good luck kiss? Goodbye kiss? Or Mahal kita kiss?"
"Baliw ka talaga!" lumapit ako sa kaniya to give a peck on his lips. "Happy na?"
Tumungo siya nang parang bata habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (Complete)
FanfictionKristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when her love life fails many times, she decides to not entertain anybody and concentrate on her work, unt...