[10] Mona

163 6 5
                                    

Pansampung Kabanata


Naalimpungatan ako ng makarinig ng kalabog sa pinto.


Gabi na pero nasa banyo pa rin ako ng eskwelahan. Siguradong pagagalitan ako neto.


Nanghihina na ako kaya di ko maialis ang pagkakasandal ko sa pader.


Ang bigat ng katawan ko at namamawis na rin ako ng malamig.


Ito ata ang epekto ng pagpapalipas ko sa pag inom ng gamot.


Ngayon lang ako muling hindi nakainom ng gamot.


Kung dati ay nagagawa ko pang lunukin ang sakit, matapos kong magising sa ospital, dalawang taon na ang nakakalipas, ay pakiramdam ko'y tuluyan na akong nanghina. Kahit simpleng pagliban sa pag kain ay sobra nang nakakaapekto sa akin.


Tanging mga mata ko lang ang nailingon ko nang pabalag na bumukas ang pinto.


Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang iluwa niyon sila Kuya Raz at Sir Theo. Seryoso ang mga anyo nila.


Mukha silang galit.


Palalayasin ba nila ako ulit?


Pinanghinaan ako ng loob. Sinubukan ko silang nginitian kahit sobrang bigat ng paghinga ko. Nagbabaka sakali lang ako mabawasan ang galit nila.


Kasi di ko naman sinasadya.


Pero di ako makangiti ng matagal dahil sa sama ng pakiramdam.


Iidlip siguro muna ako ulit. Mamaya pag maayos na pakiramdam ko, saka ko na lang siguro haharapin ang galit nila.


"...find whoever did this and make them pay..." ito ang huli kong narinig na sabi ni Sir Theo bago ako tuluyang nakatulog.


~~~~~~~~~~~~~


Nakakubkob ako ngayon sa desk. Ilang araw na ang nakakalipas simula nang may magkulong sa akin sa banyo.


Nagising na lang ako kinaumagahan eh nasa kwarto sa 3rd floor na ulit ako.


Di naman nila ako pinagalitan. Sinabihan lang nila ako na wag na wag ko raw aalisin yung kwintas na bigay ni Sir Theo. Para daw parati nila ako mahanap kapag nawawala ako.


Dinagdagan din daw nila ang dose ng gamot ko kaya mabilis ako antukin ngayon.


Ilang araw na rin akong antukin. Buti si Ax antukin din kaya madalas nagigising na lang kami pag vacant na nila Kazer.


Pareho siguro kami ni Ax ng schedule kaya parati ko siyang naaabutan sa ginibang building sa tuwing dadating ako.


Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon