[6] Friends

175 6 0
                                    

May ngiti sa labing hinahanap ng limang taong gulang na batang babae ang kanyang Kuya Raz upang ipakita ang kanyang bola na gawa sa papel.


Noong nakaraang araw kasi ay sinabihan siya ni Sabina na di na raw sila Kuya Raz makikipaglaro sa kanya dahil wala naman siyang laruang kanya talaga at nakikigamit lang siya ng mga laruan nila. Kay't naisipan niyang gumawa ng sarili niyang laruan upang makapaglaro muli kasama nila.


Pagpasok niya ay agad niyang narinig ang masayang tawanan. Sinundan niya kung saan nagmumula iyon at nakita niyang nakikipaglaro ang Kuya Raz niya sa ama sa kabilang gilid ng hardin kung saan nakatayo ang maliit na basketball court. Pinanood niya lamang maglaro ang mga ito. Nakakatuwa tingnan. Di man niya maintindihan ang larong iyon ay naeengganyo pa rin siyang tingnan ang dalawa. Maya maya pa'y puro kilitian at tawanan na lamang ang nakikita niya. Gusto niyang sumali sa kanila pero agad niyang napigilan ang sarili. Nawala ang ngiti niya sa mga labi nang maramdamang tila bumibigat ang loob. Ilang beses siyang napalunok at lalong isiniksik ang sarili mula sa pinagtataguan. Magagalit ang ama niya pag nakita siya nito at pag nangyari yun ay baka magalit din sa kanya si Kuya Raz.


Dahan dahan siyang bumalik sa loob ng mansyon upang tingnan kung pupwede bang maaya si Sabinang makipaglaro. Sumilip siya sa kwarto ni Sabina at nakitang naandoon si Madam Dalia. Sinusuklay ng huli ang buhok ni Sabina. Banayad at may pag iingat ang mga galaw nito. Tila takot ito na masaktan si Sabina. Pinagmasdan niya na lang rin ang dalawa ng ilang minuto at dahan dahang umatras upang di makagawa ng ingay.


Bumalik siya sa bodega at umupo na lang sa sahig. Walang kahit ano doon liban sa mga lumang kagamitan na ayaw nang gamitin ng pamilya pero di pa naitatapon.


Ang tanging pagkakataon lamang na nakakaupo siya sa upuan o nakakahiga sa malambot na sofa ay sa tuwing wala kina Madam Dalia, Sir Theo, Sabina at mga bisita ng Kuya Raz niya ang naandyan. Kukonti lamang ang mga pagkakataong ganun kaya parati niyang sinusulit. Ilang ulit na niyang hiniling na sana ay maisipan nilang magpalit ng sofa at itambak sa bodega ang luma. Ngunit hindi ito nangyayari. Kung magpapalit man ng sofa ay agad nila itong itinatapon kaya simula't sapol ay sa sahig lamang siya natutulog at umuupo.


Tinitigan niya ang laruang ginawa sa kanyang kamay. Di na niya maramdaman ang kaninang pagkatuwa nang matapos niyang magawa iyon. Ilang mga papel din ang kanyang nilamukos ng papatong patong upang makuhang tumalbog nito kahit papaano. Mababa lamang ang talbog nito pero tumatalbog pa rin. May laruan na siya at dapat niya itong ikatuwa. Pero sa di mawaring kadahilanan ay tila gusto niyang umiyak.


Di niya alam kung bakit parang mabigat pero hungkag ang nasa loob niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman.


Pilit niyang iwinaglit sa utak ang nararamdaman. Ang mahalaga ay may laruan na siyang sarili. Makikipaglaro na muli sa kanya sina Kuya Raz at Sabina.


~~~~~~~~~~~~~




Pang-anim na Kabanata



Vacant period na at may isang bagay akong nadiskubre. Mahirap pala maghanap ng suite na walang tao ngayong nagumpisa na ng opisyal ang klase. Nakailang silip na ako sa mga suites lahat may tao at maingay.

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon