Pasimpleng itinago ng tatlong taong gulang na batang babae ang isang maliit na pirasong tinapay sa kanyang damit at nagmadaling mag-hanap ng espasyong matataguan habang walang pang nakakakita sa kanya. Natatakot siyang mahuli dahil baka mapalo nanaman siya. Napagbintangan siya noong isang araw na pumatid sa kanyang Kuya Raz na ikinatapon ng pagkaing hawak nito kaya napalo siyang muli at pinagbawalan na ng ama na sumabay sa kanila sa hapag. Nakaligtaan na rin siyang bigyan ng makakain kaya naisip niyang pumuslit na lamang ng kahit ano. Isa't kalahating araw na rin nang huling siyang nakakain.
Hinihingal siyang nakarating sa sala nang mamataan niya ang ama na paparating at may kausap sa cellphone nito. Agad agad itong tumalima at nag hanap ng makukublian. Dahil sa tila sunod sunod na pagalit nito sa kaniya, naoobserbahan niyang nagagalit ang ama sa tuwing nakikita siya kaya't naisip niyang mas mainam pagtaguan ito.
Ang una niyang namataan ay ang kurtina na napapagitan ng dalawang palara. Agad siyang nagtungo roon upang magtago. Tanging ang mga maliliit na paa lamang niya ang makikita at di natatabunan ng kurtina. Humigpit ang hawak niya sa tinapay na siya namang ikinapisa nito. Ilang sandali na rin ang lumipas nang makarinig siya ng mga yabang na tila papalapit s a kanya. Sa takot ay nag-umpisa na rin siyang manginig. Kahit hawak pa ang pisang tinapay ay ginamit niya ang dalawang kamay upang tabunan ang mukha habang nakapikit. Siguradong pagagalitan at papaluin nanaman siya 'pag siya ay nahuli.
"kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala!"
Sa pag-muklat ay nakita niya si Kuya Raz niyang nakangiti na agad ding napalitan ng pag-kunot nang mapansin ang hawak niya. Agaran niyang naalala ang hawak kaya madali niya iyong itinago sa loob ng kanyang damit. 'Sana di niya ko isumbong'
"Dito ka lang. May kukunin lang ako," sabi ng Kuya Raz niya at nagtatakbo papasok ng kusina kung saan siya nanggaling.
Hindi siya sigurado kung dapat ba siyang kabahan na baka isumbong siya nito pero sa mansyong iyon ay kasama ang Kuya Raz niya sa iilang tao na di nagagalit sa tuwing nakikita siya.Minsan nga'y kinakampihan pa siya nito.
Nanlalaki ang mata niya nang makita ang pagbalik nito. May bitbit itong tatlong pirasong tinapay at isang itlog. Binabalanse nito ang mga iyon sa maliliit nitong mga kamay. Nakangiti itong lumapit sa kanya, "kain ka na!"
Pangalawang Kabanata
Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng pang apat na building na nililibot ko. Di ako sigurado kung saan pupunta. Dahil unang araw ng klase, ay wala ang professor. Halos wala nga rin akong mga kaklaseng pumasok. Tatlo lang din kami kanina sa classroom. Ang nakalagay naman sa schedule ay 11:30 pa ang susunod kong klase kaya hindi ako sigurado kung saan tatambay.
Laking pasasalamat ko na rin at wala ako masyadong nakikitang estudyante. Maaaring alam ng mga ito na marami sa mga professor ang di pumapasok sa unang araw ng klase.
Kung ito lang ang dati kong eskwelahan ay nasa likod na 'ko ng building at nangongolekta ng mga pwedeng maibenta. Pero iba na ngayon. Liban sa mahigpit na pinagbawalan ako ni Kuya Raz na manghalungkat ng basurahan kanina nang hinatid niya ako sa classroom, ay masyadong maraming building sa paaralang ito. Hindi ako sigurado kung saan tinatambak ang mga basura sa lugar na ito. Masyado ring malinis at parang nakakahiyang maghalungkat.
BINABASA MO ANG
Lorem Academy (School of Elites) : Healing Her
Novela JuvenilShe's a girl with no name. Literal na di siya nabigyan ng pangalan nang siya'y ipanganak. She doesn't even have any documents to prove her own existence. She was born in a family who only sees her as a scandal. Isa lamang siyang sekreto na dapat ita...