[14] Rizette Angela

117 7 4
                                    

Tada!!!! Nabigla din ako na napapasulat ako ngayon 🤣😂🤣😂🤣😂


~~~~~~~~~~~~~~~


"KUYA!!!"


"SIR THEO!!"


"ATE YAN-YAN!!!!!"


"TATAY EDGAR!!!"


Namamaos na ang labindalawang taong gulang na batang babae sa kakasigaw ng tulong. Ilang oras na rin siyang naririto


Hindi siya sigurado kung paano siya napunta sa sitwasyong ito. Nagising na lamang siyang nakahiga sa tila napakaliit na kahong gawa sa kahoy.


Ang huli niyang naaalala ay galit na galit si Madam Dalia nang malaman na balak na siyang pag-aralin ni Sir Theo pero ilang oras matapos nun ay pinuntahan siya ni Madam Dalia na may dalang pagkain.


Ni hindi siya makabangon dahil tamang tama lang ang kahon sa pagkakahiga niya. Di rin siya makagalaw dahil sa kasikipan. Nahihirapan na siyang huminga dala ng pag iyak at sa kakulangan ng hangin sa paligid. Pakiramdam niya ay nasa ilalim siya ng lupa dahil sa kanyang naaamoy.


Nananakit na ang buo niyang katawan. Pumipintig pintig ang kanyang sentido. Basang basa na rin siya dala ng pinag halong pawis, luha at tubig na unti unti nang pumapasok sa loob ng kahon gawa ng ulan.


Hindi na niya alam ang dapat gawin. Hindi rin siya sigurado kung anong mangyayari. Ang alam niya lang ay natatakot siya.


"Kuya... Sir Theo..."  nanginginig na hikbi niya. Walang may nakakarinig ng paghingi niya ng tulong.


Ipinikit niya ang mga mata at inisip na kunyare natutulog lamang siya. Kung mapaniwala niya ang sarili ay baka sakaling makahinga na siya ng maayos o di kaya ay di na siya matakot.


Magiging maayos din ang lahat...


Nakarinig siya ng pag tahol mula sa kalayuan.


Kilala niya ang tahol na yun.


Si Whiskey. Isa ito sa mga alagang aso ni Sir Theo na parating galit sa kanya. Parati siya nitong tinataholan. Kahit dumadaan lamang siya ay parati itong nag aakmang susugurin siya.

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon