[4] New Life

240 5 0
                                    

Gegewang gewang gawa ng kalasingan na naglalakad si Theo papasok ng mansyon nang mapatigil siya. Tila may sariling utak ang kanyang mga paa at natagpuan na lamang niya ang sariling naglalakad papuntang bodega.

Mag-lilimang buwan na simula ng iuwi niya ang bastardang anak niya sa babaeng iyon. At sa limang buwan na iyon ay araw-araw niyang natatagpuan ang sarili sa bodega kung saan niya iniwanan ito upang tingnan ang kalagayan nito.

Alam niyang kulang sa buwan ng ipinanganak ang bastardang ito ngunit ipinagwalang bahala niya iyon. Di niya ito dinala sa hospital o klinika man lang upang masuri ang kalagayan nito. Ayaw niyang bigyan ito ng espesyal na atensyon dahil para sa kanya ang anak niya lang na si Raz ang may karapatan sa kanyang atensyon. Mahina na rin naman na ang pulso ng sanggol na ito ng maipanganak kaya't di na rin naman nakakapag taka kung isang araw ay sumuko na lang ito. Bakit pa niya kailangang bigyan ito ng pansin kung mawawala lang din naman ito?

Ngunit hindi niya kayang marinig at makita ang mga iyak nito kaya't itinambak niya ang sanggol sa bodega. Alam niyang palihim itong inaalagaan ng mga katiwala nila sa mansyon at maaaring iyon ang rason kung paanong hanggang ngayon ay kumakapit pa rin ito.

Pagpasok niya ng bodega ay napatigil siya nang makitang gising pa ito. May parang kinakalikot ito sa kanyang mumunting palad. Pero ng tingnan niya ay wala naman. Nilalaro lang nito ang kanyang mga maliliit na daliri. Di niya maintindihan bakit niya pa kinakailangang silipin ang bastardang ito na tila may pakialam siya. Samantalang kung ikukumpara naman sa isa niya pang bastarda na si Sabina na halos isuka ang sariling baga sa kaka-iyak, ay mabibilang lang sa kaniyang mga daliri ang mga pagkakataong naririnig niya itong umiyak. Hindi iyakin ang isang ito kaya napakadaling ipagsawalang bahala. Dahil hindi naman ito alagain.

Napabuga na lamang siya ng hininga. Mukhang maayos lang naman ito. Napalingon naman sa gawi niya ang sanggol nang marinig ang kanyang pagbuga. Nakakatuwa na kumikilala na ito ng mga tunog.

Ngumiti ito nang makita siya at gumawa ng mga tunog na tila kinakausap siya.

May kung anong galak na naramdaman si Theo sa ngiting iyon ng bastarda. Nagmukha itong isang anghel. Di na niya napigilan ang sariling lumapit dito at halikan ang noo nito. Lalong lumawak ang ngiti ng sanggol na parang tuwang tuwa sa atensyon galing sa kanya. Mas lalo nitong pinag-igihan ang pagkausap sa ama gamit ang mga tunog na tanging ito lamang ang nakaka-intindi.

Akmang bubuhatin na niya ito upang ihele sa pagtulog ay bigla niyang naalala ang ina nito.

Binitawan niya ang bata na tila napaso.

Anak siya ng babaeng yun. Ang babaeng sumira sa masaya niyang pamilya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pang-apat na Kabanata

Pasado alas-dos na ng hapon nang pagpasyahan ni Kuyang umuwi na kami. Wala naman daw kasi talaga ang mga professors ko ngayon. Kahit daw bukas at sa mga susunod pang mga araw ay malaki ang tsansang wala ring mga professors pero may pumasok pa rin dahil madalas ay may mga iniwang assignments.

Sa isang kainan kami sa loob ng campus kumain kanina. Hindi iyon yung cafeteria. Mas kaunti ang tao doon at tuwing hapon at gabi lang daw bukas. Saka ko lang din nalaman na di pala tumatanggap ng aktwal na pera ang eskwelahang ito. Ang ID Card daw mismo namin ang ginagamit para sa ano mang uri ng transaksyon.

Ang mga estudyante raw, pwera sa aming mga Diamond Card holder, ay kailangan pumunta sa automated machines at mag "cash in" para magamit nila ang kanilang Card. Habang kami namang mga Diamond Card holder ay hindi na raw kailangang mag cash in dahil pwede namin gamitin ang Card ng walang limitasyon. Si Sir Theo na lang daw bahalang mag bayad nung sa amin ni Kuya pagkatapos ng sem.

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon