[8] Tupperware

149 9 0
                                    

Pangwalong Kabanata

Seb's POV

"Ba't nga kasi ang bait mo dun sa new student?" Muling pangungulit ni Kazer kay Ax.


Kahapon pa kami nagtatanong patungkol sa babaeng yun. Lahat kami nakucurious kung sino ang babaeng yun. Ni pangalan ay wala kaming makuha. Kahit si Jonas ay wala ring makuhang impormasyon dito.


Mas may pakialam pa nga ako kung sino ba talaga yung new student kesa dito sa babaeng kanina pa tawag ng tawag.


Alam kong naririndi na si Ax. Kung kahapon ay mukhang good mood siya at di napipikon--sa lagay na yun--ngayon nama'y isang tanong na lang, siguradong sasabog na yan.


Literal na may sasabog.


Hindi pasensyoso si Ax kaya't nakakapagtaka kung paano niya nagagawang palipasin yung mga ginagawa ng new student. Mula sa magtrespass sa teritoryo namin, hanggang sa pagkagat nito kay Ax. Hindi man lang siya nagalit. Pinasundo niya pa kay Kazer para pakainin.


Kung tratuhin niya ito ay akala mo isa itong kuting. Parang ingat na ingat siyang hindi mapano ito. Kulang na lang ay subuan niya ang babaeng yun kahapon.


It's weird coming from him na halos makapatay na ng tao pag nahawakan ng iba.


Si Ax'l de Castillo na nauulol pag may ibang taong bumubulabog sa katahimikan niya, nakangisi lang ng kagatin ng babaeng yun.


At ang pinakamalupet ay nanlibre pa.


Kahit kay Mona na inaakala ng lahat na prinsesa ni Ax, di siya ganun kabait.


Anong meron dun sa new student?


Oo, maganda nga talaga ito, pero marami din namang magaganda dito na nagtangkang magpacute sa kanya. Isa pa ay masyado itong simple kung ikukumpara sa mga babae dito na puro naka make up. Bukod sa pagiging misteryosa at tahimik, sobrang lakas din nitong kumain. Di rin ito natatakot sa kanila.

Naalala ko nung hatiin nito ang sandwich nito para sa aming anim. Mukha itong inosente at walang muwang sa mundo. As amusing as it looks, we kept ourselves from laughing. Ax gave us a warning look that time kaya napilitan kaming kainin yung binigay nito. Nakakatawa pero mas nakakamangha na pinapabayaan lang ni Ax na gawin ng new student kung anong gusto nitong gawin.


Napatingin ako sa cellphone kong kanina pa tumutunog. Si Hannah ba to o si Selene--basta baby #6 ang nakalagay. Kung sino man sa kanila ito they're both boring me already kaya gusto ko nang makipaghiwalay. Hope they'll get the message at tigilan na ang katatawag.


Nabalik ang atensyon ko sa harapan ng biglang tumayo si Ax.


Gyera na ba?


"Tara sa cafeteria," shit yung ngisi niyang yan. Kailngan ko na atang ipagdasal ang kung sino mang masasalubong namin.

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon